Fifteenth Chapter

3 0 0
                                    

Tanya's point of view

Nagising ako sa init ng sinag ng araw na nakatapat sa aking mukha. Anong oras na ba? Lumingon ako sa dingding kung saan nakakabit ang relo. 9:30 na pala.

~Tweet tweet~

Binasa ko ang text sa cellphone ko.

"Kung sino yung taong nang-aasar, nang-iinis at nangungulit sayo ay siya ring taong palihim na umiibig sayo.

Good morning!

Yehey! Walang pasok!

Tara text? Gm." - Sms fr: Aicelle

Pumapag-ibig ata siya? Hmmm.

Bumangon na ako at bumaba para mag-almusal. Pagpunta ko sa kusina, wala na si inay. Nasa palengke na ata para magtinda.

Kumain na ako ng almusal at saka naligo. Ano naman kayang gagawin ko dito?

Matulog ulit? Di na ako inaantok eh.

Maglinis? Masyado nang malinis ang bahay.

Manood? Depukpok kaya TV namin.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko dahil tumutunog nanaman.

Limang text? Tapos puro Hi lang? Unknown number naman. Bahala siya diyan.

~Tweet tweet~

"Hi, Tanya!"

Omg! Kilala ako nito?

"Sino ka?"

Reply ko.

~Tweet tweet~

"Ako ang forever mo."

Forever daw? Sino ba ito?

"Forever ka diyan."

"Ako nga Forever mo. Di mo pa ba nababasa?"

Di pa nababasa? Omg! Baka kinidnap niya si inay at ang sinasabi niya ay ransom letter! Mapapakawalan lang si inay pag nagpakasal ako dito! Omg!

"Excuse me, pero di ako naniniwala sa forever. Kidnapper ka no? Ibalik mo nanay ko!" - Reply ko

~Tweet tweet~

"Nagpapatawa ka ba? Hindi ako kidnapper. Basahin mo na kasi kung di mo pa nababasa. Nasa green paper yun." - Text niya

Green paper? Nangalkal ako sa bag ko pero wala namang green na papel. Lumapit ako sa electricfan at binuksan ito, ang init kasi.

Teka? Nagpatuyo ako ng papel kagabi diba? Ano nga bang kulay nun? GREEN!

Napalingon ako sa kung saaan ko inipit yun atsaka kinuha ko yun at binasa.

"Tanya, Tanya, Tanya Madlang-awa. Tingin ko nahuhulog na ako sayo. Mula noong una kitang makita. Lagi ka nang laman ng isip ko. Kung mahulog nga ako ng tuluyan sayo, sana ay tanggapin mo ako at mahalin... Secretly loving you, Your forever."

Sino ba talaga itong taong ito? Tutuktukan ko ito pag nakita ko.

~Tweet tweet~

"Ano, nabasa mo na?" - Text niya

"Sino ka ba? Magpakilala ka na kasi! Trip mo ata ako eh! Babayaran ko na yung nilibre mong pagkain kahapon. Magpakilala ka na, please?"

~Tweet tweet~

"Ayokong magpakilala. Baka tuktukan mo lang ako eh! Atsaka libre ko yun, kaya di mo dapat bayaran, ok?"

Nababasa ata nito utak ko. Nakakainis ayaw niya talaga magpakilala. Sino ba talaga ito? Joshua? Eh umamin na siya na mahal na niya ako eh. Atsaka meron akong number ni Joshua.

Si Tristan? Nako imposible naman yon na magkagusto sakin. Playboy yun eh! May saltik pa.

Si Chris? May girlfriend yun. Kahit long distance relationship sila ay loyal parin si Chris.

Sino ba kasi siya? May nalalaman pang forever ko daw.

"Sino ka ba kasi? Magpakilala ka na please."

Mag-aalas dose na ng tanghali tsaka lang siya nagreply.

~Tweet tweet~

"Ayoko. Baka pag nalaman mo di ka na makatulog mamayang gabi kakaisip sa akin."

Wow! Napakaechosero naman nito.

"Sino ka ba kasi? Para makita kita."

~Tweet tweet~

"Gusto mo akong makita? Don't worry pupunta ako sa party ni Allia."

"Pupunta ka talaga? Anong isusuot mo? Gaano ka katangkad? Mataba ka ba?"

~Tweet~

"Hahaha! Mas matangkad ako sayo at di ako mataba. Ano isusuot ko? Syempre secret na yun."

Eh? Paano ko siya hahanapin? Eh di ko alam yung damit na susuotin niya bukas?

Biglang nagtext si Allia at sinabing magsleep over nalang sa kanila.

Nagtext ako kay inay para magpaalam na agad din naman niyang ikinapayag.

~

"Hello, Tanya! Antagal mo ah! Kanina ka pa namin hinihintay oh!"

Pagbati sa akin ni Allia. Pumasok na kami sa loob kung saan naghihintay sina Aicelle, at Nikka.

"Sina Joshua, at Chris nga pala hindi daw magssleep over. Magda-drive nalang sila bukas papunta sa party." - Aicelle

Nagkwentuhan na kaming apat hanggang sa mag-gabi. Laro-laro lang at kung ano ano din ang kinain namin sa buong maghapon malibang lang.

Sino ba kasi yung Mr. Forever ko? Makikilala ko rin siya.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon