Tanya's point of view
Ayun nga, isang buwan at dalawang linggo na akong nagtuturo kina Mara at Tristan. Si Tristan ang lagi kong kinaiinisan. Paano ba naman, lagi niyang pinapainit ang ulo ko.
Minsan ayaw niyang makinig, minsan pinagtitripan ako, at minsan tinatakasan din ako. Pero may time din na sobrang bait niya na parang nakakatakot na baka mamaya ay sakalin nalang ako bigla. May time din na nakatingin lang siya sa akin at sobrang tahimik. Ewan ko, ang gulo niya. Ngayon, papunta na ako sa kanila para mag tutor.
~
Pagdating ko sa kanila ay umakyat na agad ako sa kwarto ni Tristan para magturo. Ganoon naman lagi eh, sa kwarto niya ako laging nagtuturo.
Pagpasok ko, nakita ko si Tristan na nagsa-soundtrip lang sa tabi. Sabado kasi ngayon.
"Oh! Antagal mo, Miss Sungit! Kanina pa kita hinihintay ah! Antagal mo naman!"
Pagbati sa akin ni Tristan. Naiinis na nga ako eh! Lagi nalang Miss Sungit ang tawag niya sa akin.
"Tara na, magsimula na tayo para makauwi ako ng maaga."
Kinuha ko na ang mga gamit ko at nilapag sa mesa niya.
"Bakit? Ayaw mo na ba ako makasama?"
Nang-aasar pa ang buang.
"Oo! Kaya eto sagutan mo na!"
Binigyan ko na siya ng quiz na agad naman niyang kinuha at sinagutan, habang ako naman ay gumagawa ng assignments ko.
"Ang hirap naman nito, Miss Sungit!"
Aba't reklamador pa!
"Madali lang yan! Maarte ka lang. Kaya alam kong kaya mo yan!"
"Ok, pag nasagot ko ito, magde-date tayo bukas ah?"
Pinagtitripan nanaman ako nito.
"Pinagtitripan mo nanaman ako no? Pero sige, payag ako KUNG! mape-perfect mo yan."
Nakakastress naman itong taong ito.
"Oh sige ba! Kaya ko to no! Andali lang kaya!"
Aba't anlakas ng fighting spirit nito ah! Seryoso talaga siya? Gusto niya talagang makipagdate? Hmm...
~
Magdadalawang oras na siyang nagsasagot, di parin tapos! Talagang kina-career niya ang pagsasagot para lang maperfect ah! Grabe talaga siya, halatang desperado.
Tumayo na siya at lumapit sa akin.
"Oh! Eto, perfect ito sigurado! Yung date ko ah? Kahit wag mo na yang check-an."
"Excited? Di pa nga sure kung perfect ito lahat eh!"
Umupo na ako at nagsimula nang magcheck ng ginawa niya.
"Tanya Enriquez Madlang-awa. Birthday: February 14, 1997. 316 Biak na Bato Street, Crisostomo Avenue, Valdez Hills, Quezon City. At ang cellphone number ay 091-"
"Yung ID ko ibalik mo!"
Tawa siya ng tawa.
"Wow! Ang cute mo pala dito eh! Bakit ayaw mo ipakita sa akin ito? Pinagdadamutan mo ako ah!"
Pilit kong inaagaw yung ID ko pero pilit niya rin itong itinataas, nanggigigil na talaga ako dito!
"Kuhain mo! Kuhain mo, Miss Sungit!"
Tinaas pa niya lalo.
"Akin na sabi! Aaaaaah!"
Napatid ako at natulak ko siya kaya bumagsak kami at ngayon ay nakalapat na ako sa dibdib niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Tinititigan lang niya ako. Parang anghel siya kung titignan.
~Ring Ring Ring~
"Tanya, sayo ata yun."
Akin ba? Ay, oo nga! Agad akong tumayo at kinuha ko ang cellphone sa bag. Si Allia pala ang tumatawag.
"Hello, Allia. Bakit ka napatawag?"
"Hello, Tanya! Alam mo naman na birthday ko na next week diba? Susukatan ka na ng damit bukas para sa susuotin mo sa party."
"Nako, Allia. Wag nalang kaya ako sumama? Nakakahiya kasi eh. Kaya di nalang ako pupunta sa party."
"Ano ka ba! Kailangan nandoon ka Tanya, kasi pupunta sina Aicelle, Nikka, Chris, at Joshua. Kaya kailangan kumpleto tayo, ok?"
"Anobayan, sige na nga. Ok bye."
Ayoko talaga na pumunta sa mga party.
"So, ano? Perfect na ba ako?"
Ay oo nga pala yung pinasagutan ko kay Tristan, che-checkan ko pa pala. Kinuha ko na ulit yung papel niya at chineck-an.
"Oh, eto na! Aalis na po ako!"
Inabot ko na yung papel at binuksan ang pinto ng kwarto niya.
"Paano ba yan, perfect ako kaya tuloy yung date nating dalawa."
Seryoso talaga siya doon?
"Ok, sige na nga! 6pm, Rose park ah?"
Ngumiti lang siya at kumaway.
"Paalam! Mag-iingat ka!"
Parang may sayad talaga yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/269146000-288-k604884.jpg)
BINABASA MO ANG
Sayo
RomanceTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.