William's POV
"Marami pang pag-kakataon bro, wag kang pang-hinaan."comfort sakin ni Alder ng maka-rating kami sa bahay.
"William ikaw ba yan?"nang marinig ko ang boses ni mama ay mabilis akong nag-tungo sa kusina kung nasaan siya.
"Opo ma."sagot ko saka siya niyakap.
"Miss you ma!"masaya kong saad habang naka-yakap sa kanya.
"Aba, nag-lalambing ang anak ko ah."sambit ni mama saka ako tinapik ng mahina sa likod.
"Kaya naman pala may naaamoy akong mabango sa bahay na to kase nandito na si tita."singit ni Miguel.
"Bakit ano bang naaamoy mo dito sa bahay kapag wala ako aber?"tugon ni mama kay Miguel.
"Uhmmm..."pang-aasar rin ni Ronald saka nag-kunwaring nag-isip.
"Luto niiii.."pang-aasar din ni Drake.
"Nga pala nasan si Sydney, William?"tanong ni mama na nakapag-palungkot sakin ng maalala ko ang kaninang nangyari.
"Tsaka si Dereck, bakit di niyo kasama?"muling tanong ni mama.
"Asus tita! Miss mo naman agad! Buti pa yung wala hinahanap mo kami na nandito hindi."naka-ngusong sabi ni Alder na ikina-hinga ko ng maluwag.
"Ikaw talaga Alder, lika nga dito ng makutusan kita."sagot ni mama saka umakmang lalapit kay Alder.
"Hello baby Zoey."bati ko dito saka kinarga.
"Uuwi na kayo ni Zoey mamaya ma?"tanong ko dito.
"Oo anak, tsaka may dinaanan lang ang papa mo kaya di kami sabay na naka-punta dito."paliwanag niya.
"Mukang maganda mag-asikaso si Syd dito sa bahay ah?"dugtong pa ni mama.
"Opo ma, magaling talaga."sagot ko.
"Sinabi mo pa tita! Mas mabait pa nga rin sayo eh?"biro ni Drake saka tumawa.
"Oo nga tita!"dugtong ni Miguel.
"Aba! Ang sabihin niyo type niyo lang si Sydney kaya kayo ganyan."sagot ni mama.
"Para sakin halos parehas lang kayo ni Syd pag-dating sa bahay ma, pero ikaw pa rin ang favorite ko."sagot ko.
"Talaga?"tanong nito na tinanguan ko.
"Sige na maupo muna kayo dun sa sala, malapit ng matapos tong niluluto ko."bilin ni mama na sinunod naman namin.
.
.
.
Zarina's POV
"Sure ka okay kana dito ah?"muling tanong niya.
"Oo nga."sagot ko.
"Oh sige basta pag may kailangan ka tawag ka lang ah."bilin nito.
"Sige, ingat sa byahe."bilin ko.
"Akong bahala."sagot nito saka nag-paalam na.
Arghhh! something strange. Bakit ganto yung nararamdaman ko? Hirap huminga lalo na kapag nandyan siya sa malapit. Tsaka bakit ngayon ko lang napansin na may itsura rin pala siya? Arghh! Nevermind. May gusto na ba ko sa kanya? Hayyyy ewannnn!!
Aakma na sana akong mag-pahinga ng biglang bumalik si Dereck na agad ko namang pinag-buksan ng pinto.
"O-oh bakit bumalik ka ulit?"taka kong tanong sa kanya.
"May naka-limutan ako."sagot nito na ipinag-taka ko.
"Ano naman?"tanong ko dito.
"Good night!"masaya nitong sabi saka nag-madaling umalis.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Teen FictionIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...
