Habang tumatakbo ako at nag-hahanap ng masasakyan ay may napansin akong babae na naka-pukaw ng atensyon ko.
Bakit parang di siya mapakali? Aish! Ano bang iniisip mo Dereck!? Yung kapatid mo hinihintay ka!
Paparahin ko na sana ang taxi na nakita ko ng biglang may lumapit sa kanya at palihim na buminot ng naka-tagong panaksak sa bulsa niya.
Shet!
Mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon ng babae upang pigilan ang lalaking mag-tatangkang sumaksak sa kanya.
"Layuan mo siya!"sigaw ko sa lalaki nang aamba na itong saksakin ang babae.
Agad na nag-tinginan at nangamba ang mga tao ng mapansin nila kami.
Lalayo na sana ang babae ng mapansin niya ang lalaki ngunit muli lang itong nilapitan ng lalaki kaya agad kong nilapitan ang babae upang protektahan ito.
"Kung ano man ang problema mo sa babaeng to pare, itigil mo na. Pwede namang ma--"agad na pinutol ng lalaki ang sasabihin ko dahil mabilis nitong inamba ang hawak nyang patalim.
"Wala kang alam kaya umalis ka sa harap ko!"sigaw nito saka muling umakmang mananaksak.
"Hangga't hindi mo binababa ang hawak mo na yan, hindi ako aalis sa harap ng babaeng to."sagot ko dito.
"Makulit ka talaga ah!"sigaw nito saka lumapit at aakmang saksakin ako ngunit mabilis ko lang din itong pinigilan.
"Bitawan mo yan!"utos ko dito habang pinipigilan siya sa gagawin niya.
"Bitawan mo ko!"sigaw nito.
Nang mahawakan ko ang patalim na hawak niya ay mabilis na dumapo sa mukha ko ang kamao niya gamit ang kaliwa nyang kamay dahilan upang mapa-atras ako.
"Wag kang makialam!"muli nitong sigaw saka tumakbo papalapit sa babae na agad ko namang hinabol.
"Wag!!!"bago ko pa maabutan ang babaeng pag-tatangkaan niya ay namalayan ko na lang na may dugong umaagos sa tagiliran ko.
"Wag kang makikialam samin!"sigaw nito saka ako pinag-susuntok na agad ko namang binawian kahit na nahihirapan ako dahil sa saksak na natamo ko.
"M-Miss, ayos ka lang?"nanghihina kong tanong dito habang gumagapang papunta sa direksyon niya.
"Please! Tigilan mo na siya!"sigaw nito sa lalaki.
"T-Tulungan niyo kami!"sigaw nito.
"Kuya wag kang matutulog..."umiiyak nitong sabi sakin na tinanguan ko na lang.
Aakma na sana kong tumawag ng ambulansya at pulis ng biglang marinig ko ang wangwang ng mga ito.
"Salamat naman."sagot ko saka muling binaling ang tingin sa babae.
.
.
.
Henry's POVBakit ang tagal ni kuya...
Kahit ilang beses ko itong tawagan ay hindi ito sumasagot kaya napag-pasyahan ko na lang na matulog muna para kapag nagising ako ay nandito na siya.
"Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ng babae kung bakit iyon ginawa ng lalaki sa kanya."nang marinig ko ang balita na nasa tv ay agad akong naka-ramdam ng kaba ng makita ko ang lalaking sinasakay nila sa ambulansya.
K-Kuya??
Kahit na nahihirapan ako sa pag-kilos dala ng sakit ko ay pinilit ko pa ring tumayo at lumabas ng bahay upang puntahan siya.
"Taxi!"agad naman akong pinara nito.
After a while...
"Sir, nandito na po tayo."nang maalimpungatan ako ay mabilis na sumagi sa isip ko si kuya.

BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Teen FictionIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...