Chapter 20

4 2 0
                                    

Catherine's POV

Habang nag-lalakad ako papasok sa skwelahan ay may nabangga akong babae na pamilyar.

"Sorry."despensa ko.

"Ayos lang."sagot nito saka pinulot ang gamit namin.

"Pasensya na talaga ah."ulit ko.

"A-- is this Sydney?"tanong nito na agad kong ikinagulat.

"H-Hindi, baka nag-kakamali ka lang."kabado kong sagot saka mabilis na kinuha ang litrato.

"I see. But i hate her anyway."sagot nito na agad kong ipinag-taka.

How coincidence.

"Bakit naman?"tanong ko.

"New girlfriend siya ng ex boyfriend ko, at sobrang nakaka-irita yung ugali niya."iritable nitong sagot.

"I see."sagot ko.

"Pero di ko sinasabing may feelings pa ko dun sa ex ko ah."iritable nitong sagot

"Oo naman."sagot ko.

"Nga pala, sino namang ex boyfriend mo?"tanong ko ng maisip kong isa yun sa kaibigan ng kuya ko.

"Ha? Interested ka?"taka nitong tanong.

"Siguro nga."sagot ko.

"His name is William."sagot nito na agad kong ikinagulat.

"Anyways i have to go."paalam nito.

"Here's my number, tawagan mo na lang ako."sagot nito saka binigay ang number niya na agad ko namang inabot.

"Sure, thank you."sagot ko na tinanguan niya na lang.
.
.
.
William's POV

Di bumaba yung lagnat ko, papasok pa kaya ko?

Habang kinakausap ko sa salamin ang sarili ko ay bigla akong tinawag ni Sydney sa labas.

"Tara na! Late na tayo."dugtong nito.

Bahala na nga.

"Pasok."saad ko saka siya pumasok.

"Matagal ka pa?"bungad nyang tanong ng maka-upo siya sa kama ko.

"Mukang ayos kana ah?"tanong ko dito habang tinitignan siya sa salamin.

"Oo, nakapag-pahinga na ko eh."sagot nito.

"Kanina ka pa dyan, ano bang ginagawa mo?"tanong nito saka ko humarap sa kanya.

"Kanina mo pa yan ginagawa ah?"dugtong nito saka ko nilapitan na agad ko namang inatrasan.

"K-Kaya ko na."kabado kong sabi.

"Ganto lang yan oh."sagot nito saka binotones ang polo ko at inayos ang neck tie ko.

"Salamat."sagot ko dito.

"Ayos lang, may sakit ka ba?"inosente nitong tanong sakin.

"Wala."sagot ko saka muling umatras.

"Kanina ka pa wala sa sarili."puna nito.

"Ayos lang ako, tara na late na tayo diba?"pag-iiba ko ng usapan saka kinuha ang bag ko.

"Sabi mo eh."sagot nito saka lumabas.

"Di ka talaga sasali?"tanong ko habang pababa kami.

"Sa pageant? Hindi ngaaaaa."tanggi pa rin nito.

"Sayang kase Sydney, ang daming nag-aaya at nag-tatanong kung sasali ka."paliwanag ko.

"Basta ayoko."tanggi pa rin nito.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon