Fourth Chapter

6 0 0
                                    

Joshua's point of view

Tuwang tuwa ang kapatid kong si Mara ng hatakin niya si Tanya papunta sa Dining area. Nagtabi sila sa upuan. Bumaba na rin si Mom and Dad para sa hapunan. Kaharap ko si Tanya sa mesa.

"So, ikaw pala ang tutor ni Mara?" - Dad

"Opo, ako nga ho."

Sagot ni Tanya na mukhang kinakabahan.

"Kamusta naman ang pag-aaral ninyo?" Tanong ulit ni Dad.

"Ok naman po. Nakakasagot naman po siya sa mga tanong ko."

"Diba classmate ka ni Joshua?"

Parang nagulat siya sa tanong ng mommy ko.

"Opo."

"So kamusta naman ang pag-aaral ni Joshua? Nagcucutting ba sya?"

Nabilaukan ako sa tanong ni mommy.

"Mom! Tigil ka nga!"

Sigaw ko na ikinatawa lang ng mommy ko.

"Ok lang naman ho grades niya, at di siya nagcucutting."

Tumango-tango lang si mom.

"You know what Tanya, right? I like you kasi napakabait at napakagalang mo."

Ngumiti lang si Tanya sa sinabi ni mom.

"Thank you po, Mam."

"Don't call me Mam. Masyadong forma, Tanya. Just call me Tita Alice nalang, okay?"

"Okay po, Mam este Tita Alice."

Namumula na ang mukha ni Tanya pero maganda parin siyang tingnan kahit ganoon.

"Tanya, gusto ko na magtutor ka kay Mara every Monday, Wednesday, at Friday ha? Okay lang ba?" - Dad

"Ok po, sir."

~

Natapos na ang hapunan na kasama namin si Tanya. Kinuha na niya ang bag niya.

"Uwi na ho ako. Maraming salamat po."

Nagpaalam na siya kina Mom, Dad, at Mara.

"Halika na, Tanya. Samahan na kita."

"Hmm. Sige pero lakad nalang tayo."

Sabay kaway ulit kay Mara ng nagpapaalam.

Naglakad-lakad na nga kami sa subdivision. Teka? Ano kaya sasabihin ko? Parang ang awkward kasi antahimik dito.

"Tanya, saan ka nga pala nag-elementary?"

Nilingon niya ako.

"Punong Mangga Elementary School. Ikaw ba, Joshua?"

"Bright Stars Academy. Eh highschool?"

"Governor Sonny Ramirez High School."

"Aah. Nasaan nga pala papa mo?"

Bigla siyang napayuko dahil sa tanong ko.

"Aa sorry, Tanya. Di ko alam."

"Di, Joshua. Ok lang."

Nagpunas siya ng luha. Buti hindi siya galit. Kinakabahan nako.

"Aa eh. Tanya, nagkaboyfriend ka na ba?"

Bigla siyang napahinto sa paglalakad.

"Ako? Hindi pa. Kahit isa. Ikaw? Nagkagirlfriend ka na ba?"

"Ako din kahit isa, wala pa. May crush ka ba sa room?"

Nanahimik siya sa tanong ko.

"Wala naman, bakit? Ikaw ba meron?"

Sana di ako madulas sa pagsabi ng pangalan niya.

"Uhm. Wala lang naman. Natanong ko lang. Actually, ako meron."

Bumibilis na kabog ng puso ko.

"Talaga? Sino? Sabihin mo kung sino."

Ngumiti siya at parang nagmamakaawa.

"Ah, Tanya ako gusto ko mang sabihin pero wag na kasi baka ipagkalat mo."

Huwaa! Dapat di ko na sinabi na may crush ako!

"Please? Kahit describe mo nalang."

Nakalabas na kami ng subdivision at ngayo'y nag-aabang ng jeep.

"Ah maganda, matalino, mabait, minsan mahiyain, maalaga, at pala-kaibigan."

Sana di niya maisip na siya iyon.

"Nako mukhang mahirap ata yan ah. Sabihin mo nalang yung pangalan please? Promise di ko ipagkakalat."

Paktay! Mapapasubo ata ako dito ah!

"Hulaan mo nalang! Kaya mo yan. Matalino ka diba?"

Antagal dumating ng jeep na sasakyan niya. Sana dumating na yun para di na sya magtanong.

"Joshua naman eh! Siguro si Aicelle no?"

Eh? Anong klaseng hula yun?

"Hindi ah. Hulaan mo nalang. Kaya mo yan!"

"Aa! Baka si Allia!"

Allia? HAHAHA!

"Mali parin."

"Eto, I'm sure tamang tama na talaga ako dito. Si Nikka ano? Uuuuyy! Aminin! Si Nikka diba? Uy! Si Nikka! Si Nikka! Kilala ko na kung sino crush mo. Don't worry, di ko sasabihin kay Nikka na crush mo siya. Hahaha"

Anubayan! Di niya maisip na siya?

"Aa Tanya, mali ka dahil ang tunay na crush ko ay si-"

~Beeeeep!~

"Hay sa wakas andito na yung jeep. Sige, Joshua bye! Salamat sa paghahatid. Bukas mo nalang sabihin kung sino yun, ok?"

Sumakay na siya ng jeep. Ang shemay ko naman! Di ko agad nasabi! Wrong timing naman kasi yung jeep na yun! Kaasar! Tss. At hindi man lang niya naisip na siya yun? Promise next time talaga masasabi ko na talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

Oo, mahal ko si Tanya. Wag niyong sasabihin sa kanya ah? Sana matanggap niya yun kahit na ang tingin lang niya sa akin ay bilang bestfriend lang niya.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon