Chapter 14

7 2 0
                                        

Drake's POV

Nang tingnan ko ang likuran ng litrato ay nakita ko ang hand written ni papa.

Masaya ako kasi meron na tayong litrato na magkasama, Celine.

"Celine?"muli kong sinaulo kung saan ko narinig ang pangalan na iyon.

"Siya nga ba yon? Yung babaeng kinuwento niya samin ni Cathy nung bata pa kami? Yung first love niya. Yung naging dahilan kung bakit nakulong si papa.."agad kong binitawan ang litratong hawak ko para hanapin yung box na pinakita niya samin dati na nag-lalaman ng mga nakaraan niya at nang first love nyang si Celine.

Nang mapansin kong may tumatawag sa cellphone ko ay agad ko itong sinagot habang patuloy ako sa hinahanap ko.

"Pre, agahan mo pasok ah."bungad na sabi ni Dereck.

"Oo na."sagot ko.

"Ginagawa mo?"tanong nito.

"May hinahanap lang."sagot ko.

"Sige pre mamaya na lang."paalam nito.

"Ayun!"masaya kong sabi ng mahanap ko ang box.

"Anong ayun?"tanong nito.

"Hahaha nandyan ka pa pala. Wala yun pre, kita na lang tayo mamaya."paalam ko.

"Sige pre."paalam nito saka ako pinatayan ng tawag.

Flashback...

Weston's POV

"Pre nabalitaan mo ba yung bago transfer student sa klase natin?"tanong nito sakin na tinanguan ko na lang.

"Tara bili tayo pagkain."aya ko sa kanya.

"Convenience store ba?"tanong nito.

"Oo, tara."sang-ayon ko saka siya inakbayan palabas.

Habang tumitingin kami ng pagkain ay may napansin akong babae na naka-hulog ng wallet niya. Agad ko itong pinulot upang itago... Jowk syempre para ibigay sa babae.

"Miss!"tawag ko dito habang hinahabol siya.

"Miss!!"ulit ko dito.

"Miss!! Ayaw mong humarap? Kukunin ko to!?"biro ko.

Nang maabutan ko siya ay saka ko lang napansin na naka-earphone siya kaya di niya ko naririnig mula kanina.

"Wallet mo."abot ko sa kanya habang hingal na hingal.

Nang iangat ko ang ulo ko ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Salamat ah, sayo na lang 'tong isa."abot niya sakin ng soft drinks.

"Salamat."sagot ko saka inabot yung binigay niya.

"Kaya siguro sinadyang dalawa ang bilhin mo kasi alam ni tadhana na makikilala mo ang future mo na pagbibigyan mo nito."bulong ko habang naka-tingin sa binigay niya.

"Sa susunod mag-ingat ka."bilin ko.

"Pinagod mo ko!"angal ni Kaizer sakin.

"Salamat ulit ah."saad nang babae saka nag-pasyang umalis na.

"Sino ba yon?"tanong niya sakin.

"Di ko kilala, nahulog niya kase yung wallet niya."maiksi kong paliwanag.

"Ahh kaya pala, tara balik na tayo."aya niya sakin na sinang-ayunan ko.
.
.
.
Celine's POV

Habang naglalakad ako papunta sa room ko ay hindi ko maiwasang di mailang sa mga studyanteng tumitingin saakin.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon