Twenty-first Chapter

2 0 0
                                    

Tanya's point of view

Napaaga ang pasok ko kaya ngayon ay ako palang ang tao dito sa room. Ano ang gagawin ko dito ngayon? Hmmmm...

Nagbasa-basa na lang ako ng notes para may magawa. Antagal naman nila. Ako parin kasi ngayonang tao dito.

Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Hi, Tanya! Ano pinag-usapan niyo ni Joshua kahapon?" - Tristan

"Bakit mo tinatanong? Eh usapang magbestfriend yun."

Umalis siya sa pagkakayakap at pumunta sa tabi ko.

"Ano nga yun, Tanya?"

"Pinag-usapan ka namin."

"Ha? Bakit, Tanya?"

"Joke lang! Kailangan ba talaga tanungin mo pa ako? Selos ka no?"

Nag-pout siya.

"Hindi ah! Kailan mo ba kasi ako sasagutin?"

"Excited? Eh paano kung ayaw ko?"

I saw pain in his eyes.

"Ayaw mo? Gwapo naman ako eh."

"Alam ko na gwapo ka, pero pwede wag ipagmayabang?"

"Sorry na! Kailan mo ba kasi ako sasagutin?"

"Uhm. Siguro pag nagka-snow na sa Pilipinas?"

Ngumiwi siya sa sinabi ko.

"Excited ka kasi eh."

"So ano? Kailan nga?"

"Pagnagka-snow na nga."

"So, hindi mo ako sasagutin?"

"Uhm. Bukas? Next week? Next month? Next year? Next decade? Next century? Next millennium?"

Napangiwi siya lalo sa sinabi ko.

"Tanya naman eh!"

"Di pwedeng mamaya? Nagbabasa ako eh."

Kinuha niya yung binabasa kong notes.

"Mamaya? Di ba pwedeng ngayon nalang?"

Nagbe-beautiful eyes pa siya sa akin.

"Hmm. Sige na nga."

"Talaga, Tanya?"

Bakas sa mukha niya ang saya.

"Oo. Bakit? Ayaw mo, Tristan?"

"Anong ayaw? Gustong-gusto ko kaya!"

Tumatalon-talon siya sa sobrang saya. Agad namang dumating sina Allia, Aicelle, Chris, Nikka, at Joshua. Biglang hinatak ni Tristan sina Aicelle, Allia at Nikka at biglang niyakap.

"Guys! Congratulate me! Sinagot na ako ni Tanya!"

Halatang gulat na gulat sina Aicelle sa narinig. Hinatak naman ni Tristan sina Chris at Joshua at shinake hands sila.

"Congrats, bro." - Chris

"Congrats, pare. Ingatan mo si Tanya ha?" - Joshua

"Salamat mga pre. Pangako iingatan ko siya."

"So anong endearment niyo?" - Allia

Tumigil si Tristan sa pagtatalon-talon at tumabi sa akin.

"Anong gusto mo Tanya ko? Honey? Bebe? Sweetie? Sweetiepie? Honeybunch? Lollipop? Baby? Babe? My sunshine? Love? Darling? Lovey? Buko? Cherry pie? Sweetyhearty? Pillow? Cutiepie? My sugar? My babydoll? My heart? Heart? Mahal? Pako? Anong gusto mo?"

Napanganga kami nina Allia, Aicelle, at Nikka sa mga sinabi ni Tristan.

"Ang oa naman." - Nikka

Nagtawanan kaming lahat dahil nag-pout si Tristan dahil sa sinabi ni Nikka. Kumuha si Aicelle ng papel at sinulat ang pangalan namin ni Tristan at parang may iniisip.

"Eh kung TrisYa kaya? Or dahil pareho naman kayong may Tan sa pangalan, eh TanTan nalang." - Aicelle

Tantan? Hmm. Pwede din naman.

"Adik ka talaga Aicelle eh! Tantan na kaya nickname ni Tanya. Bawal na yon." - Nikka

"Edi lagyan ng 'ko' sa dulo para 'Tanya ko' or 'Tristan ko'! Inshort, Tantan ko!" Paliwanag ni Aicelle

"Eh kung Tan kaya?" - Chris

"Ano naman yun?" Sabay sabay naming tanong.

"Edi T-unay A-t N-agiisa"

Hmm. Pwede din.

"Eh kung T-anging A-king N-ais?" Sabi ni Nikka

"Kahit ano pang meaning niyan. Tan nalang para simple, ok?"

Tumango lang si Tristan sa sinabi ko.

Parang wala nanamang professors ngayon ah? Bakit kaya?

Pumunta nalang kaming lahat sa ovalpark at umupo sa damuhan. Umalis sandali sina Joshua at Chris para bumili ng pagkain sa canteen. Umalis din si Tristan. May pupuntahan lang daw saglit.

"So, anong feeling ng may boyfriend?" - Aicelle

"Kanina lang naman, kaya pwede wag excited?" Pagsagot ko

"Bakit siya ang napili mo?" - Allia

"Kasi so Joshua, bestfriend lang ang turing ko sa kanya."

"Di ka ba takot na baka mamaya ay may lumapit ulit sa kanya at bumalik siya sa dati?"

Nagulat kami sa tanong ni Nikka.

"Syempre takot, pero sigurado naman ako na di na siya babalik sa dati kasi di niyo ba nakikita? ilang buwan din nating siyang kasama at halatang nagbago na talaga siya."

Pagbalik ni Tristan, may dala siyang pink na cartolina. Nagtanong si Nikka kung para saan yun at agad namang binuklat ni Tristan yung cartolina. Nakita namin ang nakasulat na 'HAPPY HOURSARRY, TAN'.

Hoursarry? Pauso ah. Nakita kong nagtatawanan lang sina Aicelle, Allia, at Nikka.

"Pauso ka ha? Hoursarry?" - Aicelle

"Happy happy 1st hoursarry satin, Tan! I promise, I will love you every second, minute, hour, day, week, month, year, decade, century, and millennium of my life!"

"Okay sige, kayo na ang sweet." - Allia

Nagtawanan lang kaming lahat. Lumapit sa akin si Tristan at hinalikan ko sa noo.

"Ok ka lang ba, Tan?" - Tristan

"Oo, ok lang ako."

"Inaantok ka ba? Higa ka muna sa lap ko."

Eh? Ano bang nangyayari dito at napakasweet?

"Pero? Wag na."

"Sige na, Tanya. Gisingin nalang kita kapag nandito na sina Joshua dala ang mga pagkain natin."

Wala na akong nagawa kaya humiga nalang ako sa damuhan at ang ulo ko ay nakapatong sa lap niya.

~

"Tan gising na, nandito na sina Joshua."

Ginising ako ni Tristan kaya agad naman akong bumangon.

"Sorry kung matagal kami ha. Ang haba kasi ng pila sa canteen kaya nagdesisyon kami ni Chris na sa labas nalang bumili. Kaya eto, bumili kami ng Pizza at Lasagna diyan sa Greenwich." - Joshua

"Ilang oras ba ako nakatulog?"

"Mga 30 minutes lang naman. Kain na." - Tristan

At kumain na kaming lahat habang nagkekwentuhan.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon