Twenty-sixth Chapter

2 0 0
                                        

Tanya's point of view

Isang buwan ang lumipas mula noong hindi pumayag ang mga magulang namin sa aming relasyon. Hindi ko akalain na makakaya namin hanggang sa dumating na ang araw na kinatatakutan ko.

Nagtext sa akin si Tristan at sinabing pumunta ako sa Rose park ng ala-sais ng gabi dahil may date kami at kailangan ay pormal ang suot. Pagdating ng ala-singko ng hapon ay naghanda na ako para sa date naming dalawa ni Tristan.

Pagdating ko sa Rose park ay punong puno ng ilaw ang paligid. Sa gitna ng parke ay may isang mesa kung saan may kandila sa gitna nito. Sa tabi ng mesa ay naghihintay sa akin si Tristan. Inaya niya akong umupo. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Mga masasayang bagay ang aming pinag-usapan. Puno ng tawanan habang masayang nakatitig sa mga bituin.

May pumasok na orchestra at nagtugtog nag kantang 'sayo'. Inaya ako ni Tristan na sumayaw. Nung una ay ayoko kasi nga hindi ako maayos at magaling na sumayaw. Pero dahil sa pagpupumilit niya ay pumayag na rin ako na sumayaw. Habang sumasayaw ay biglang naging seryoso si Tristan.

"Pag nawala ako, anong gagawin mo?"

Tiningnan ko lang siya sa mata habang may takot sa mga tanong niya.

"Anong gagawin ko? Pipiliin kong araw araw na umiyak sa aking kwarto. Hanggang sa mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko."

"Tanya, mahal mo naman ako hindi ba?"

"Oo, mahal na mahal kita."

Kumuha siya ng bulaklak at iniabot sa akin ang isang Forget me not flower.

"Tanya, wag na wag mo akong kakalimutan kahit wala ako sa tabi mo. Lagi mong iisipin na mahal na mahal kita."

Feeling ko nagtataasan lahat ng balahibo ko sa sinasabi ni Tristan. Ano ba ito?

"Tanya, eto namang Azalea flower. Alam kong alam mo na ang kung anong simbolo nito. Ayokong lagi kang iiyak dahil lang sa wala na ako."

"Ano bang ibig sabihin nito?" Tanong ko

Kumuha ulit siya. Ngayon ay Cyclamen flower kaya tuluyan na akong naluha.

"Tanya, itong bulaklak na ito, alam kong pamamaalam ang ibig sabihin nito. Pero ngayon ay binibigay ko ito sayo bilang simbolo ng isang magandang pamamaalam. Tanya, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit saan man ako mapunta ay ikaw lang ang nag-iisang laman ng puso ko."

"Bakit, Tristan? Saan ka pupunta?"

"Pupunta na ako sa Amerika."

"Pumayag ka? Diba sabi ko sayo na wag kang sasama? Tristan naman! Napaka-unfair mo! Nagsasawa ka naba? Napapagod ka na ba ha, Tristan?"

Lalong sumeryoso ang mukha ni Tristan.

"Oo! Sawang-sawa na ko! Pagod na pagod na ako! Ayoko na ng ganito! Ayoko nang masaktan! Lagi nalang tayong pinapaghiwalay! Sawang sawa na ako sa lahat ng hirap na nararanasan ko sayo!"

"Tristan, ang unfair mo! Anong tingin mo sa akin? Manhid? Bato, na hindi nasasaktan? Tristan, nasasaktan din ako, pero hindi ako sumusuko! Alam mo kung bakit? Dahil mahal kita! Ayokong magpatalo sa kanila! Lumalaban ako kahit gusto nang sumuko ng puso ko! Nahihirapan akong isugal ang lahat sa atin! Pero patuloy parin ako! Tristan, pagod na pagod na akong lumaban. Pagod na pagod na akong lumuhod at humingi ng tawad. Pagod na pagod na akong umunawa at tumanggap ng mga bagay na masasakit. Hindi ako isang superhero na may kapangyarihan na lumaban. Tristan, tao lang ako, nasasaktan at napapagod. Kung ayaw mo na at gusto mo nang sumuko. Paalam na."

Nakita kong naglalandas na ang mga luha sa kanyang pisngi. Hinalikan pa niya ako sa noo at yumakap pero pumiksi lang ako. Bumitaw lang ako at naglakad na papalayo. Papalayo sa taong mahal ko.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon