Tristan's point of view
Kung tingin nyo pinagtitripan ko si Tanya, nagkakamali kayo. Dahil simula nung araw na muntik ko na siyang masagasaan, lagi nalang siyang sumasagi sa isip ko. Oo, minsan niloloko ko siya, pero iyon ay dahil yun lang ang alam kong paraan para mas mapalapit sa kanya.
Yung pagkabagsak naming dalawa, alam kaya niya na napakalakas ng kabog ng dibdib ko? Hindi ko alam.
Sa tuwing makakatabi, magkaharap kami, at ngumingiti siya sa akin, para akong nalulutang na ewan. Pagmamahal na ba ito?
"Huy! Kanina ka pa ba dito? Sorry kung matagal ako ha. May pinuntahan pa kasi ako eh."
Si Tanya pala. Ngayong nandito na siya, parang nabuhay ang dugo ko.
"Ok lang. Kararating ko lang naman eh. Ano? Tara na?"
Pumunta kami sa Manila Bay upang maglakad-lakad at para makapagusap narin.
"Aa, Tanya. Sino ang boyfriend at girlfriend mo? I mean mga bestfriend mo? Sino sila?"
"Si Allia, Aicelle, Nikka, Joshua, at Chris. Ikaw ba?"
Pagtatanong din niya sa akin.
"Ako? Wala."
Oo, wala talaga akong bestfriend. May mga friends ako, pero ni isa walang tumuturing sa akin na bestfriend.
"Nakakailang girlfriend ka na? May sineryoso ka ba doon? Ilang araw ang pinakamatagal?"
Wow! Ang dami niyang tanong ah!
"Ako? Siguro mga 40+?"
Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Oo, may sineryoso ako. Si Amanda, uhm naging 2 years kami noon, di pa naman kasi ako playboy nun."
"Eh bakit mo iniwan si Amanda?"
Sige kalkalin ba naman niya talaga ang nakaraan ko.
"Actually, hindi naman ako ang nang-iwan kasi siya ang umalis. Sumama sa ibang tao."
Halatang nakikinig siya ng mabuti sa akin.
"Ansaklap naman nun. Siguro kaya ka naging playboy. Alam mo, payo lang ito ah. Di dahil nagmahal ka at iniwan ka, di mo kailangang manakit at gwin sa iba ang ginawa niya sayo. Kung galit ka sa kanya, wag mong ibaling sa iba yung ginawa niya, kasi ang unfair mo, yun ay dahil naging unfair siya sayo. At dahil sa pagiging unfair mo, nakakasakit ka."
Bilib na talaga ako sa babaeng ito. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko lang din siya.
"Siguro nga doon nagsimula. Ikaw ba? Nagkaboyfriend ka na ba?"
Napatingin siya sa akin.
"Ako? Wala. Ikaw nga din una kong naka-date eh."
Ay? Swerte ko naman pala. HAHAHA!
"Bakit di ka pa nagkakaboyfriend? Maganda ka naman at matalino ah?"
Tinawanan lang niya ako.
"Pinagtitripan mo nanaman ako no? Well hindi naman ako nagmamadali. Naghihintay lang ako ng right time. Atsaka di ko kasalanan kung wala akong boyfriend."
Promise talaga, bilib na bilib na ako sa babaeng ito. Malakas ang paniniwala sa pag-ibig!
"Pero may manliligaw ka na?"
Uminom siya ng tubig na binili niya.
"Oo, meron na."
"Eh sino naman yun?"
Pang-uusisa ko.
"Si Joshua."
Grr! Si Joshua? Teka bakit ako ganito? Nagseselos ba ako? Erase!!
"Aah. Eh bakit di mo pa siya sagutin?"
Umupo siya sa isang bench.
"Kasi parang wala akong feeling sa kanya. Kahit pilitin ko pa. Sabi niya maghihintay daw siya. Sabi ko wag na kasi ayoko siyang umasa at masaktan. Pero sabi niya, maghihintay parin siya."
"Ang tibay naman niya. Talagang gusto ka niya makuha."
Sumakay na kami sa kotse at dumiretso sa isang floating resto na malapit lang para kumain.
"Ano, Tanya? Anong order mo?"
Binabasa niya lahat ng nasa menu.
"Ang mahal naman dito. Anobayan."
Pagrereklamo niya.
"Don't worry, treat ko naman eh."
Namili na siya.
"Grilled seabass with garlic rice nalang. Ikaw, Tristan?"
"Ate ganoon nalang din po, tapos bottomless lemon juice din po."
Umalis na yung waitress.
~
Nung naserve na ang inorder namin ay nagsimula na kaming kumain. Antahimik kumain ni Tanya.
"Ano nga pala trabaho ng nanay mo, Tanya?"
Sumubo siya ng garlic rice.
"Nagtitinda siya ng gulay sa palengke doon sa amin. Minsan tinutulungan ko siya."
Kahit bata palang pala siya at napakabait at tumutulong na siya.
"Ganoon ba? Eh ang tatay mo?"
Napatahimik siya sa tanong ko.
"Wala na siya. Limang taon pa lang ako. Sabi ni Inay, nabunggo daw si itay nang may bata na muntik nang masagasaan."
Nagpunas siya ng luha.
"Nako sorry ah? Alam mo ba, nung bata pa ako muntik na din ako masagasaan sabi ni mommy ko. Masyado daw kasi akong malikot nung bata ako."
Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa naubos na ang pagkain namin.
"Wait lang ah? Cr lang ako, Tristan ha? Wag mo akong iwan. Baka mamaya wala aka na."
Napatawa lang ako sa sinabi niya.
Pagkabalik niya gling sa CR, saktong may mga pumasok na orchestra sa restaurant at biglang tumugtog ng Thinking out loud. Maraming magkakapares na tumayo at sumayaw. Matanda, middle age, at mga teens.
"Tara, Tanya. Sayaw tayo."
Pagyayaya ko sa kanya.
"Ayoko, di ako marunong sumayaw, baka matapakan ko pa yung paa mo."
"Wag ka mag-alala, tuturuan kita."
Pumayag na rin siya. Humawak siya sa balikat ko at hinawakan ko naman ang isang kamay niya. Sumayaw na kaming dalawa.
Nakangiti lang siya sa akin habang sumasayaw. Ang ganda niya talaga. Parang isa na ito sa mga bagay na ite-treasure ko sa habang buhay.

BINABASA MO ANG
Sayo
RomansaTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.