Twenty-fourth Chapter

1 0 0
                                    

Tanya's point of view

"Malapit kana? Oo, pumayag na si inay makipag-usap. Punta kana. Hihintayin kita ha? Ingat!"

Binaba ko na ang phone ko at nagpatuloy sa pagluluto ng hapunan. Darating kasi si Tristan dahil ipapakilala ko na siya kay inay.

"Maghahain na ako anak. Hintayin mo nalang siya."

Kahit hindi pa nakikita ni inay ay parang masaya siya at inaabangan kung sino ang darating.

"Tao po? Tanya?"

Mukhang si Tristan na iyon. Binuksan ko ang pinto at si Tristan ang aking nakita. Pumasok na siya sa bahay at nagmano kay inay.

"Halina kayo, nakahain na ang pagkain. Masarap habang ito ay mainit pa."

Pagyayaya pa ni inay sa amin ni Tristan. Umupo na kaming lahat at nagsimula nang kumain. Nagsandok na ng kanin si Tristan at inilalagay sa plato ko.

"Ikaw anak ha, di mo ipinakilala ng isang taon itong boyfriend mo. Eh gwapo naman pala."

Ngumiti lang si Tristan sa sinabi ni inay. Alam kasi ni inay na may boyfriend ako dahil kinikwento ko lagi.

"Ma, lagi ka kasing busy eh."

"Ay nako, pinagdadamot mo lang ito eh."

Nagtawanan lang kaming lahat.

"Ang sarap naman po ng luto ninyo."

"Anong ako? Si Tanya ang nagluto niyan."

Halatang nagulat si Tristan sa sinabi ni inay.

"Inay, bakit mo sinabi? Sabi ko sayo secret lang eh."

"Ay nako anak, hayaan mo na."

Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain.

"Nay, siya nga rin po pala yung tinuturuan ko tuwing martes, huwebes at sabado."

"Hindi ba at matanda ka na para magpaturo?" Tanong niya kay Tristan.

"Hindi naman po, yung mga mahihirap na aralin lang po ang pinag-aaralan naming dalawa."

"Okay, iho. Sige magpatuloy ka na sa pagkain mo. Ubusin mo ha?"

"Opo! Syempre luto ito ng anak niyo eh!"

"Nakakatuwa ka namang bata ka. Ano nga ba ulit pangalan mo, iho?"

"Tristan po. Tristan Lois Javier."

Biglang napatigil si inay sa pagkain at napayuko.

"Bakit, inay? May problema ba?"

"Muntik ka na bang masagasaan noong bata ka pa?"

"Opo, bakit po?"

"Saan iyon nangyari? Ilang taon ka noon? May sumagip ba sa iyo? Kilala mo ba siya?"

"Sa San Agustin Church po, noong anim na taong gulang ako. Ang naaalala ko lang ho, may sumagip sa akin pero hindi ko na ho maalala kung sino."

Napaluha na si inay.

"Bakit ba inay? May problema ba?"

Hindi ako nilingon ni inay. Pumunta siya sa kabinet sa sala at parang may kinakalkal. Lumapit siya ulit sa amin at may binigay kay Tristan.

"Naaalala mo ba ito? Kung sino ito?"

Ang litrato ni itay. Tinitigan itong mabuti ni Tristan.

"Opo, siya ho ang nagligtas sa akin noong muntikan na ho akong masagasaan."

Tumayo si inay, hinatak niya si Tristan pinapalabas. Atsaka isinara ang pinto.

"Wag na wag ka nang babalik dito!"

Sigaw ni inay sa pinto kung saan nasa labas si Tristan.

"Tanya, umakyat ka na sa taas."

"Bakit po ba, inay?"

"Siya ang dahilan kung bakit nawala ang itay mo."

"Pe-pero paano?"

"Siya ang nagligtas kay Tristan."

"Pero, bakit ka galit as kanya?"

"Siya ang dahilan kung bakit ka lumaking walang ama!"

"Inay, hindi niya kasalanan iyon. Si itay ang pumili na iligtas siya."

"Hindi mo ako naiintindihan, anak."

"Naiintindihan ko kung gaano kasakit pero hindi naman pwedeng ilayo mo ako sa kanya dahil lang sa nangyari dati. Iyon ang hindi ko maintindihan. Ang unfair, nay."

"Ayokong araw-araw ay isipin mo na siya ang dahilan kung bakit nawala ang ama mo."

"Ayos lang sa akin! Pero wag niyo na siya ilayo sa akin. Dahil mahal na mahal ko siya!"

Umakyat na ako sa kwarto at nagtalukbong sa kumot. Ang unfair naman kasi diba? Bakit ba kailangang maging ganto. Dahil lang sa iniligtas ni itay si Tristan ay pagbabawalan na kami ni inay?

Si Tristan lang naman ang niligtas at hindi naman siya ang nagsagasa. Napaka-unfair naman talaga.

Umiyak lang ako ng umiyak mula noong biyernes na naghapunan kami at hanggang ngayon. Buti nalang at kahit lunes ngayon ay walang pasok. Nami-miss ko na talaga si Tristan.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon