Zarina's POV
"I'm sorry William."saad ko dito ng maalala ko ang nangyari sa kanila ng papa niya at ng mabugbog siya.
"Ha? Para saan?"taka nitong tanong.
"Tungkol sa kanina, sorry kasi di ko siya napigilan kanina. Nasaktan ka tuloy niya."umiiyak kong sabi saka siya nilapitan upang yakapin ng mahigpit.
"Hayaan mo na yun, gagawin ko ang lahat para lang sa kaligtasan mo."sagot nito na lalong nakapag-paiyak sakin.
"Kailangan ko na nga pa lang gawin yung pinapagawa ni Sir."pag-iiba ko saka nag-punas ng luha.
"Mag-pahinga ka na lang, ako na lang ang gagawa. Tutal sasabay din naman ako gumawa sayo eh, meron kasi akong naka-limutan sa sinabi ni Sir."sagot nito.
"Teka nga, gagamutin ko muna yung mga sugat mo. Antay mo ko ah."bilin ko saka tumayo upang kunin ang first aid kit ko.
.
.
.
William's POVNang maka-alis na ito ay saka ko lamang muling naramdaman ang sakit na natamo ko kanina.
"Anong gusto mong kainin Liam?"pasigaw na tanong nito sakin dahil medyo malayo siya.
Liam? Ang tagal na nung huli akong tinawag ni daddy sa pangalang liam. Sana balang araw matawag niya rin akong liam.
"Liam! Bakit di ka sumasagot?"tanong nito ng maka-balik na ito.
"Wala may naalala lang ako sa sinabi mo."sagot ko dito.
"Saan? Sa pagkain?"taka nitong tanong.
"Sa pag-tawag mo sakin ng Liam."sagot ko dito.
"Ah ganun ba? Sorry narinig ko kase yan--"hinto nito sa sasabihin niya.
"Yan?"ulit ko.
"Kase..yan..sa..daddy mo, binanggit niya kase yan nung...nakaraan."alangan nitong sagot na ipinag-taka ko.
Talaga bang narinig ni Sydney kay daddy yon?
"Ganun ba?"tanong ko dito habang patuloy siya sa pag-gamot sa mga sugat ko.
"Oo nga."ulit ko saka unti-unting tumulo ang mga luha sa aking mata.
"Masakit ba kaya ka napapa-iyak dyan?"tanong nito habang abala sa pag-gamot sa mga sugat ko.
"Sige dadahan-dahanin ko na. Hahaha kalalaki mong tao iyak ka ng iyak."sagot nito saka dahan-dahang tinapik ang likod ko.
"Ang sakit sa pakiramdam Syd, naiintindihan mo ba ko?"tanong ko dito habang patuloy sa pag-iyak.
"Oo naman, naiintindihan kita. Tahan na."sagot nito saka muli akong tinapik sa likod.
Kinabukasan...
"Syd sayo ba galing to??"bungad kong tanong habang bumababa ako ng hagdan papunta sa kanya.
"Hindi ah."sagot nito saka muling sumubo ng kinakain nyang almusal.
"Baka kay mama galing to."kausap ko sa sarili ko saka umupo katabi niya upang kumain ng almusal.
"Sa mama mo? Eh di niya pa yata alam yung nangyari kahapon. Sinabi mo ba?"tanong nito sakin na inilingan ko.
"Patingin nga ko."saad nito saka inabot sa kanya ang mga gamot na ginagamit sa mga natamo kong sugat kahapon.
"Dito natin malalaman."sagot nito habang hawak ang nakita nyang maliit na papel na may sulat.
"Ingatan mo yung sarili mo sa susunod."basa nito.
Hand written ni daddy to ah...
"Hindi kaya...?"bago pa nito sabihin ang sasabihin niya ay agad ko itong pinutol saka sinabing gutom na ako.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Ficção AdolescenteIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...