Chapter 9

4 2 0
                                    

Kinabukasan...

Habang kumakain kami sa canteen ay may napansin akong lalaki na pumunta sa harap ni Sydney

"Hi Sydney, para sayo oh."alok nito ng pagkain kay Sydney.

Agad naman kaming napa-tingin sa lalaki.

"Pasensya na ah, pero di ko matatanggap yan."tanggi ni Sydney na tinanguan naming lahat habang kumakain.

"Bakit naman? Tikman mo muna bago mo yan sabihin, please..?"pilit nito. Tatanggapin na sana niya ito ngunit biglang nag-salita si Drake.

"Hey! Kumakain kami."awat ni Drake sa lalaki.

"Sino ba sa kanila yung boyfriend mo para tanggihan mo yung alok ko? May ma--"agad naming pinutol lahat ang sunod na sasabihin ng lalaki na agad na tinawanan ni Sydney.

"Hahaha, ayaw maistorbo sa pagkain?"saad ni Sydney ng maka-alis ang lalaki.

"Gulo eh, hahahaha."sagot ni Miguel.

"Ugok ba yon?"dugtong ni Alder.

"Tapang guluhin yung pagkain natin."dugtong ni Ronald.

"Cr lang ako ah."paalam ni Sydney

"Sure, go ahead."sagot namin.
.
.
.
Zarina's POV

Habang nag-aayos ako ng sarili sa salamin ay may napansin akong mga babae na naka-tingin sakin habang nag-uusap sila. Di ko na lang ito pinansin dahil ayoko na ring gumawa ng gulo ngunit pag-labas ko ay tinawag ako ng mga ito.

Agad ko itong hinarap saka tinignan sila ng diretso.

"Eto na ba yung laging kasama nila Dereck?"rinig kong tanong ng isa sa kanila.

"Yez."naka-taray na sagot ng isa.

Kung nasa tamang lugar lang ako, Kanina ko pa naupakan tong mga to.

"Nasisiraan kana ba!"sigaw ng isa sa kanila, kaya napukaw ang atensyon ng ibang studyante samin.

"Pinagsasabi mo?"sagot ko.

"Sino ka para umaligid-aligid sa kanila!"dugtong pa nito na agad kong tinawanan.

"Kayo yata yung nasisiraan ng pag-iisip?"mahinahon kong sagot.

"Sumasagot ka pa ah!"agad kong hinawakan ang kamay nito ng aakma ako nitong sampalin sa mukha.

"Bitawan mo ko!"angal nito ngunit di ko ito binitawan.

"Pano kang nagustuhan nila Dereck ng ganyan ugali mo?!"dugtong pa ng isa saka ako sinugod.

Ngunit dahil marami sila ay di ko napansin yung nasa likod ko.

"Go girls."utos ng leader nila. Agad ko silang pinigilan, ngunit ng mahawakan ko ang buhok ng leader nila ay bigla silang napa-layo.

"Anong ginagawa niyo!"awat ng pamilyar na boses.

"Ang lakas ng loob nyong saktan si Sydney!"muling sigaw nito.

Agad akong binitawan ng babaeng naka-hawak sa likod ng damit ko.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo! Sagot!"galit na sabi ni Dereck ng makita ko ito.

"Halata namang siya ang nanggugulo diba?"sagot ng isa sa kanila.

"Tignan mo ang ayos ayos ng itsura ng babaeng yan, di manlang nagulo ang kahit na ano sa kanya, kumpara samin. Hawak pa nga ng babaeng yan yung buhok ni Sophia."pag-sisinungaling nito, at nag-pasya na akong bitawan ang buhok nito.

"Ayos ka lang?"tanong ni Dereck sakin ng malapitan niya ako.

"Mag-paalam na kayo sa mga kaklase nyo dahil ito na ang huling araw niyo sa skwelahan na to."seryosong sabi ni Dereck.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon