William's POV
"Kailangan bang gawin yon? Anong iisipin ni Syd tingin mo? Matutuwa siya?"seryoso kong tanong dito.
"Wag mong dadahilan na dahil gusto mo siya."sagot nito.
"Di yan yung pinag-uusapan, wag mong ibahin yung usapan."sagot ko sa kanya.
"William, Dereck tama na yan."awat ni Miguel samin.
"Bat ba kayo nagkaka-ganyan na dalawa."dugtong ni Ronald.
"Nag-text si Sydney na pauwi na siya dito."sagot ko ng mabasa ko ang text niya.
"Bro may tumatawag sayo."puna ni Alder sa cellphone ko.
Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad akong lumabas bago ko ito sagutin.
"Anong balita?"bungad kong tanong.
"Good news po Sir."sagot nito.
"Bakit? Nahanap niyo na ba?"tanong ko dito.
"Opo Sir, kilala na po namin kung sino yung pinuntahan niya dito nung mangyari yung aksidente."sagot nito na ikina-tuwa ko.
"Good, bantayan nyong mabuti. Pupunta ako dyan kapag may pag-kakataon."sagot ko dito.
"Sige po babantayan naming maigi."sagot nito na sinang-ayunan ko saka ko binaba ang tawag.
"Sino yun?"bungad nilang tanong pag-pasok ko.
"Mukang seryoso ah."dugtong ni Drake.
"Wala yun, si dad lang alam niyo naman yun."palusot ko.
"Ah ganun ba, sige pre uuwi na kami ah."paalam ng mga ito.
"Sige pre tara."aya ko.
"Oy pre sensya na kanina ah."dispensa ko kay Dereck saka siya inakbayan.
"Wala yun sensya na din pre."sagot nito.
Lalabas na sana kami ng bahay ng senyasan kami ni Dereck na huminto muna.
"Bakit pre?"tanong namin.
"Nandito na tayo, kaya mo ba mag-lakad?"tanong ni Gab kay Sydney.
"Bakit mag-kasama sila?"tanong naming lahat sa isa't-isa.
"Ang alam ko puro babae lang sila kanina."sagot ko na tinanguan nilang lahat.
.
.
.
Zarina's POV
"Ingat ka sa pag-mamaneho ah."bilin ko dito
"Payakap nga ko Syd."saad nito na ipinag-taka ko.
"Oh bakit ha?"tanong ko.
"Bastaaaa."sagot nito saka lumapit sakin.
"Okay fine."sagot ko dito saka siya niyakap.
"Mhmm..."agad akong napa-bitaw sa pagkaka-yakap kay Gab ng makita ko sila William.
"Bakit mag-kasama kayo Gab?? Diba puro babae sila?? Bakit may naligaw na Gab at kayakap pa si Sydney??"sunod-sunod nilang tanong habang naka-tingin kay Gab.
"Inaya siya nila Luke, sige na umuwi kana para di ka gabihin."bilin ko dito.
"Wag kayo mag-isip ng kung ano mga pare."sagot nito.
"Ganon baaaa."sagot ng mga ito.
"Sige na uwi kana Gab."saad ko dito saka siya tinulak papasok sa sasakyan niya.
"Bakit nandito pa kayong lahat?"tanong ko sa kanila habang nag-sasalin ng tubig sa baso.
"Bakit mag-kasama kayo?"tanong rin nila.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Genç KurguIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...
