Chapter 33

5 2 0
                                    

Zarina's POV

Zarina!! Zarina!! Anak! Prinsesa namin!

Agad akong nagising sa aking pagkaka-tulog habang gulong-gulo ang isipan.

"D-Drake?"gulat kong tanong ng makita ko ito sa harapan ko.

"B-Bakit ka nandito? A-Ayos kana ba?"kabado kong tanong sa kanya dahil pansin ko sa mga mata nito ang galit na ngayon ko lamang nakita simula ng makilala ko siya.

Hindi ito umimik sa mga tanong ko, hinawakan lamang ako nito sa kamay upang hatakin palabas ng kwarto na labis kong ikinagulat.

"D-Drake b-bitawan mo ko, nasasaktan ako."awat ko sa kanya ngunit parang wala itong naririnig at napapansin ni isa sa mga sinasabi at ginagawa ko.

Dahil di pa maayos ang kalagayan ko dahil sa natamo ko ay dahan-dahan na akong nawalan ng lakas upang mag-lakad.

"T-Tama na."nanghihina kong saad sa kanya ng maka-rating kami sa roofttop ng ospital.

"B-Bakit ka ba nagkaka ganito? H-Hindi ka naman ganto diba? Bakit mo ba 'to ginagawa? Dapat nagpapa--"hinto ko sa sasabihin ko ng sumigaw siya.

"Tama na Sydney!"dugtong nito.

"A-Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya.

"Ikaw yon Sydney! Bakit hindi agad kita nakilala! Ikaw ang anak ng taong sumira sa buhay at imahe ng papa ko, Sydney!"galit at umiiyak nitong sigaw saakin.

"H-Hindi kita maintindihan, Drake."naiiyak kong saad.

"ikaw si Zarina Grace Rivera, Sydney!! Bakit ikaw pa!!"sigaw nito saka ako nilapitan upang hawakan sa magka-bilang balikat ng sobrang diin.

"Bitawan mo ko nasasaktan na ko Drake!"awat ko sa kanya ngunit di ito nakinig.

Malakas ako nitong tinulak paatras dahilan upang mapa-sandal ako sa pader na nasa likuran ko.

"Ang sama niyo Sydney! Sobrang unfair niyo!"umiiyak nitong sabi na di ko maiwasang di maawa sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang malakas na ulan kasabay ng di mapigilang pag-tulo ng mga luha sa mga mata ko lalo na ng makita ko ito na labis na nasaktan sa mga nangyari.

Ako nga talaga. Ako nga talaga si Zarina, ang sumira sa buhay nila Drake. Deserve ko to, kaya tatanggapin ko lahat ng gagawin niya.

"Sydney..."hagulgol ni Drake habang naka-hawak sa balikat ko.

Dahan-dahan kong pinilit na ikilos ang kaliwa kong kamay dahil di ko magamit ang kanan kong kamay dahil nga may pilay ako roon.

"I'm sorry Drake, alam kong di mawawala ng sorry ko yung mga nagawa ko, naming kasalanan sa inyo. Pero sana mapatawad mo pa rin kami sa mga nagawa naming kasalanan sainyo balang araw."saad ko saka siya dahan-dahang hinawakan sa pisngi niya.

"Masyado ka ng pagod Drake, mag--"putol nito sa sasabihin ko.

"Wala kang karapatan para pag-sabihan ako sa mga gagawin ko!"sigaw nito saka tinabig ang kamay ko sa pisngi niya.

Sasagot pa sana ako sa kanya ngunit naramdaman ko na lang ang katawan ko na naka-higa na sa sahig.
.
.
.
Dereck's POV

"Gago ka Drake!"sigaw ko dito ng makita ko na siya sa wakas.

"Bakit mo nagawa yun!?"sigaw ko dito.

"Ang alin? Bakit ba galit na galit ka?"gulo nitong tanong na lalo kong kinainis kaya nasuntok ko siya sa inis ko.

"Gago ka Drake! Alam mo yung tinutukoy ko! Si Syd--"hinto ko sa sasabihin ko ng mamukaan kong si Sydney pala yung naka-handusay sa sahig na nasa harapan naming dalawa habang wala itong malay.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon