Tanya's point of view
"Aah. Nasaan nga pala papa mo?"
Anubayan. Nagtanong pa ng ganyan si Joshua. Parang gusto ko na tuloy umiyak.
"Aa sorry, Tanya. Di ko alam."
"Di, Joshua. Ok lang."
Ayoko talaga sa lahat na may nagtatanong sa akin kung nasaan ang ama ko.
"Aa eh. Tanya, nagkaboyfriend ka na ba?"
Anong klaseng tanong yan?
"Ako? Hindi pa. Kahit isa. Ikaw? Nagkagirlfriend ka na ba?"
"Ako din kahit isa, wala pa. May crush ka ba sa room?"
Ano nanamang tanong ito?
"Wala naman, bakit? Ikaw ba meron?"
Parang sasabog na ang mukha niya sa pamumula.
"Uhm. Wala lang naman. Natanong ko lang. Actually, ako meron."
Wow! May crush pala siya sa room.
"Talaga? Sino? Sabihin mo kung sino."
Wiwiw! Sino kaya? Si Nikka? Si Aicelle, o si Allia? Or yung iba pa naming classmate?
"Ah, Tanya ako gusto ko mang sabihin pero wag na kasi baka ipagkalat mo."
Aba! Andamot naman nito!
"Please? Kahit describe mo nalang."
Parang di niya alam kung ano ang sasabihin. Buti nalang at nakalabas na kami ng subdivision. Gusto ko na talagang makauwi.
"Ah maganda, matalino, mabait, minsan mahiyain, maalaga, at pala-kaibigan."
Anubayan! Ang hirap naman ng clues na binigay niya? Maraming ganyan sa room eh.
"Nako mukhang mahirap ata yan ah. Sabihin mo nalang yung pangalan please? Promise di ko ipagkakalat."
Napalunok siya sa sinabi ko.
"Hulaan mo nalang! Kaya mo yan. Matalino ka diba?"
Aba't parang sinasabi niya na di ko kayang hulaan ah!
"Joshua naman eh! Siguro si Aicelle no?"
Tingin ko si Aicelle kasi lahat ng katangiang sinabi niya ay meron si Aicelle.
"Hindi ah. Hulaan mo nalang. Kaya mo yan!"
"Aa! Baka si Allia!"
Allia? HAHAHA!
"Mali parin."
Grrr! Ang hirap naman! Bakit kasi hindi nalang sabihin para tapos na ito.
"Eto, I'm sure tamang tama na talaga ako dito. Si Nikka ano? Uuuuyy! Aminin! Si Nikka diba? Uy! Si Nikka! Si Nikka! Kilala ko na kung sino crush mo. Don't worry, di ko sasabihin kay Nikka na crush mo siya. Hahaha"
Sigurado na talaga ako na si Nikka nga ang crush ni Joshua. Di ko naman kasi nakikitang nakikipag-usap si Joshua sa iba naming mga kaklase.
"Aa Tanya, mali ka dahil ang tunay na crush ko ay si-"
~Beeeeep!~
Anubayan! Nakakabitin! Di ko narinig. Andito na kasi yung jeep. Next time nalang kaya? Sana sabihin pa niya.
"Hay sa wakas andito na yung jeep. Sige, Joshua bye! Salamat sa paghahatid. Bukas mo nalang sabihin kung sino yun, ok?"
Nakita kong nakasimangot siya dun sa sinabi ko. Sino ba naman ang di maiinis diba? Ako nga din gusto kong malaman kung sino yung sinasabi niya.
Ang swerte siguro nung babae na crush ni Joshua. Hmm. Sino kaya yun? Sigurado ako isa yun sa mga babaeng kaibigan niya sa room. Si Allia, Aicellle, Nikka at ako? Erase! Di ako kasali dun ah! Kasi kung ako yun edi sana di niya sasabihin sakin diba? Matxt ko nga.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko.
"Huuuy! Sino yung crush mo? Ngayon mo nalang sabihin"
~Message sent to Joshua."~
Sana naman magreply siya. Gusto ko talaga malaman kung sino yung crush niya.
~Tweet-tweet~ SMS fr: Joshua
"Wag na lang. Ingat ka sa pag-uwi. :*"
Hala anlabo naman nun. Gusto ko pa naman malaman kung sino.
~
Pagkauwi ko, nagreview na ako para sa midterm exam bukas. Nahihilo na nga ako dahil sa dami ng binabasa ko eh. Wala eh. Kailangan kong magreview. Baka mawala ako sa pagiging iskolar, kawawa naman si inay. Ayoko pa na mahirapan siya dahil sa akin.

BINABASA MO ANG
Sayo
RomanceTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.