Chapter 19

4 2 0
                                    

Catherine's POV

"Boss si Zarina ba yon?"tanong sakin ng isa kong tauhan.

"Siya nga ata, pero anong ginagawa niya dito?"taka kong tanong ng makilala ko ito.

"Mukang magandang simulan ng plano ngayon ah?"naka-ngisi kong sabi.

"Siguraduhin niyo munang di niya kasama si kuya, o ang kahit na sino."utos ko.

"Sige boss."sang-ayon nilang lahat.

Maka-lipas ang ilang minuto ay bumalik na ang mga tauhan ko upang ibalita na wala itong kasama.

"Sundan niyo na. Aantayin ko kayo sa pinag-kasunduang lugar."utos ko.

"Masusunod boss."sagot nilang lahat.

"Galingan niyo."saad ko bago tuluyang umalis.
.
.
.
Zarina's POV

Ang tagal naman yata nyang bumalik.

Habang nag-aantay ako kay Dereck ay may napansin akong mga lalaki na kahina-hinala kanina pa, kaya minabuti kong mag-lakad-lakad upang malaman kung ako ba talaga ang pakay nila.

"Bakit ba ayaw mong sagutin yung tawag ko."angal ko habang sinusubukan ko itong tawagan.

Maingat kong binilisan ang lakad ko ng mapansin kong ako nga ang pakay nila. Ngunit kahit anong gawin ko ay di sila nawawala sa paningin ko.
.
.
.
Dereck's POV

Habang nag-aantay ako sa binibili kong pagkain namin ay naka-ramdam ako ng kakaibang pakiramdam kaya agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko.

Aishh! Lowbat nga pala ko.

"Here's your order Sir."saad ng nag-titinda saka inabot sakin ang binili ko.

Ayos lang kaya si Sydney...
.
.
.
Drake's POV

"Oh."puna ko ng mapansin kong hindi na gaanong dumudikit ang band-aid sa gilid ng noo niya.

"May band-aid kang dala?"tanong ko dito.

"Huh? Meron, pero para san?"tanong nito.

"San naka-lagay?"tanong ko.

"Sabihin mo muna kung para san."pilit nito.

"Basta."sagot ko.

"Ok fine. Nasa loob ng bag ko."sagot nito.

Agad kong binuksan ang bag niya upang hanapin ang band-aid.

"Pano mo nga pala nalaman tong lugar na to?"tanong nito ng maka-balik ako.

"Dito ko dinadala ni mama kapag problemado ako or kapag may nangyaring di maganda sa araw ko, o niya."maiksi kong paliwanag saka muling umupo malapit sa kinakaupuan niya.

"Oh, I see."sagot nito.

"Pabaya masyado."angal ko saka mas lumapit sa kanya upang palitan ang band-aid sa gilid ng noo niya.

"A-anong ginagawa mo? Ako na. Kaya ko na."pigil nito saka lumayo ng kaunti.

"Daming angal."sagot ko saka muling lumapit sa kanya.

"Basta wag kang malikot."utos ko saka dahan-dahan itong nilapitan upang palitaan ang band-aid niya.
.
.
.
Zarina's POV

Nasan kana ba Dereck!?

"A-anong gagawin niyo!"sigaw ko sa mga ito.

"L-layuan niyo ko!"muli kong sigaw habang tumatakbo.

"Sumusunod lang kami sa utos."sagot ng isa sa kanila.

"Sumama ka na lang samin ng maayos! Para di na tayo mahirapan pare-parehas!"sagot ng isa sa kanila.

Yesterday's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon