William's POV
"Morning guys!!"bati ko sa kanila.
"Morning din pre."balik nila.
"Tingnan ko lang siya kwarto niya ah?"paalam ko.
Tumango naman silang lahat saakin.
Nang makarating ako sa harap ng pinto kung nasaan ang siya ay nag alangan ako at di alam kung paano papasok.
Nag-pasya na lang ako na kumatok muna bago pumasok ng dahan-dahan sa kwarto.
"A-Ah..excuse me?"mahina kong saad.
"Gising ka na ba?"mahina kong tanong ngunit walang sagot mula sa kanya kaya nag-pasya na lang ako na lapitan siya.
Bumungad saakin ang maamo nyang mukha na naka pukaw sa atensyon ko. Nakaramdam ako ng kung ano ng dahan-dahan nyang imulat ang mga mata niya.
"S-Sino ka??"tanong niya ng mahimasmasan siya sa pagkaka-tulog.
"Ah..kase..titignan ko sana ang kalagayan mo kung ayos ka lang."taranta kong sabi.
"Ang tanong ko sino ka, hindi anong ginagawa mo dito."natatawa nyang sabi.
Muli akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam.
Ano 'tong nararamdaman ko? Wierd.
"Oh bat di ka maka-sagot??"muli nyang tanong.
"A-Ako s-si W-William."pautal-utal kong sabi.
"Bakit ka nauutal at namumula??"inosente nitong tanong.
"By the way, mukhang ayos ka lang, I have to go."paalam ko.
"Wait?"pigil nito sakin ng aakma na akong tumayo.
"May kailangan ka ba?"tanong ko ngunit umiling lang siya saakin.
"Good morning."bati nito sabay ngiti na agad ko namang kinamula.
"Morning din."balik ko sabay nagmadaling umalis.
.
.
.
Zarina's POVKahit anong isip ko sa kung sino ba ako o saan ako nakatira ay wala akong maalala kahit isa kaya nag-pasya na lang akong tumayo sa kama pagka tapos ay naligo na at kumain na.
Habang patuloy ako sa paglalakad ay naka salubong ko ang isang tropa nung si William.
"Ginagawa mo?"tanong niya ng maka salubong ko ito.
"Nag lalakad, di po ba obvious?"sagot ko.
"Yes, I know but what I mean--"pag-puputol ko saka tumawa ng bahagya.
"Nag-bibiro lang, masyadong seryoso kuya?"biro ko.
"May amnesia ka ba talaga?"inis nitong tanong at nagkunwaring nag-iisip.
"Hmm..?"pag-iisip ko saka siya nilagpasan.
"Anong pangalan mo, kuya?"tanong ko.
"Kanina ka pa ah! Di pa ko matanda."pikon nitong sabi.
"By the way, Dereck. Dereck John ang pangalan ko."sagot nito na ikina-sakit ng ulo ko dahil sa pangalan na binanggit niya.
"Mauna na ko kuya Dereck."paalam ko.
"Sabi nang!"pikon niya muling sabi na tinawanan ko na lang kunwari.
After a while...
"Siguro kapag nag lakad lakad ako may maaalala ako tungkol sa kung sino talaga ko, kakainis ba't kasi kahit isa wala akong maalala!"inis kong kausap sa sarili ko ng muli kong maka salubong ang lalaking pumasok sa kwarto ko kaninang umaga.

BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Teen FictionIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...