Dereck's POV
"Hi kuya!"bungad na bati sakin ng kapatid kong si Daegan.
"Nasan na sila?"bulong ko.
"Nandun na, ikaw na lang ang hinihintay."pabulong niya ring sagot.
"Tara."aya ko.
"Kain na."tipid na sabi ni papa.
"Oh nandito ka na pala anak."bungad nito saka inilapag ang ibang pagkain. Katulad ng palagi kong ginagawa ay hindi ko ito pinansin.
Mula kase ng mangyari ang aksidenteng nagawa namin ay nag-bago na ang lahat, parating bukang bibig ng mga magulang ko ay ang pagiging iresponsable ko.
"Ano ng balita dun sa babae? Dapat lang na kahit papano may alam na siya sa kung sino siya."bungad na sabi ni papa.
"Ayokong pag-usapan yan ngayon."tipid kong sagot.
"Ang dami-dami niyo hindi niyo yan masolusyunan!"galit nitong sabi.
"Hon, kumalma ka nasa hapag-kainan tayo."awat nito kay papa.
"Kung hindi ka ba naman kase tan--"agad kong pinutol ang sasabihin nito.
"Yan na lang ba ang parati nyong sasabihin na dalawa!? Ha!?"galit kong sagot saka sila tinitigan ng masama.
"Kuya."pigil sakin ni Daegan.
"Wala kang galang!"agad na dumapo sa pisnge ko ang suntok ni papa.
"Pa, tama na!"awat ni Daegan.
"Sige ituloy mo! Patayin niyo na lang po ako! Diba yun naman yung ginagawa niyo sakin sa pang-araw-araw kong buhay! Actually di na to dahil sa babaeng yon! Tungkol na yun sa mga ginagawa ko! Palagi niyo na lang akong pinupuna! Para ba talaga sainyo ma, pa, wala akong nagawang tama?"tanong ko sa mga ito.
"An--"muling dumapo ang kamao nito sa mukha ko.
"Tama na!!"muling awat ni Daegan kay papa.
"Masaya kana ba pa? Ikaw Ma? Gusto mo rin bang gawin sakin yung ginagawa sakin ni papa? Ha ma? Parati ka na lang pong walang ginagawa."mabilis akong tumayo at lumabas ng bahay at saka mabilis na nag-tungo sa sasakyan ko sabay mabilis itong pinatakbo.
"Bwisit!!"saka ko lang napansin na may dugo pala ang labi at pisnge ko ng mahawakan ko ito.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-mamaneho ay may napansin akong mga lalaki na nag-kukumpulan malapit sa University. Agad akong lumabas ng sasakyan upang tignan ito.
"Tulong!"saklolo ng pamilyar na boses.
"Sam?"agad kong nilapitan si Sam ng makita ko ito.
"Dereck!"agad itong lumapit sakin habang umiiyak.
.
.
.
Zarina's POV"Pasensya kana Sydney ah? Napa-inom ka pa tuloy ni mama."despensa nito.
"Ayos lang! Kailangan nyong i-celebrate yon."lasing kong sagot.
"Oo nga pala! Diba meron ka pang gagawin sa University? Bukas mo na lang kaya yun gawin?"agad akong napatayo sa kinakaupuan ko ng maalala ko iyon.
"Tita, pupunta lang po ako sa University."paalam ko.
"No Syd, lasing ka na baka mapano ka pa kung mag-isa ka lang."alala nitong sagot.
"Ma ako na lang mag-hahatid sa kanya."prisinta ni William.
"No William, ang driver ko na ang mag-hahatid kay Sydney."paliwanag nito.
"Ma--"pag-puputol ni tita sa sasabihin ni William.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
TienerfictieIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...