Chapter 7

4 2 0
                                    

Nang matapos ako ay pumunta agad ako sa sala nila upang tignan kung ayos na ba siya.

"William?"gising ko sa kanya ngunit di siya nagising, siguro dala na rin ng pagod niya dahil siya ang nag-maneho at ganun pa ang inabutan niya sa tatay niya.

Nag-pasya na lang akong pumanik upang hanapin kung nasan ang kwarto niya. Napadali ang aking pag-hahanap ng makakita ako ng bukas na kwarto at nakita ko ang letrato niya. Kumuha na lang ako ng kumot dahil may unan naman sa sala nila, pag-baba ko ay dahan-dahan ko syang kinumutan upang di siya lamigin.

Napahinto ako sa pag-kukumot sa kanya ng matitigan ko siya sa malapitan.

Sa di malamang kadahilanan ay marahan kong hinaplos ang kilay niya pababa sa matangos nyang ilong sunod ay ang...

"Ano ba tong ginagawa ko!"saway ko sa sarili ko at saka tumayo upang hanapin ang kwarto ko sa taas.

"Sabi niya madali ko raw yun mahahanap kase nandun yung pangalan ko sa pinto, asan kaya yun..."nang mahanap ko ang kwarto na may naka-lagay na pangalan ko sa pinto ay dahan-dahan ko itong binuksan, nakaka-lungkot lang kase katabi ko lang pala ang kwarto niya.

Nang buksan ko iyon ay agad na bumungad sakin ang maaliwalas na tanawin mula sa bintana ng kwarto.

"Ang gandaaa!"di ko napigilang lapitan ito saka pag-masdan ng matagal.

Nang madako ang paningin ko sa kama ay nakita ko ang uniform na sa tingin ko ay iyon ang uniform na susuotin ko sa pag-pasok sa skwelahan.

"Pero bakit ang dami? Merong small, medium at large? Ah nga naman, di alam yung size ko hehe."agad ko itong kinuha upang isukat.
.
.
.
Third Person's POV

Lahat ay sobrang abala sa pag-hahanap kay Zarina, kahit pagod ay hindi sila tumigil dahil sa sobra nilang pag-aalala sa kanya.

"Sige po, salamat po mauna na po ako tsaka pasensya na po sa abala."paalam ni Chloe sa naka-usap niya.

"Sige hija, walang anuman."sagot nito na tinanguan niya na lang.

"Mahahanap pa ba natin si Grace, ang nag-iisa kong anak na babae."mangiyak-ngiyak na sabi ni Celine, ang nanay nila Zarina.

"Wag kang mag-alala mama, makikita natin siya at tingin ko naman kung nasan siya ngayon nasa mabuti syang kalagayan nararamdaman ko yun. Kaya mahahanap natin siya. Parang di niyo naman po nararamdaman yung nararamdaman ko sa kanya?"pagpapa-kalma ni Kevin sa kanya.

After 2 days...

Kahit na labag kila Chloe na mauna ng umuwi ay wala silang magagawa kung di sumunod dahil ayaw silang paabsenin sa skwelahan ng mga Rivera dahil baka mahuli sila sa lessons and activities dahil graduating pa naman sila.
.
.
.
Chloe's POV

"Wag ng makukulit, kami na muna ang mag-hahanap sa kanila kase nakapag-paalam naman kami sa mga trabaho namin. Besides di niyo naman ginusto yung nangyari kaya wag kayong masyadong mag-alala kase kami ang dapat na sisihin don dahil di namin masyadong naaasikaso si Grace dahil sa busy rin kami sa mga trabaho namin. Kayo na lang munang mag-asikaso at mag-paliwanag sa University about sa lagay ng bunso ko."paliwanag ni tito Kaizer.

"Pero tito.."kontra ni Lucy.

"Kaya na namin to mga anak, tsaka na lang ulit kayo bumalik kapag pwede na."saad ni tita sabay ngiti saamin.

"S-sige po mauna na po kami."paalam ni Angi.

"Oh sige, mag-ingat kayo."bilin ni tita.

"Opo."sagot naming tatlo.

"Ma, ako ng mag-hahatid sa kanila, kailangan na ko sa trabaho eh? May problema daw kasi sa opisina. Pero babalik din po agad ako pag-tapos na, diba pa?"paalam ni Kuya Kevin na ikina-ngiti ko naman.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon