Kinabukasan...
William's POV
"Tara na Sydney?"tanong ko na tinanguan niya na lang.
"Ready na ba lahat ng gamit niyo? Wala na kayong naiwan?"tanong ni Ronald.
"Tara na, baka ma-late pa tayo."matamlay na sabi ni Dereck.
.
.
.
Kevin's POVPagdating namin sa bahay ni lola ay agad naming inayos ang mga gamit na dapat ayusin dahil malamang ay aabutin kami ng ilang araw dito.
"Chloe."pabulong kong tawag ko kay Chloe ng maalala ko yung nangyari kagabi.
"Ah...Chloe? Pasensya na sa kagabi ah."pag-hingi ko ng dispensa.
"Ha? Kala ko panaginip lang yon?"inilingan ko lang siya sa sinabi niya at sinabing totoo iyon.
"Sige mauna na ko."paalam ko.
"Sige.."sagot nito bago ko umalis.
Ngunit bago ko makapanik sa kwarto ko ay tinawag ako ni mama.
"Bakit po mama?"tanong ko ng makalapit ako.
"Samahan mo ko mamaya kapag nag umpisa na tayong mag hanap kay Grace, may hinala kase ako."seryoso nyang sabi.
Yes eto na naman pero malay natin tama si mama sa hinala niya, parati kasi kaming partner ni mama sa mga ganon, ako kasi lagi yung kinakausap niya pagdating sa mga ganong bagay kase match kami sa halos lahat ng bagay, kaya siguro sa kanya ko namana yung pagiging mabusisi niya.
"Opo, ma."sagot ko.
"May tinatago yata sakin ang panganay ko ah?"naka-ngiting tanong nito.
"Ma, wala po."sagot ko upang maiwas ko na meron pa rin akong sakit.
"Sige na, magpahinga ka ng maayos ah."bilin nito sabay abot sakin ng gamot.
"Di mo maloloko ang mama mo, Kevin."naka-ngiti nyang sabi bago umalis na di ko napigilang mapa-ngiti din.
.
.
.
William's POV"Salamat ulit tol, mag-ingat kayo sa byahe ah, byee."paalam ni Dereck.
"Wala yon tol, mauna na ko ah."paala ko.
"Sige tol."sagot nito na tinanguan ko na lang.
"Malayo pa ba?"tanong niya.
"Di naman, bakit naiinip ka ba?"tanong ko.
"Ikaw talaga yung laging nag hahatid sa kanila? Diba parang nakaka-pagod yun? Kasi ang haba ng byahe?"sunod-sunod nitong tanong.
"Di naman kasi sanay na ko, besides di naman ganon ka lalayo masyado yung bahay nila. Also, pag-umaalis kami isa lang talaga ginagamit naming sasakyan kahit nga sa kwarto diba? Kasi sanay kami na magkakasama haha."paliwanag ko na tinanguan niya na lang sabay tingin sa labas.
Totoo lang nakakapagod rin.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kong pinarada ang sasakyan.
"Tara?"aya ko.
"Sige."sagot niya.
"Sige dito ka muna."bilin ko at iniwan siya saglit sa labas dahil alam ko na ang mangyayari pag sinama ko siya agad sa loob ng bahay.
"Dad?"tawag ko dito habang kausap niya ang mga ka-trabaho niya.
"Gumawa na naman pala ng katarantaduhan yang anak mo."rinig kong sabi ng isa sa ka-trabaho niya.
Ano pa nga bang bago?
"Wala ng ginawang tama yang si William."usapan ng mga ka-trabaho nito.
"Nandyan na yung anak nyang walang ginawang tama oh."ngunit kahit na ano pang marinig ko ay nag-kunwari na lang akong walang naririnig.
"Sumama ka sakin."utos nito upang makalayo sa mga ka-trabaho niya.
"Alam mo ba yung ginawa mo?"tanong nito na tinanguan ko na lang.
Mabilis na dumapo sa mukha ko ang kamao niya.
