Twentieth Chapter

2 0 0
                                    

Tanya's point of view

Lumipas na ang tatlong buwan. Marami na ang nagbago. Lagi na naming kasama si Tristan sa barkada. At lagi din niya akong kinukulit na sagutin ko na siya.

Lagi niya narin akong hinahatid kahit ayoko at sinusundo niya ako tuwing umaga pero laging sa kanto lang namin siya naghahatid at nagsusundo. Baka makita kasi ni inay eh.

Lagi din kaming nililibre nina Nikka at Aicelle pag nasa canteen. Close narin niya sina Allia at Chris. Si Joshua? Minsan hindi na siya nagsasalita pag nandiyan si Tristan.

Alam na din nina Allia na nanliligaw din si Joshua. Kahit si Tristan ay alam din ito.

"Tanya, nandito na yung spaghetti mo." - Aicelle.

Nandito nanaman kasi kami ngayon sa canteen.

"Ayoko niyan."

Nagulat silang lahat. Alam kasi nila na yan ang lagi kong kinakain eh.

"Bakit? Mainit ba? Gusto mo hipan ko?" - Sabi ni Tristan.

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Shunga! Anong tingin mo diyan kay Tanya? Bata?" - Aicelle

Nagtawanan lang kaming lahat habang si Tristan ay naka-pout lang.

"Tanya, palit nalang tayo." - Joshua

Nakipagpalit nalang ako ng pagkain kay Joshua na Tuna sandwich.

"Tanya, bakit ayaw mo ng pasta?" - Chris

"Wala lang. Trip ko lang mag-iba. Para hindi naman araw-araw ay pasta."

Tumango nalang silang lahat at ako naman ay inubos na yung tuna sandwich at pineapple juice. Nakikinig lang ako sa kwentonina Allia. Basta tungkol sa kahit ano. Ang ingay ingay nila.

"Tanya, may problema ba?" Tanong ni Chris.

"Wala naman. Bakit, Chris?"

"Eh bakit antahimik mo at ang tamlay mo?" - Chris

Nakatitig na silang lahat sa akin.

"Stress lang siguro ito."

At di na sila nangulit pa. Oo nga? Bakit ba ako ganito? Halos isang buwan na akong halos walang ganang kumain. Minsan lagi daw akong matamlay at tahimik. Minsan nga gusto ko nalang matulog. Siguro ay dahil namimiss ko lang si itay. Siguro nga ganoon lang.

Buti nalang at uwian na. Gusto ko nang matulog eh. Buti at wala na akong tutor pag Monday, Wednesday, at Friday. Tapos na kasing magpatutor si Mara. Si Tristan nalang ang tinuturuan ko kahit minsan ay ayaw na niya.

Tumayo na kaming lahat. Nauna nang umuwi sina Aicelle, Allia, Chris, at Nikka. Ngayon ay kasama ko sina Tristan at Joshua sa paglalakad. Siguro ay naiinip na silang dalawa dahil antagal kong mamili sa kanilang dalawa.

Oo, bestfriend ko si Joshua pero ayokong masaktan siya. Si Tristan naman kahit minsan nakakainis ay lagi parin niya akong pinapasaya. Ewan ko ba? Mahal ko na ba si Tristan? Hmm.

"Kailangan ba na dalawa kayo maghatid sa akin, ha?"

Napalingon silang dalawa dahil sa pagtatanong ko. Nalungkot si Tristan.

"Uhm, hindi naman.Si Joshua kasi ayaw magpaiwan eh."

"Eh kasi lagi nalang ikaw ang naghahatid kay Tanya eh." - Joshua

"Tristan, umuwi ka na. Si Joshua nalang ang maghahatid sa akin."

Nalungkot lalo si Tristan dahil sa sinabi ko.

"Pero bakit, Tanya?"

Nag-pout pa siya sa akin.

"May pag-uusapan pa kami ni Joshua."

"Pero, Tanya?"

"Sige na, Tristan. Uwi ka na."

"Mag-iingat ka, Tanya. Ha?"

Umalis na siya at iniwan kami ni Joshua.

"Ano bang pag-uusapan natin, Tanya? May problema ba?"

"Joshua, I'm sorry."

"Tanya, para saan?"

"I'm sorry kung di ko man magawang pilitin ang puso ko na pilitin ka."

Nakita kong naglandas na ang mga luha sa pisngi niya.

"Tanya, diba sabi ko maghihintay ako."

"Pero doon pa lang sa sayaw hindi na tayo ang itinakda."

"Naniniwala ka doon?"

"Hindi ako naniniwala, pero sumusunod lang ako sa utos ng puso ko."

Napaluhod siya dahil nahihirapan na siya.

"Ibig bang sabihin, pinipili mo si Tristan?"

Ibinangon ko siya sa pagkakaluhod.

"Oo, patawad Joshua. Sana mahanap mo yung taong nararapat sayo."

"Ipangako mo sa akin na iingatan mo ang sarili mo, Tanya. Sana di magbago sa atin ang lahat. Tandaan mo, ako parin ang bestfriend mo. Pag sinaktan ka niya, ako ang bahalang bumugbog sa kanya."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Sige, Joshua."

"So, kelan mo siya sasagutin?"

"Ano bang date ngayon? Pag-iisipan ko nalang."

Siguro okay na sa kanya na di siya ang napili ko. Siguro nga kasi ay hindi kami ang meant to be. Siguro may nakatakda na para sa kanya.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon