Chapter 16

4 2 0
                                        

Nang buksan ni Sydney ang kahon ay agad nyang nabitawan ang box na may lamang litrato niya na puro dugo.

"Sinong!?"gulat na sabi ni Dereck.

"Sinong tarantado ang gumawa nyan!"galit na sabi ni Alder.

"Itapon niyo na agad yang box na yan!"galit na sabi ni Dereck.

"Di dapat itapon! Dapat sunugin!"dugtong ni Ronald.

"It's nice to see you, Aka Sydney."muling nabanas si Dereck ng mabasa niya ang nasa likod ng litrato.

"Lalabas ko muna si Zoey."seryoso kong sabi saka umalis.
.
.
.
William's POV

Habang nag-hahanda ako ng pagkain ay napansin kong naging tahimik sila kaya minabilis ko ang pag-hahanda upang tignan kung anong nangyari.

"Natahimik ata kayo??"bungad kong tanong ng maabutan ko silang naka-upo habang tulala.

"Guys!?"ulit ko dahil ne isa sa kanila ay walang naka-pansin sa tanong ko.

"Naka-balik kana pala William."kabadong sabi ni Miguel.

"May nangyari ba?"ulit kong tanong.

"Y-Yung b--"pag-puputol ni Sydney sa sasabihin ni Dereck.

"Tinatanong ko kayo kung anong nangyari!?"inis kong tanong.

"Gutom na ko."sagot ni Sydney.

"Kain muna tayo bago natin pag-usapan yung performance niyo next week."dugtong nito.

"O-Oo nga tama, gutom na ko."sang-ayon ni Alder.

"Wala yun, yung pusa kase ni Sam nawawala. Alam mo naman sobrang importante sa kanya ng pusang yon. Kaya nag-alala kami."kabadong sabi ni Ronald.

"Ganun ba? Nakaka-lungkot nga. Yun yung huling binigay ng lola niya sa kanya bago pumanaw diba?"sagot ko.

"Ganun na nga."seryosong sabi ni Miguel.

"Tulungan natin siya sa pag-hahanap."bilin ko.

"Oo naman."sang-ayon ni Dereck.

"Nasan nga pala si Drake at Zoey?"puna ko ng mapansin kong wala sila kahit saan.

"Lumabas saglit."sagot ni Ronald.

"Ice crean guys!"bungad ni Drake ng maka-balik siya.

"Oh nandito na pala siya."saad ni Dereck.

"Tara kain na tayo, nagugutom na rin si baby Zoey oh, diba baby Zoey?"aya niya na tinanguan ko na lang.

"Sige tara na, baka lumamig pa yung pagkain."sang-ayon ko.
.
.
.
Dereck's POV

"About nga pala sa program next week?"umpisa ko habang kumakain kami.

"Turo niyo kung sino yung gusto nyong mag-lead sa kanta."utos ko.

Sabay-sabay naming tinuro si Drake.

"Sige ako ng bahala sa kanta."sang-ayon nito.

After a while...

"Bukas na lang natin umpisahan."saad ni Ronald.

"Sige hugasan ko na to ah."prisinta ko.

"Ako ng bahala dyan pre."kontra ni William.

"Ako ng bahala Dereck, alagaan mo na lang si Zoey, umiiyak kapag iba yung nag-bubuhat eh."paliwanag nito.

"Suot ko na lang yung carrier niya."saad ko saka ito kinuha upang isuot.

"Ikaw bahala."sagot nito.

"Tara baby Zoey punta na tayo sa kusina, turuan kita mag-hugas ng pinggan."masaya kong sabi habang tinitignan siya.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon