Chapter 12

3 2 0
                                    

Chloe's POV

"Sige antay mo na lang kami dyan Chloe."bilin nila sakin.

Habang nag-aantay ako sa pag-balik nila Lucy ay may lalaki akong nakita na naka-shades at sumblero.

"Tara na Chloe!"excited na sabi nila ng maka-balik sila.

"Sino yung tinitignan mo?"puna ni Angi sakin. Nang tignan nila kung sino ang tinitignan ko ay nagulat sila.

"Omg? Si kuya Kevin yun ah!"gulat na sabi ni Lucy.

"Oo nga si kuya Kevin!!"kinikilig nilang sabi.

"Siya nga, pero bakit sya nandito? Diba busy siya. Oh baka namimiss nyang manood ng sine kasama si Zarina katulad natin?"malungkot kong sabi kaya nag-pasya na kaming lapitan siya upang ayain na sumama saming manood.

"Oh! Hi kuya Kevin!"bati ni Lucy.

"Oh? Nandito rin pala kayo."saad nito habang naka-ngiti.

"Parehas lang pala tayo ng mga ticket kuya kevin, tara sabay-sabay na tayo pumasok?"aya ni Angi na sinang-ayunan niya.

Nang maka-pasok kami sa loob ay agad kaming umupo sa bandang gitna.

"Dyan ka."tulak nila sakin para maka-tabi ko si kuya Kevin.

Nag-laktaw sila ng isang bangkuan upang maging bakante ito at para makapag-sarili daw kami ni kuya Kevin.

"Mga loko-loko."bulong ko sa kanila na tinawanan lang nila.

"Bakit nga pala nandito ka? Diba busy ka?"panimula ko dito.

"Namimiss ko kase si Grace kaya gusto kong manood."sagot nito.
.
.
.
Kevin's POV

Nang matapos kaming manood ay agad ng nag-paalam sila Lucy.

"Mauna na kami kuya ah, ikaw nang bahala kay Chloe ah."bilin nito.

"Kala ko ba may gagawin pa tayo pag-tapos nito? Bakit niyo ko iiwan?"simangot ni Chloe.

"Urgent kase eh, marami pa namang next time."dugtong ni Angi.

"Nevermind."pag-susungit nito sabay hatak sakin.

"Mauna kana Yah, kaya ko ng umuwi mag-isa."agad akong natawa sa pag-tawag niya sakin ng Yah.

"Yah??"ulit ko.

"Oo, ayaw mo ba? Hahaha."sagot nito.

"Ako daw bahala sayo kaya paka-behave ka sakin."saad ko saka siya nginisian.

"S-sige uuwi na ko, ayos lang. Alam ko namang busy ka eh."pilit nito.

"Sige, uuwi kana pero hahatid kita."tinanguan na lang ako nito at saka nag-madaling mag-lakad.

"Oh! Cotton candy!"excited na sabi ni Chloe.

"Tara bili tayo."aya ko.

"Tara!"masaya nitong sabi.
.
.
.
Drake's POV

"I'm home!!"bungad kong sabi ng maka-pasok ako sa bahay.

"Oh anak kamusta lakad niyo?"salubong ni Mama.

"Ayos naman ma."sagot ko.

"Oh siya sige, tawagin mo na yung kapatid mo sa taas at kakain na tayo."utos ni mama na agad kong sinunod.

"Cathy!"tawag ko dito sabay katok sa pinto ng kwarto niya.

"Pasok kuya."sang-ayon nito.

"Busy ka ata?"tanong ko dito.

"A-ah ano kuya, hindi naman gaano."kabado nitong sagot.

"Kabado ka?"tanong ko dito.

"H-hindi kuya."sagot nito.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon