Tanya's point of view
Nagising na lang ako sa lugar na sobrang liwanag at puro puti lang ang nakikita. OMG! Am I in heaven?? O_O
Lumingon ako sa tabi ko at nakita ko si Joshua na nagsa-soundtrip lang sa gilid.
"O Tanya, gising ka na pala. Ok ka na ba? Nahihilo ka pa? Nahimatay ka kanina ah."
Lumapit siya sa akin.
"Nasaan na sila? Nasaan ako?"
"Si Allia sinundo na ng driver niya. Si Nikka magbabantay pa daw siya ng tindahan nila. Si Aicelle pinapauwi na ng nanay niya. Si Chris naman may dinner daw kasama ng family niya. Wag ka mag-alala dahil nasa clinic ka lang naman."
Anobayan. Umuwi na sila at iniwan kami.
"Eh ikaw? Anong oras na pero nandito ka parin."
"Hindi kita pwedeng iwan, Tanya. Ayokong mag-isa ka lang dito. Kaya hindi ako umalis."
Napangiti ako sa sinabi niya. Napakabait talagang kaibigan itong si Joshua.
~
Nadischarge na nga ako sa clinic. Sabi nung isang nurse, nastress lang daw ako dahil sa dami ng nangyari.
Sabay na kami ngayong naglalakad ni Joshua pauwi.
"Aa, T-Tanya."
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Well sanay naman na ako kasi lagi niya yun ginagawa.
"Ano yun, Joshua?"
Bigla siyang huminto sa paglalakad.
"Tanya, mahal kita."
Ano daw? Wait lang walang pumapasok sa utak ko. Huminto ata sa pagpoproseso.
"Tanya, ok ka lang ba?"
Niyuyugyog niya ako. Ano sabi niya? Mahal niya daw ako? Nababalisa ako sa sinasabi niya.
"Joshua, bakit? Paano? Saan? Kailan?"
"Mahal kita, Tanya. Hindi ko alam kung bakit at kung paano. Hindi ko rin alam kung saan at kailan nagsimula."
Nangingilid na ang luha niya.
"Pero, Joshua."
"Tanya, hindi naman kita pipilitin na mahalin mo din ako, pero sana dumatingang time na masusuklian mo iyon. Basta eto lang Tanya, hayaan mo akong mahalin ka at patubayan ko kung anong klaseng pagmamahal ang meron ako para sayo. Alam kong kaibigan mo lang ako kung ituturing, pero sana humigit pa doon. Pinapangako ko sayo na iingatan kita at mamahalin ng buong puso."
Bigla nalang akong napaluha. Hindi ko alamang dahilan siguro kasi dahil sa ayokong masaktan siya.
"Joshua, bakit ako pa? Sana nga pareho tayo ng nararamdaman para di ka masaktan. Pero wag kang mag-alala, ita-try ko."
Bigla nalang niya akong niyakap.
"Tanya, di kita pinipilit, pero tandaan mo ito, nandito lang ako kapag kailangan mo ako at kung sakali lang din na mahal mo narin ako."
Niyakap ko narin siya pabalik.
"I'm sorry, Joshua."
"Tanya, wag ka magsorry."
Atsaka kami kumalas sa pagkakayakap. Kumuha siya ng panyo at saka pinunasan ang luha ko.
"Hindi dapat umiiyak ang prinsesa ko. Ngiti na, Tanya."
Napangiti naman ako sa sinabi niya at saka na kami naglakad pauwi.
~
"Anak, kain na. Nakahain na ang hapunan."
Binaba ko na ang gamit ko at pumunta sa kusina para kumain kasama si inay.
"Oh inay, kamusta naman ang pagtitinda?"
"Ayos naman anak, buti nalang at maraming suki. Ikaw? Kamusta ang eskwela?
"Ok lang inay, medyo marami lang activities."
"Alam mo anak, kung nandito lang si itay mo, sigurado tuwang tuwa siya dahil college ka na nga."
Napatigil ako sa pagkain.
"Nay, paano ba talaga namatay si itay?"
"Linggo noon, kakatapos lang ng simba. Ang itay mo nagpaalam na bibili ng pagkain sa kabila ng kalsada, likod ng simbahan. Nung pabalik na siya galing ng tindahan, may nakita siyang batang lalaki na naglalaro ng bola sa gitna ng kalsada. Nakita ni itay mo na may isang mabilis na kotse ang papalapit kaya ang ginawa niya ay tinulak niya ang bata at siya ang nagpabungo. Nagulat nalang ako nang may nagsabi sa akin na nasagasaan siya. Pagpunta namin doo, nakita ko nalang si itay mo na punong puno na ng dugo at wala nang malay. Sa oras na iyon, bigla nalang gumuho ang mundo ko. Nakita ko siya na naghihirap doon. Inisip ko na paano ka kung wala na siya. Paano kung hinanap mo siya. Akala ko di sasagutin ng lalaking nakabangga ang lahat ng gastusin pero nagawa niya itong bayaran. Nakita ko at nakilala yung bata na iniligtas ng tatay mo. Ang naaalala ko, Luis ata ang pangalan? Pero hindi ko na alam ang apelyido kasi matagal na iyon."
Nagyakapan nalang kami ni Inay habang umiiyak. Kung nasaan man ang bata na iniligtas ni itay, siguro magkasing edad na kaming dalawa. Ok pa kaya siya? Naaalala niya kaya ang ginawa ni itay. Kung nasaan man si itay, siguradong masaya na siya dahil nakagawa siya ng mabuti sa kapwa niya.
BINABASA MO ANG
Sayo
RomanceTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.