Chapter 11

3 2 0
                                    

Henry's POV

"Pero dapat hindi niyo na po yun ginawa!"kontra ko habang kausap si papa.

"Henry, calm down."agad akong naka-ramdam ng pagka-inis sa sinabi ni mama.

"Calm down?"ulit ko at mabilis na tinungo ang kwarto dahil baka kung ano pa ang masabi ko.

"Henry, kinakausap pa kita!"sigaw ni mama.

"Bakit ganyan kayo parati ni papa? Anak pa ba ang turing niyo saamin?"inis kong tanong ng sundan niya ko sa kwarto ko.

"No, anak pa ba ang tingin niyo kay kuya Dereck? Parati niyo na lang syang sinisisi ng paulit-ulit sa mga bagay na nagagawa niya. Simula nung bata kami ni kuya parati na lang namin kayong inaawat, dahil sa mata namin kahit kailan hindi kayo nagkakasundo. Kung di ikaw, si papa ang inaawat namin. Kahit sa maliliit na bagay paulit-ulit nyong binabalikan."

"Ahh...dun pala kayo nag-kakasundo ni papa. SA PAULIT-ULIT NA PANINISI NIYO SA MGA BAGAY NA GINAGAWA NAMING MALI SA PANINGIN NIYO!"pag-didiin ko saka mabilis na dumapo sakin ang sampal ni mama.

"Di sa ganon yon anak!"kontra nito.

"Eh ano po? Ma naman, di ba kayo nag-sasawa sa paulit-ulit nyong ginagawa?"inis kong tanong.

"Gusto lang namin na matuto kayo sa maling ginagawa niyo anak."umiling lang ako sa kanya.

"Sa ganitong paraan ma?"saad ko saka siya tinitigan sa mata niya.

"Gusto ko nang mag-pahinga."dugtong ko.
.
.
.
Dereck's POV

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Sydney na natutulog sa tabi ko.

"Babaliktarin ko na..."agad akong napapikit muli ng mag-salita ito. Nang mabaliktad niya na ang bimpo sa noo ko ay muli kong iminulat ang mata ko at pinag-masdan siya.

Nilalagnat pala ko.

"Uhmm..."saka ko lang napansin na hawak niya pala ang kamay ko ng mag-salita ito habang tulog.

Tatayo na sana ako upang kumutan siya kaso bigla niya kong pinigilan.

"Tulog ka ba talaga?"bulong ko dito saka muling humiga sa kama.

Nang mapansin kong naka t-shirt lang ako ay maingat kong hinanap ang polo ko.

Nang makita ko itong naka-tiklop sa tabi ko ay dahan-dahan ko itong kinuha saka ikinumot sa kanya.

"Pabaya masyado.."mahina kong sermon dito.
.
.
.
Zarina's POV

Nang magising ako ay dahan-dahan kong binaliktad ang bimpo sa noo niya.

"Mabait ka rin pala, akala ko alam mo lang pag-susungit sakin."bulong ko ng makita kong naka-kumot sakin ang polo niya.

Bibitawan ko na sana ang kamay niya ng mapansin kong naka-hawak pa rin pala ito. Ngunit kaysa bitawan nito ang kamay ko ay naramdaman kong mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko na agad ko namang ikinagulat.

"A-Anong..."nahihiya kong saad habang naka-pikit ito.

"Wag kang malikot..."lalo akong nakaramdam ng pamumula ng imulat niya ang mga mata niya. Agad akong napabitaw sa kamay niya at napa-atras.

"Ahhhh..."angal ko nang makaramdam ako ng pananakit ng katawan ko.

"Dito ka na humiga sa kama mo, dun na lang ako sa sofa."nang-hihina nitong sabi. Agad akong nakaramdam ng awa ng makita ko ang kalagayan niya.

"H-Hindi na."sagot ko saka nag-pasyang tabihan na lang syang matulog ulit.

"Dito ka na sa kama mo."ulit nito.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon