Dereck's POV
"Ready kana ba?"tanong ko kay William sa kabilang linya.
"May magagawa pa ba ko? Baka pag di ako sumama eto na yung huling araw na makikita ko magulang ko."pagbibiro nito sabay tawa.
"Ugok hahahaha, nasan ka na ba?"tanong ko habang natatawa.
"Malapit na."sagot nito sabay paalam ko upang tawagan yung iba, ngunit bago ko pa mai-dial ang number ng iba kong tropa ay tinawag ako ni mama at sinabihan na nandito na ang mga tropa ko.
"Oh kumain na ba kayo?"tanong ni Mama ng maka-pasok sila.
"Opo tita, salamat po sa alok."sagot nilang lahat.
"Pre si William na ata yung nag-doorbell."saad ni Alder at saka nag-prisintang siya na ang mag-bukas ng pinto.
"Morning mga pre, Good morning po Tita."bungad nitong bati.
"Ingat mga kuya."bungad na sabi ni Daegan nang magising siya.
"Kami pa ba."sagot nilang lahat.
"Ano tara na?"aya ko na sinang-ayunan naman nilang lahat.
"Bye!!"paalam ni Daegan.
.
.
.
Zarina's POV"Opo ma, mag-iingat ako papunta kila lola. Don't worry about me, ok ma?"sambit ko habang naka-ngiti, upang kahit papaano ay matanggal ang pag-aalala niya.
"Basta Grace anak, be safe."pag-aalala nito sabay yakap saakin ni mama.
"Ayaw mo ba talaga kahit magpa-hatid lang prinsesa namin?"pangungulit ng mga kuya ko.
"Mga kuya ayos lang, kasama ko naman sila Chloe."nakita ko naman sa mukha nila na kahit papano ay nawala ang pag-aalala nila.
"Nag-iisa ka lang na prinsesa namin kaya ganto kami, and I hope you understand that?"alalang sabi ni kuya Kevin.
"Opooooooooooooo."niyakap ko na lang silang lahat upang kahit papano ay matanggal ang pag-aalala nila sakin.
"Sige na po, mauuna na po ako hinihintay na po ako nila Chloe sa labas."paalam ko.
"Oh sige mag-iingat ka anak."bilin ni papa sabay yakap sakin, ganun din si mama at sila kuya. Nang ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng bahay upang umalis na.
"Good morning Grace!!"masiglang bati nila Lucy sakin.
"Good morning din sainyo!!"masaya ko ring bati.
"Grabe girl, sobrang gwapo talaga ng mga kuya mo!!"kinikilig na sabi ni Angi sakin sabay hampas.
"Parati mo na lang sinasabi yan Angi, di ka nag-sasawa sa mga muka nila?"natatawa kong tanong bago mag-maneho.
"Hindi!! Kahit titigan ko sila araw-araw, di ako mag-sasawa!!"kinikilig nyang sagot.
"Kahit ako kaya ko ring gawin yun eh!!"pagsang-ayon ni Chloe sa sinabi ni Angi.
"Oh diba Grace!!"asar pa nito.
"May pinag-manahan kase, kaya di na nakakapag-taka."sabat ni Lucy sa usapan habang ako tuloy lang sa pag-mamaneho.
"Kahit may anak na mga magulang mo Grace, di pa rin kumukupas yung pagiging magandang lalaki ni tito Kaizer. Pati na rin ang ganda ni tita Celine."sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Chloe.
"Kaya di na nakakapag-taka na mula sa panganay na si kuya Kevin, hanggang sa pangalawa na si kuya Kean, hanggang sa pangatlo na si kuya Gray hanggang sa bunso ay masasabi mong nag-mana talaga sila sa mga magulang niyo."patuloy na usapan nila na tinatawanan ko na lang at paminsan-minsan ay ikinakahiya ko dahil masyado nila itong pinupuri.
After a while....
"Nandito na tayo guys!!"masaya kong bungad ng maka-rating na kami.
"Mag-pahinga kana Grace, sobrang haba ng binyahe natin."alala ni Chloe sakin.
"Hahaha tignan mo tong dalawang to, ang sarap ng tulog!!"malakas nyang sabi para magising na sila.
