Drake's POV
"Kuya..."gising ni Catherine sakin ngunit nanatili lang akong naka-pikit.
"Sorry talaga..."saad nito habang tumutulo ang luha niya sa dibdib ko.
"Nawala ako sa sarili, kaya nagawa ko yun. Kuya kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako."dugtong nito habang patuloy siya sa pag-iyak.
After a while...
Naka-tulog na pala siya.
Dahan-dahan kong kinuha ang jacket na nasa gilid ko upang ikumot ito sa likuran niya.
I know, kahit naman ako nawala ako sa sarili ko. Pero di pa rin tama yung ginawa mo.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto upang puntahan sila Dereck ngunit bago ko pa buksan ang pintuan kung nasan sila ay may narinig akong kakaiba na nakapag-pahinto saakin.
Kuya?
"Bahala na nga."saad ko saka pumasok sa loob.
"Sino sila? Bakit naka-luhod kayo? Tsaka bakit yung muka niyo--"hinto ko sa sasabihin ko.
"Yung mukha niyo?"nang maalala ko kung sino sila ay bigla akong kinain ng galit.
"Mga hayop kayo!"sigaw ko saka kwinelyuhan ang isa sa kanila.
"Ilabas niyo ang nanay at tatay niyo! Bakit!?"sigaw ko dito ngunit pinigilan ako nila William.
"Kumalma ka."awat ng panganay nila.
"Zarina! Plano mo to diba!"baling ko ng tingin sa kanya.
"Ang sasama--"awat ni Dereck sakin.
"Bro, baka duguin ka na naman. Kumalma ka."awat nito.
"Oo nga bro."dugtong nila Ronald.
"So dahil sa kapatid mo, kaya nandito si Zarina?"tanong ng panganay nila saakin.
"Oo."sagot ko.
"Drake anak?"bungad na tanong ni papa na ikina-gulat naming lahat.
"P-Papa."saad ko saka siya hinatak palabas ngunit pinigilan niya ako.
"Pamilyar kayo, sino kayo?"seryoso nitong sabi.
"Kuya po kami ni Zarina, na kilala niyo bilang Sydney. "sagot nito.
Agad na nabaling ang pansin namin sa panganay na kapatid ni Sydney nang biglang tumunog ang cellphone nito.
"Hello pa?"tanong nito.
"Sige po, pupunta na po kami."dugtong nito.
"Si mama daw gising na."balita nito sa iba nyang kapatid saka nabaling ang paningin nila kay Sydney.
"Oo nga pala pano si Zarina?"tanong ng pinaka-bata sa kanila.
.
.
.
Zarina's POV"Gusto mong sumama?"tanong ni kuya Kean.
Tinanguan na lang ako nila Dereck kaya nag-pasya na kong sumama na sa kanila.
"Oh anong gagawin niyo?"tanong ni kuya Kevin ng makita nilang sumusunod sila Dereck.
"Sasama po."sagot nila.
"Bakit? Nawawalang kapatid din ba namin kayo?"sarkastikong tanong nito.
"Hihingi po sana kami ng paumanhin."sagot nila Dereck na tinanguan ko na lang sila kuya.
"Tara na po."saad ko.
.
.
.
Drake's POV"Anak, hindi pa rin maganda yon, kahit pa sabihin nating ginawa nila sakin yun, mali pa rin yung ginawa niyo dalawa."seryosong sabi nito saakin.

BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Teen FictionIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...