Walang tigil ang pag agos ng luha ko nang makita ko si Mama at Papa na nagtatalo. Kahit na bata pa lang ako at wala pang masyadong muwang ay naiintindihan ko na hindi maayos ang aking mga magulang.
"Mama..Papa..."awat ng naka-babata kong kapatid na si Daegan.
Ngunit patuloy pa rin sila sa pag-babangayan nila.
"Pa! Please stop!"awat ko ngunit sa sobrang galit ni Papa ay natulak niya ako dahilan upang mapahiga ako sa sahig.
"Dereck!"sigaw ni Mama at agad akong nilapitan ngunit agad ko itong tinabig saka tumakbo palabas ng bahay namin.
Sumalubong sa akin ang malakas na ulan kasabay ng luha sa aking mga mata, ngunit sa pagmamadali ko ay di ko namalayang may nabangga na pala ako.
"P-pasensya na..."naka-yuko kong paumanhin sa nabangga ko.
"Ang sakit non ah!"galit nyang saad at agad syang tinulungang maka-tayo.
"Wag mo kong hawakan!"dugtong niya sabay tabig sa kamay ko.
"Ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa galit."sagot ko.
"Oh!"alok ko sa panyo ko.
"Para san to?"taka nyang tanong.
"Para dyan."sabay turo ng sugat niya.
Nakaramdam ako ng kunsensya kaya muli kong binawi ang panyo at ako na ang nag-takip sa sugat nya.
"Nga pala anong pangalan mo?"tanong ko habang inaayos ang panyo na nilagay ko sa sugat niya.
"Gr--"di niya na naituloy ang sasabihin niya ng biglang may tumawag sa kanya.
"Ma?"saad nito.
"Anong nangyari sayo anak?"tanong ng sa tingin ko ay ang nanay niya.
"Ayos lang po ako."sagot nito saka lumapit sa mama niya.
"Are you sure?"ulit ng kanyang ina na tinanguan niya nalang.
"Halika na umuwi na tayo baka magkaron ka pa ng sakit sa ginagawa mo."aya ng kanyang ina.
"Ikaw din bata ha, pumasok kana sa loob ng bahay niyo baka mag-karon ka pa ng sakit sa ginagawa mo."bilin ng ina nito sakin.
"Opo."tugon ko saka umiwas ng tingin.
"Ano nga pa lang pangalan mo bata?"tanong nito sakin.
"Dereck...Dereck John."sagot ko.
"Sige Dereck sa susunod na lang ah?"paalam niya sakin.
"Sige..sorry ulit ah."tugon ko na tinanguan niya na lang.
"Hoyy!! Dereck John Anderson!! Tulala ka na naman!!"pag-puputol ng tropa ko na si Alder sa iniisip ko.
"Babae siguro iniisip nyan?"dugtong ni Ronald.
"Halata naman eh HAHAHA!"gatong pa ni Drake.
"Tumigil nga kayo."awat ko sa pang aasar nila.
"Dereck?"tawag ng isa naming kaklase sakin.
"Yes?"sagot ko.
"Pwede mo ba kong tulungan sa lesson kahapon?"tanong niya.
"Sure."tugon ko.
"Uyyyyyyy!"asar ng tropa ko sakin.
"Mga siraulo."suway ko bago lumayo sa kanila.
"Alin ba yung di mo maintindihan?"tanong ko ng maka-rating kami sa desk niya.
"Eto oh."sagot niya.
.
.
.
Zarina's POV
BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Teen FictionIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...