Dereck's POV
"Graduation day!!"masayang sabi nila Drake.
Di ko na nabanggit sa sobrang dami ng nangyari na malapit na ang araw ng graduation namin bago pa maaksidente sila Sydney. Halos isang linggo na rin yung naka-lipas simula nung nag-confess ako kay Sydney kaya yon medyo akward na ewan pag nakikita ko siya.
Haystt.
"Huy bro!!"sigaw nila sakin.
"Tulala ka dyan? Iniisip mo na naman si Zarina no? HAHAHA!"asar nila.
"Di pa rin ako sanay na tawagin syang Zarina, ako lang ba?"tanong ni Miguel na sinang-ayunan ko.
"Di ka--"hinto ko sa sasabihin ko ng makita ko si Sydney. Mali, si Zarina pala.
.
.
.
Zarina's POV"Congrats sa inyo!!"bungad kong bati ng makita ko sila William.
"Sayo din!!"balik nila.
"Grace!!"sigaw nila Chloe sakin habang tumatakbo sila.
"Congrats sainyo!!"masaya kong bati sa kanila saka sila niyakap.
"Oh kaya pala."singit ni Alder.
"Oh bakit?"sabat ni Angi sa mataray na paraan.
"Grabe ka naman."naka-ngusong sagot ni Alder.
"Biro lang! Congrats Alder!!"masayang sabi ni Angi saka niyakap si Alder.
Well, di na kami nag-tataka halata naman na, unang pag-kikita pa lang nila, mukang tinamaan na sila sa isa't-isa.
"Oh sya, oh sya, may plano kaming mag-celebrate sa resort nila Dereck sama kayo?"aya ni William.
Mukang pinag-planuhan nila ah.
"Sure!!"sabay-sabay nilang sabi.
"Ikaw Sydney, Zarina?"tanong ni William sakin na agad ko namang tinawanan.
"Tawagin niyo na lang akong Grace, pero sige. Game ako."sagot ko na sinang-ayunan nila.
"Anong game yan?"bungad na tanong ni Sam saka lumapit kay Drake.
"Ikaw pala Ailee."saad ni Dereck ng makita niya sa di kalayuan si Ailee na papalapit sa direksyon nito.
"Hi Dereck, congrats!!"bati nito saka lumapit kay Dereck.
Pshhh.
"Oh pano? Kita na lang tayo bukas ah, baka inaantay na tayo ng mga magulang natin sa kanya-kanya nating mga bahay."pag-iiba ko.
"Oh sige."sang-ayon nila.
Napansin kong kanina pang naka-tingin si Dereck sakin ng seryoso at aakmang lapitan ako ngunit mabilis kong hinatak sila Chloe upang maka-layo na pag-tapos nilang mag-paalam sa iba.
Cute.
Kinabukasan...
"Excited na ko!!"sigaw nila Lucy na sinang-ayunan namin.
Bali dalawang sasakyan ang gamit namin, si Dereck ang nagda-drive tapos katabi niya ko sa harap. Sa likod naman namin nandun si Chloe at Lucy. Sa likod naman nila Chloe nandun sina Angi at Sam. Halata na nage-enjoy silang dalawa sa mga pinag-uusapan nila, ganon din naman sina Chloe at Lucy. Habang ako eto, patingin-tingin lang kay Dereck tapos pag-tumitingin siya umiiwas ako ng tingin, syempre. Balik sa topic, sa pangalawang sasakyan si William ang nag-mamaneho kasama si Miguel, Drake, Alder, at Ronald.
"Nandito na tayo."saad ni Dereck.
"Tara na!"excited na sabi ni Drake.
Agad namang bumaba si Dereck, saka pumunta kila William.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Secret
Teen FictionIf you could encounter these situations, what would you choose? You will forgive and give them another chance because it somehow helped you, or you will not forgive them because of the sin it has done to you that has really affected your life. What...