Chapter 3

15 2 0
                                    

Zarina's POV

"Pero lola? Di niyo naman naiintindihan eh!"mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Grace, kumalma ka nga."pagpapa-kalma ni Lucy sakin.

"Alam mo apo, marami ka pang dapat na maintindihan at pag-pasensiyahan sa mundo."paalala ni Lola.

"Lola naman eh!"pag-tatampo ko.

"O-Oh siya mauna na kong mamamahinga sa inyo."paalam niya ngunit napansin ko na parang kanina pa syang namumutla at pinag-papawisan.

Habang nag-lalakad si lola ay napansin kong di normal ang lakad niya kaya napagpasyahan kong alalayan siya ngunit bago ko pa yon magawa ay nawalan na siya ng malay.

"Lola!"sigaw ko at agad akong tinulungan nila Chloe upang dalhin siya sa kwarto niya upang makapagpahinga.

"Dahil na naman sakin!"sisi ko sa sarili ko.

"Kung di ko napag salitaan si lola ng ganon di sana mangyari 'to."muli kong sisi sa sarili ko.

"Di totoo yan Grace, baka may sakit lang ang lola mo kaya ganyan, saka diba kaya tayo nandito para na rin makapag pahinga at kahit papano mawala yang problema mo."pag-papakalma sakin ni Lucy ngunit kaysa huminahon ako ay agad akong tumakbo palabas ng bahay palayo sa lahat ng pwede kong masaktan at bigyan ng problema.

"Wag niyo kong susundan!"utos ko, kasabay non ang pag-bagsak ng malakas na ulan.

"Grace! Pumasok ka na dito!"utos nila ngunit di ko sila pinakinggan.

"Binabalaan ko kayo! Stay away from me!!"muli kong utos at saka nagmadaling tumakbo upang makalayo sa kanila.
.
.
.
William's POV

"HAHAHAHA sinabi mo pa bro!!"benta ko sa kwento ni Ronald.

"Pero bro, ako nga kahit makakita lang ng dugo--"putol ni Dereck sa sasabihin ko.

"Alam namin, makakita ka pa lang ng dugo kulang na lang himatayin ka HAHAHA!"dugtong nito sabay halakhak.

"Nakakatawa ba yon Dereck! Hahaha."pikon kong sagot sabay hampas sa kanya.

"Grabe biglang bumuhos yung ulan no?"puna ko sa ulan.

"Kaya nga eh, tara bilisan na lang natin ang pag-uwi."paliwanag ni Miguel.

"Wag mo ibahin usapan William! Hahahaha!"pang-aasar muli ni Drake.

"Hindi ko iniiba yung usapan ah!"pagde-deny ko.

"Masyadong matatakutin tong William naten!!"muling asar ni Dereck at saka ko kiniliti.

"Ano ba tama na nga! Hahahaha!"utos ko ngunit di nila ito sinusunod.

"A--"agad kaming nahinto at di maka-paniwala sa nangyari.
.
.
.
Third Person's POV

Habang patuloy sa pag-takbo si Zarina ay hindi niya namalayan ang paparating na sasakyan dala na rin ng malakas na ulan at madilim na kalsada.

At hindi niya sadyang nasagasan ito. Ang tropa naman ni William ay hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari at saka nagmadaling lumabas si William at nang makita niya si Zarina na nasagasaan nila ay agad itong nakaramdam ng hilo.

Nang maka-labas ang mga tropa niya at di alam ang gagawin ay nag pasya silang dalhin na lang si Zarina sa resort na kanilang tinutuluyan.
.
.
.
William's POV

"Alam mo ba ang sinasabi mo!? Hindi madaling dalhin ang babaeng to sa ospital, alam mong sobrang layo ng ospital dito!"taranta kong sagot.

"Eh anong gagawin natin sa kanya?"tarantang sagot ni Drake.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon