Kevin's POV
"Ma, di pa rin ma-contact si Grace."alala kong sabi, kahit silang lahat ay sinubukan ng i-contact si Grace ngunit ni isa samin ay di siya ma-contact.
"P-Pasensya na po kayo, sana po m-mapa-tawad niyo pa po kami."walang tigil na pag-hingi ng tawad ni Lucy.
"H-Hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya."sambit ni Chloe at saka humagulgol.
"Di niyo kasalanan ang lahat, maski kami ayaw nyang sabihan ng kahit anong pilit namin sa kanya na sabihin kung anong problema niya."paliwanag ni Kean na sinang-ayunan namin.
"P-Patawarin niyo p-po k-kami."umiiyak ding dispensa ni Angi.
"Tahan na kayo, alam ko kung ano yung nararamdaman nyong pag-aalala, wag niyo ng sisihin ang sarili niyo. Ang mahalaga ngayon mahanap natin siya."paliwanag ni Gray na halatang nagpipigil din ng luha at galit sa sarili dahil di namin na-protektahan ang prinsesa namin.
"Pupunta tayo bukas kay mama."seryosong sabi ni Papa na alam na namin kung ano ang ibig nyang sabihin.
"Mag-handa na kayo ng gamit niyo."bilin ni Mama.
"Sumama na rin kayo samin ah, dito na lang rin kayo matulog kung di abala sa inyo Chloe, Lucy at Angi."bilin ni mama.
"Opo tita, salamat po nasabi na rin po namin ang nangyari sa parents namin."mangiyak-ngiyak na sabi ni Chloe.
Nang matapos ang mga pinag-usapan naming gagawin para bukas ay dumeretso na ko sa kwarto na hinanda nila.
.
.
.
Chloe's POVKahit anong pilit kong maka tulog ay di ko magawa dahil sa pangyayaring nangyari kay Grace, kaya nag-pasya na lang ako na maglakad-lakad.
Dahil nakaramdam ako ng uhaw ay nag-tungo ako sa kusina upang kumuha ng tubig sa ref, ng bigla kong maalala na may lagnat si kuya Kevin.
Pano ko nalaman? Nung pinakalma nila kami, hinawakan niya ko non sa balikat at napansin ko non na hindi normal yung temperature niya.
Agad akong nag-hanap ng gamot sa lagnat at nag-pasyang dalhin iyon sa kanya.
Nang makarating ako sa tapat ng kwarto niya ay napansin kong bahagyang naka-bukas ang pintuan niya.
Okay lang kaya 'tong gagawin ko? Siguro naman okay lang kase para rin 'to sa ikakagaling niya.
Dahan-dahan at maingat akong kumatok at pumasok sa kwarto niya. Nang maka-pasok ako ay nilapag ko agad sa lamesita na nasa tabi ng kama niya ang gamot at inumin na kinuha ko.
"Sana inumin mo to pag nagising ka na."bulong ko habang tulog ito.
Aakma na kong umalis nang hawakan niya ko sa laylayan ng damit ko na ikinagulat ko naman.
Shet lagot na ko! Huling araw ko na pala toooo di ko pa sinulit non yung pamilya kooo!
"A-Ah eh, kase, ano napa-daan lang ako dito, p-paalis na nga ako eh."kabado kong sabi.
Gwapo niya pa rin talaga. Grabeee ang hotttt nyaaaaa kyahhh!
"S-Sige, p-pasensya na kung naabala ka."paalam ko ngunit di niya pa rin binibitawan ang laylayan ng damit ko.
Tandaan mo Chloe 3 years agwat niyo, kaka-20 mo lang nung nakaraang buwan. Kalma ka langgg!! Grabeee gusto ko na siya pakasalan pag-graduate ko this yearrrrr!!
"A-Ang lamig.."namumula nyang sabi.
Ano ba yannnnn, yakapin ko na kaya future husband ko!?
"Eto nga pala kuya Kevin, kinuhanan kita ng gamot. Di ka pa yata umiinom."sabay abot sa kanya ng gamot na ininom niya naman agad.
Aakma na sana kong lumabas ng mainom niya ang gamot niya kaso bigla niya kong pinigilan.
"May kailangan ka pa ba kuya Kevin?"tanong ko saka umupo sa tabi ng kama niya.
Husband kasi!! Bat kuyaaaaa.
"Hug me."matamlay nitong sagot na ikina pula ng mukha ko.
"Ano po?"ulit ko dahil baka nag-kamali lang ako ng dinig.
"Yakapin mo ko, nilalamig kasi ako."matamlay nitong ulit.
Panaginip ba 'to!? Ayoko ng magisinggggg!!
"Seryoso ka?"ulit ko dahil di ako maka-paniwala.
"Mukha ba kong nag-bibiro?"sagot nito at saka mabilis akong hinatak upang mayakap.
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay alam kong nararamdaman niya iyon.
"Ayos ka lang?"tanong nito at saka ako dahan-dahang kinumutan.
"A-Ayos lang ako."namumula kong sagot.
Nang mapansin kong naka-tulog na siya ay di ko maiwasang di siya titigan.
"Parang panaginip ang lahat."bulong ko habang natutulog siya.
Dahan-dahan akong kumalas sa pagkaka yakap sa kanya upang mas makapag-pahinga siya at baka maabutan pa kami ng pamilya niya ngunit naramdaman ko na mas hinigpitan nito ang pagkaka yakap niya saakin.
"Wag ka munang bumitaw, nilalamig kasi ako eh."bulong nito.
"A-Ah, b-baka kasi maabutan nila tayo sa gantong sitwasyon."sagot ko.
Makalipas ang ilang minuto ay muli syang naka-tulog ng mahimbing kaya bago ako kumalas ay siniguro ko munang di na siya madaling magigising.
"Good night, pagaling ka.."bulong kong pahabol sa kanya habang natutulog siya at saka nag-pasyang lumabas na upang pati ako ay makapag pahinga na rin.
.
.
.
Dereck's POV"Ano sabi ng mga magulang niyo?"tanong ko dahil nag-pasya kaming tawagan ang mga magulang namin isa-isa upang sabihin ang totoong nangyari.
"Ayon pinapauwi na ko hahaha."sagot ni Drake.
"Ganon din ako."dugtong ni Alder.
"Sabi ni papa sakin siya na daw ang bahala sa pagta-transfer ni Sydney sa school natin pero meron syang isang kondisyon."seryosong sagot ni William.
Ang papa ni William ang may ari ng University na pinapasukan namin dahil magka-kaibigan ang pamilya namin kaya wala ng dapat na ikabahala sa pagta-transfer ni Sydney.
"Ano naman yon?"tanong naming lahat.
"Yun ang di ko pa alam kasi pag-uwi niya na lang daw sasabihin na alam niyo na naman kung ano ang ibig sabihin ni papa don."sagot niya.
"Iisa lang ang sinabi ng mga parents natin, di basta-basta ang nagawa natin kaya humanda tayo sa kapalit ng mga 'to."paliwanag ni Ronald na tinanguan naming lahat.
"Ayusin na natin lahat ng gamit natin para bukas maaga tayong makaka uwi."bilin ko.
"Sige pre."sagot nila.
"Nga pala kaninong bahay magi-stay si Sydney?"tanong ni Miguel.
"Oo nga pala muntik na nating makalimutan yon."sagot ni Ronald.
"Sydney will stay at my place."pagpi-prisinta ko at agad na tumayo, ngunit kasabay kong tumayo si William upang mag prisinta din.
.
.
.
Zarina's POVNang matapos akong maligo ay agad akong nag-tungo sa sala kung nasaan sila.
"Anong meron?"tanong ko ng maka-rating ako.
"Pinag-uusapan namin kung kanino ka muna magi-stay pansamantala pag umuwi na tayo."paliwanag ni Ronald.
"At nag-prisinta si William at Dereck na iuwi ka kaso isa lang ang pwedeng mag-uwi sayo pansamantala."dugtong pa niya.
"Mas kumportable akong kasama si William."sagot ko.
"Oh William alagaan mong mabuti si Sydney at pag-uwi natin bibisita kami ng madalas sa bahay niyo para kamustahin siya."paliwanag pa nito.
"I will."sagot ni William.

BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Novela JuvenilIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...