Tanya's point of view
Nagsindi na ako ng kandila at naglakad sa stage kung saan nandoon si Allia na nakaupo sa isang upuan na parang pangreyna.
"Hi, Allia! Ah eh, actually di ako prepared sa sasabihin ko pero happy birthday sayo! Salamat sa pagtanggap mo sa akin as a friend. Alam ko halos ngayong taon palang tayo na magkakilala, pero sana mas tumagal pa yung friendship natin. I'm thankful kasi naging part ako ng buhay mo. Wag kang magbabago ah? Sana ikaw parin yung Allia na laging kasakasama ko sa lahat ng bagay. Happy birthday ulit sayo, Allia! Tandaan mo, mahal na mahal ka namin."
Tumayo si Allia at tinanggal ang mask na dapat ay hindi tanggalin. Niyakap niya ako habang umiiyak at nagpapasalamat.
Nang matapos nang magsalita ang 18 candles, pumasok na si Allia sa bahay nila at nag-ayos ng make-up niya.
Yung iba kumukuha na ng pagkain. Masaya silang nagkekwentuhan at kumakain. Yung iba naman ay nagseselfie lang habang nakamaskara.
Nang matapos na kumain ang iba ay may nagbell at lumabas si Allia na iba nanaman ang maskara at damit. Nakacocktail dress nalang siya ngayon at di katulad kanina na para siyang cinderella.
"Guys, dahil may birthday ko ngayon, syempre may pakulo! Sino ang mga single diyan? Babae at lalake! Lumapit dito sa gitna! Well magsasayawan tayo, pero syempre pare-pareho tayong magmamaskara kaya sigurado di lahat ay magkakakilala. Pag stop ng 18th song, kung sino ang huli mong kapartner, I'm sure! siya ang makakatuluyan mo! Para bang mistakenly meant, or destined! Isn't it good?"
Nagsigawan ang lahat ng pagsasang-ayon atsaka nagsitayuan at pumunta sa gitnang part ng garden. Pinilit ako nina Aicelle, Allia, at Nikka na makisayaw din kaya wala na akong nagawa kung di ang tumayo at sumayaw narin.
Unang nagplay ang 'Dear no one (Tori Kelly)'. Una kong nakasayaw ay di marunong sumayaw. Naaapakan pa yung paa ko! Tss.
Sunod namang nagplay ang kantang 'You and me (Lifehouse)' kaya nagswitch partners na. Isang matabang lalaki ang naging kasayaw ko.
Third song na nagplay ay 'Fearless (Taylor Swift)'. Isang lalaking halatang adik na maraming hikaw sa tenga at may hikaw din sa ilong at dila ang nakasayaw ko.
Nang mag-switch partners para sa pang-apat na kanta ay nakasayaw ko ang isang makulit na lalaki na nanghihingi ng number ko, habang sumasayaw kami sa kantang 'Crazier (Taylor Swift)'.
Nung ikalima ay nagpalita na ulit dahil nagtugtog na ang 'Ours (Taylor Swift)'. Bakla naman ang nakatapat ko, pero nakatuxedo siya. Ay nako! Dapat yata lalaki partner nito. Dapat kasi nag-gown nalang siya.
Pang-anim na kanya ay 'Fifteen (Taylor Swift)'. Yung nakasayaw ko naman ay pilay! May hawak na saklay! Nahihirapan tuloy ako sa kanya. Nawawala ang poise ko nito!
Nung pang-pitong kanta ay 'Got to believe (Juris)' ang kanta. Nakatapat ko ang lalaking napakadaldal! Kwento lang ng kwento ng kung ano-ano. Tss!
Nung pang-walo na ay tumugtog na ang kantang 'Enchanted (Taylor Swift)'. Bakla din pero iba ito sa kanina kasi ang kasayaw ko ay nakagown din. Omg!
Nang natapos yun ay tumugtog na ang 'Lost stars (Adam Levine)'. Nagulat ako na makitang si Sir Magtalas ang nakasayaw ko!
Pang-ika-sampu ay 'Breathe (Taylor Swift)'. Broken hearted naman ang nakasayaw ko. Nanghihingi pa ng advice sa akin.
Nung pang-eleven na song ay 'Especially for you (MYMP)'. Isang lalaking desperado magkagirlfriend. Nanliligaw agad eh!
Nagpalitan ulit nang ipinatugtog ang 'A thousand years (Christina Perri)'. Single daw siya kaya meant to be kami, adik lang no?
Nung nag 13th song na ang 'Heaven (Opera Belles/Bryan Adams)', ay waiter ng party ang nakasayaw ko. Di na nahiya! Nakauniform pa ng trabaho niya.
Nung pang 14th song ay 'Safe and sound (Taylor Swift)', hardinero nila Allia ang kasayaw ko. Amoy araw pa.
Pang-fifteen na song ay 'Only hope (Mandy Moore)'. Librarian naman ng school ang kasayaw ko.
Nung iplay ang 16th song na 'When you say nothing at all (Ronan Keating)', si Chris na ang kasayaw ko.
"Uy! Akala ko may girlfriend ka na?"
"Ayaw na niya, malayo kasi siya. Alam mo naman sa Germany siya at ayaw bumalik dito" - Chris
"Ah. Kwento mo sa amin kung sino huling makakasayaw mo."
"Oo ba! Ikaw din ha."
Yan ang huli niyang sinabi bago magpalit ng song. 17th song? 'Can I have this dance (High School Musical)'.

BINABASA MO ANG
Sayo
RomanceTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.