"Nandito na po tayo!!"muli nitong gising na umepekto naman. Agad akong lumabas ng sasakyan upang makita ko na ang minamahal kong lola.
"Grace apo? Ikaw na ba yan??"di mawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko si lola na inaayos ang kanyang hardin.
"Lola!!"masaya kong sambit at agad syang sinalubong ng mahigpit na yakap.
"Sobrang namiss ko ang paborito kong apo."muli nyang sambit saka dahan-dahang kumawala sa pagkaka-yakap saakin.
"Pumasok na kayo dito sa loob mga hija."alok ni lola samin na agad naman naming sinunod.
"Alam kong di ka bibisita dito ng walang ibang dahilan?"bungad na tanong sakin ni lola na maka-pasok na kami ng bahay nila.
"A-ano po bang sinasabi nyo lola? K-kayo talaga!!"pag-tatago ko.
"Ako pa ba apo?"naka-ngiti nyang ulit.
"Lola talaga, ang hirap pag-taguan."nahihiya kong sabi.
"Oh siya sige, bago natin yan pag-usapan kumain muna tayo dahil alam kong sobrang haba ng binyahe nyong lahat."pag-iiba ni lola.
"Oo nga po, di namin namalayan na ala-sais na ng gabi."naka-ngusong sabi ni Angi.
.
.
.
Dereck's POV"Nangawit ng sobra braso ko sa byahe."saad ko ng maka-rating kami sa resort nila mama at papa saka nag-inat-inat.
"Grabe sobrang bait talaga nila tita satin, biruin mo para lang sa gusto nating mag-pahinga kahit isang linggo? Pinahiram niya satin ng buo tong resort."excited na sabi ni Miguel.
"Di ka pa nasanay?"tanong ko.
"Uhmm..di naman, masaya lang kase ang laki ng tiwala satin ng magulang mo."paliwanag niya na agad ko namang sinang-ayunan.
"Tama siya Dereck."sang-ayon ni Drake.
"Well, sa tagal natin mga mag-kakaibigan di na bago yun."naka-ngiti kong sagot at saka nag-pasyang pumasok na upang mag-pahinga.
"Anong una nyong balak gawin ngayong gabi?"panimulang tanong ni Ronald.
"Ako matutulog."sagot ko.
"Kakain muna ko."sagot ni William.
"Ako din!"sang-ayon ni Alder.
"Go ahead guys, basta ko matutulog na muna."paalam ko.
.
.
.
Alder's POV"Guys ano gusto nyong gawin pagka-tapos natin dito?"tanong ko na agad naman nilang pinag-isipan.
"Ano kaya kung uminom tayo?"suggest ni Drake.
"Tara!!"sang-ayon ni Ronald at Miguel.
"Ikaw William?"tanong ko na sinang-ayunan niya naman.
"Gisingin na natin si Dereck, kanina pa siya tulog eh? Pakainin na rin natin."aya ko sa kanila at saka nag-pasyang puntahan siya sa kwarto na tutulugan namin, kahit na malaki ang resort ng pamilya niya ay gusto naming sama-sama matulog kahit nasaan pa kami.
Nang maka-rating kami sa kwarto ay dahan-dahan kaming pumasok doon at dahan-dahan syang ginising.
"Pre? Kain kana sa baba."aya namin.
"Tara na pre pag-tapos mo kumain inom tayo!"masayang aya ni Miguel.
Dahan-dahang nag-unat at nag-punas si Dereck ng mata.
"Tara."aya niya at saka nag-pasyang bumaba na.
.
.
.
Dereck's POVBago ako kumain ng hinanda nila na pagkain ay nag-sipilyo muna ko at nag-hilamos.
"Nga pala, meron pa bang stock?"tanong ko.
"Wait, tignan ko."prisinta ni William.
"Isa na lang pala yung natira dito mga pre?"malungkot na sabi ni William.
"Ganun? Sinong sasama saking bumili?"naka-ngisi kong tanong na alam na nila kung ano ang ibig sabihin ng pag-ngisi ko.
"KAMEEEE!!"sigaw nilang lahat.
"Tara naaaa!!"masaya kong sabi.
"Bro ako naman mag-mamaneho ah."prisinta ni Alder na sinang-ayunan ko naman.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Novela JuvenilIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...