"Kapag hindi mo nabalik ang ala-ala ng babaeng nasa labas sa madaling panahon malalagot ka sakin, alam mo kung ano ang kaya kong gawin, William."galit nitong sabi sakin.
"Yan! Yan na lang palagi ang ginagawa mo sakin Dad! Ang tagal na nung tinuring mo kong anak simula nung nagawa ko yun sayo nung bata pa ko!"
"Sige suntukin mo pa ko! Diba yan naman yung parati mong ginagawa! Bakit di mo kaya kase nandyan yung mga ka-trabaho mo?! Na ano!? Na baka mapa-hiya ka na naman!"galit kong sagot sa kanya.
"Hindi kita pinalaking ganyan, yan ang napapala mo sa mga tropa mo!"bago niya pa ako masuntok ulit ay mabilis kong hinarang ang kamay na sana ay dadapo sa mukha ko.
"Buti nga sila Dad, tinuturing akong kapatid at importante sa kanila! Sayo hindi ko manlang maramdaman yon! Wag mo silang idamay!"galit kong sagot bago umalis.
"Mawawala ako ng ilang linggo, alagaan mo yung babaeng yan at bantayan mo 'tong bahay. Pwede na syang pumasok, naayos ko na ang mga dapat ayusin dyan, nandun na rin yung uniform na susuotin niya."bilin nito saka kinuha ang gamit at saka umalis kasama ang mga ka-trabaho niya.
Bwiset!!
.
.
.
Zarina's POVKahit hindi ko nakita ang usapan nila ng tatay niya ay alam kong hindi maganda ang nangyari at ang relasyon nila bilang mag-ama.
"Nagugutom ka ba?"tanong niya sabay ngiti na alam kong di naman totoo.
"Oo, tara."sagot ko upang kahit papaano ay mawala ang galit at lungkot nito.
Nang maihain niya na ang mga kakainin namin ay nagsimula na kaming kumain.
"Ayos ka lang?"tanong ko.
"Oo naman."sagot nito sabay ngiti.
"Kala ko ikaw ang pinaka-masaya ang buhay kasi sa inyong lahat ikaw ang parating tawa nang tawa at loko-loko, kase ikaw ang parating naka-ngiti."panimula ko ng maalala ko yung kanina.
"Totoo naman yon ah?"naka-ngiti nitong ulit.
"Sa mukha mo pa lang, halatang hindi na."ulit ko sabay tingin sa kanya.
"Wala kang alam."sagot nito.
Sasagot pa sana ako ng makita kong unti-unting tumutulo ang luha niya, naka ramdam ako ng kirot sa puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Pasensya na."sagot ko saka siya nilapitan.
"Wag mo kong intindihin, bumalik kana don sa pwesto mo."naka-yuko nyang sabi saka nag-patuloy sa pag-kain.
Habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mukha niya at nararamdaman ko na tumutulo na ito sa balikat ko ng sumandal siya sa balikat ko.
Sa di malamang kadahilanan ay may pumasok na ala-ala sakin ng dalawang bata.
Habang umuulan ay may isang batang lalaki na umiiyak at puro pasa at ang isa namang batang babae ay ganon din. Di ko maiwasang di mapa-luha sa ala-alang pumasok sa isipan ko saka agad itong pinunasan dahil baka mapansin nyang umiiyak ako.
"Di ko inaasahang ganyan pala ang buhay mo, kala ko kasi ikaw yung lalaking masaya na sa buhay at walang iniisip na problema."nang tignan ko siya ay di ko mapigilang di maawa sa kalagayan niya, dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha niya gamit ang manggas ng suot kong hoodie
Habang pinupunasan ko ang luha niya ay di ko maiwasang di siya titigan.
"Umupo ka muna don sa sala niyo, ako nang mag-liligpit nito."sinunod niya na lang ang sinabi ko sa kanya at nagsimula ng mag ligpit.

BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Novela JuvenilIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...