Chapter 17

6 2 0
                                        

William's POV

"Tignan mo nga naman."agad akong naka-ramdam ng irita ng makita ko sila Althea.

"Nananadya ba kayo?"seryoso kong tanong.

"Pardon?"nang-aasar na tanong ni Althea saka biglang tumingin sa dako ni Sydney.

"Who's that girl? Nung nakaraan niyo pa yan kasama ah? Yaya niyo?"nang-aasar na tanong nito.

"Tumahimik kana!!"sigaw ni Dereck.

"Wag mong sigawan girlfriend ko."sagot ni Claude.

"Kayo yung nag-simula."seryosong sagot ni Dereck.

"Ha--"agad kong kontra sa pag-tatalo nila.

"Girlfriend ko siya!! Wag nyong maulit-ulit yan!!"sigaw ko saka siya sinuntok ng malakas.

"Girlfriend??"taka nilang tanong sa sinabi ko.

"Hahahahaha, di ko alam na bumaba pala yung standard mo."sagot ni Althea.

Sasagutin ko na sana ito ngunit bigla akong pinigilan ni Sydney.

"Eto na ba yun?"mataray na tanong ni Sydney sakin saka nito nilapitan si Althea.

"Unbelievable! Anong taste yan William?"pang-aasar nito saka niya tinignan si Althea mula ulo hanggang paa.

"What do you mean?"tanong ni Althea.

"Nakaka-dissapoint."dugtong ni Sydney sabay sampal kay Althea na agad naming kinagulat.

Babawi sana si Althea ng sampal ngunit bigla itong hinarangan ni Sydney.

"Ang kapal nga ng muka mo."muli nitong pang-aasar.

"How dare you!!"inis na sabi ni Althea ngunit muli lang itong sinampal ni Sydney.

"Katulad ng una kitang nakita, sobrang nakaka-irita ka."dugtong nito.

"Oh, anong gagawin mo?"tanong ko kay Claude ng tatangkain nyang lapitan si Sydney.

"Ayoko sa lahat hinuhusgahan ako ng walang permiso."mataray na sabi ni Sydney.

Siya ba talaga yan? Ibang klase.

"Kapal ng muka mong sampalin ako!"galit na sabi ni Althea.

"Bakit? Anong gagawin mo?"muling pang-aasar ni Sydney.

"Tandaan mo tong araw na to!"muling sigaw ni Althea.

"Galit na galit ka naman? Bakit masakit ba? Wala pa nga yan sa ginawa mo kay William eh?"nang marinig ko ang sinabi ni Sydney ay naka-ramdam ako ng kakaibang pakiramdam.

"Wag niyo na ulit subukang mag-pakita hu, baka sa susunod di na kami makapag-timpi."banta nito.

"Hahaha, lakas din ng loob mo eh no?"asar na sabi ni Althea.

"Tsaka wag mo kong sigawan, naririnig kita kahit di ka sumigaw. Lalo akong naririndi sayo."pang-aasar pa nito.

"Ibang klase."asar na sagot ni Althea.

"Ibang klase talaga, pano mauna na kami ha?"pang-aasar muli ni Sydney saka umalis.

"Ikaw pa ba yan Sydney?"di maka-paniwalang tanong ni Alder at Miguel ng maka-layo kami.

"Nga pala, ano yung sinabi mo kanina William?"seryosong tanong ni Dereck.

"Ah, yun ba? Sorry Sydney ah, nadamay ka pa, di ko naman gustong sabihin yon. Nadala lang talaga ko."paliwanag ko.

"Nakakatakot ka Sydney."pang-aasar ni Drake.

"Hahaha, di ko sana gagawin yon. Kaso ayokong tinatawag ako ng ganon."sagot nito.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon