Third Chapter

6 0 0
                                    

Tanya's point of view

Nagkaroon na ako ng maraming kaibigan dito sa room. Paano ba naman eh apat kaming magkakaklase.

Sina Aicelle, Allia, Chris at Joshua. Si Allia, mayaman siya. Nagulat nga ako ng makipagkaibigan siya sa amin. Si Aicelle, iskolar din siya dito. Si Chris mayaman din pati si Joshua.

Si Tristan? Ayun! Apat na buwan nang papalit-palit ng girlfriend. Parang bawat araw kailangan may bagong girlfriend.

"Tanya, tulala ka nanaman."

Nagulat ako sa nagsalita. Si Aicelle lang pala.

"Nandito na si Sir Magtalas."

~

Hay nako! Natapos din ang boring na subject ni Sir Magtalas!

"Tanya, sama ka sa amin. Maghahang-out kami nina Nikka, Aicelle, Joshua, at Allia."

Para silang nagmamaka-awa para lang sumama ako sa kanila.

"Sorry, Chris. May tutor ako eh."

"Tanya, sama ka na please? Treat kita." - Allia

"Nako sorry talaga. Dagdag din kasi sa pang-allowance ko ito eh. Sayang naman kung pakakawalan ko pa. Don't worry, next time ha? Babawi ako."

Nagsimangot silang lahat.

"Tanya naman eh. Lagi mo nalang sinasabing babawi ka. Sigi na, Tanya. Sama ka na. Ngayon lang naman eh. Sama ka na. Please? Please?"

Pagmamakaawa ni Nikka.

"Promise talaga next time, sasama ako. Ok?"

"Sure ba yan, Tanya?" - Aicelle

"Oo, sasama ako next time. Wag na sad ha? Smile naman kayo diyan! Babawi ako next time."

Tumayo nalang silang lahat. Wala silang magagawa. Alam naman nilang lahat na para ito sa allowance ko eh.

~

Nagsimula na akong hanapin ang bahay ng tuturuan ko. Nagkaligaw-ligaw na ako. Ayoko talaga pag subdivision eh. Di ko kasi alam yung eksaktong lugar. Muntik pa akong habulin ng aso.

Napaupo nalang ako sa sidewalk dahil nahihilo na ako. At tingin ko nawawala na talaga ako. Gusto ko nang umiyak.

"Tumayo ka na diyan. Nakapagtutor ka na ba? Baka kanina ka pa hinahanap at hinihintay ng tuturuan mo."

Oh my God! Sino ito? Stalker ko ba ito? O siya ang tumawag at nagsabing may tuturuan ako at siya ang salarin kung bakit ako naliligaw dito?

"Tanya, tayo na diyan."

Hala! Alam niya pangalan ko? Unti-unti akong tumingin sa lalaking kumakausap sa akin at nakita kong si Joshua lang pala.

"Tanya, bakit ka umiiyak diyan?"

Napayakap nalang ako sa kanya.

"Naliligaw kasi ako eh."

"Hayaan mo, sasamahan kita."

"Salamat ah."

"Ano ba yung address?"

Nagpunas ako ng luha at umalis sa pagkakayakap ko sa kanya.

"264 Kalaw Street, Greenwoods Subdivision."

Nagbigay si Joshua ng panyo sa akin.

"Oo sige, sasamahan kita. Eto panyo oh. Wag kana iiyak ha?"

"Ok, Joshua."

Nagsabay na kami ni Joshua sa paglalakad. Anlayo pala. Pero hindi naman boring kase kasama ko siya. Buti nalang pala nandito siya kung hindi, kawawa talaga ako. Kung ano ano nalang ang pinag-uusapan namin. Hanggang sa makarating na kami sa bahay ng tuturuan ko. May isang taong lumabas doon sa bahay.

"Ikaw ba yung magtuturo? Kanina ka pa hinihintay ah?"

Mukhang mataray tong yaya na to ah!

"Naligaw ho kasi ako. Buti nalang at may nagturo po sa akin ng address."

Kinalabit ko si Joshua na nakatalikod sa amin.

"Sir Joshua, nandito na ho pala kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni mam."

Bakit kilala niya si Joshua?

"Ibig sabihin Joshua, dito ka nakatira?"

Tinawanan lang niya ako. Dito nga yata talaga siya nakatira. Nakakahiya! Dapat talaga di na ako pumayag. Anobayan! Di man lang kasi sinabi ni Joshua.

~

Nakilla ko ang batang nagpapatutor. Si Mara, ang cute niya. Medyo maharot nga lang pero medyo mabait din naman siya at medyo matalino. Parang feeling ko, super close kami ni Mara.

"Ate Tanya, dito ka nalang magdinner samin, please?"

At ngayon, kinukulit na ako ni Mara na maghapunan sa kanila.

"Mara, di pwede eh. Baka hinahanap na ako ni inay ko. Gabi na din kasi."

"Please, ate Tanya? Please?"

Hawak niya ang kamay ko habang naka-pout at nagmamakaawa na dito ako maghapunan.

"Sige na, Tanya. Pumayag kana."

At ngayon pati si Joshua pinipilit na ako. Paano ito?

"Gabi na kasi, baka di ako makasakay."

"Wag ka mag-alala, ihahatid kita kaya pumayag kana."

Kinuha ni Joshua ang bag ko para lang mapapayag ako. Napakatalaga. Magkapatid nga talaga sila ni Mara.

"Pumayag ka na please? Kawawa naman si Mara pag di ka pumayag. Magtatantrums yan."

Sabay kindat ni Joshua kay Mara. Nagkampihan talaga sila ah. Wala ba akong kakampi dito? Nagbeautiful eyes naman si Mara na parang nagmamakaawa.

"Sige na nga."

Wala eh. No choice na ako.

"Yehey! Yehey!"

Tuwang-tuwa si Mara na hinahatak ako pababa ng hagdan. Nakakatakot baka makaladkad ako at magpagulong gulong sa hagdan. Si Joshua naman tawa lang ng tawa habang sumusunod samin ni Mara.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon