"Isa pa!" sigaw ng isang babae, ikinagulat ko ito. Lumingon ako at nakita ang mga mata ng babaeng tila puno ng hinanakit.
Hinanda ko ang pinakamalakas na alak at inabot ito sa kanya. Kinuha niya ito kaagad at walang pasabing nilagok ang alak.
"Kulang pa! Isa pa!" Binaba niya ang bote ng alak at nag-request pa ng isa.
Ilang beses siyang umorder ng alak, ngunit parang hindi siya nalalasing sa mga binibigay ko. Ano bang problema ng babaeng ito? Pilit na nililimot ang sakit gamit ang alak?
Nang humingi pa siya ng isa, nagsalita na ako dahil naka-walo na siyang bote.
"Miss, tama na po. Lasing ka na-"
"Shut up!"
Akmang magsasalita pa sana ako nang bigla niyang hinablot ang batok ko papalapit sa kanya at hinalikan ng mariin sa labi. Sobrang diin ng halik na iyon na halos magdugo ang labi ko.
Binitawan na niya ako.
"Sweet," sabi niya sabay kindat.
Hindi ako nakapagsalita. Nakatulala lang ako sa kanya habang tinitignan ang kanyang mukha pababa sa kanyang makurbang katawan.
"Isa pa!"
"Miss, tama na po. Lasing ka na po-"
"Fuck! Hindi ako lasing!" Pero bago pa man niya matapos ang sinasabi niya ay bumagsak na siya sa sahig.
ANG GAAN naman ng babaeng ito. Kung pwede lang sana, iniwan ko na siya sa bar. Pero wala akong magagawa, responsibilidad ko ang mga customer. Marami na akong nakitang mga naglalasing sa bar ko, pero ngayon lang nangyari na kailangan ko pang dalhin sa apartment ko ang isang babae. Kadalasan sa kanila, may ID o cellphone man lang na magagamit para tawagan ang kakilala o kahit sino. Pero ang isang ito, ni walang ID o cellphone, tanging pera lang talaga ang laman ng wallet niya-at saksakan pa ng kapal ng pera.
Hindi naman parte ng trabaho ko ang maging babysitter ng mga lasing, pero heto ako, inaalalayan ang babaeng ito papunta sa apartment ko. Pagdating sa pintuan, dali-dali kong binuksan at hinila siya papasok. Ayaw kong magising ang mga chismoso't chismosa sa paligid.
Maliit lang ang apartment ko-walang kahit anong mga mamahaling furniture. Isang kama, cabinet, lamesa, at dalawang upuan lang ang laman. Hindi naman ako laging nasa bahay dahil sa trabaho at mga raket, kaya simple lang talaga ang tirahan ko. Wala rin akong malapit na kaibigang bumibisita dito.
"Brix," kanina pa niya tinatawag ang pangalan na iyon. Siguro, siya ang dahilan kung bakit siya naglalasing ngayon.
Inilapag ko siya sa kama at tinakpan ng kumot. Napansin kong may luha pa sa kanyang pisngi. Ano kaya ang nangyari? Sa kapal ng laman ng kanyang wallet, siguradong may kaya siya. Pero kahit gaano pa kalaki ang pera, hindi kayang punan ang lungkot na dala ng puso.
Pumunta ako sa banyo at dali-daling nag-shower at nagbihis dahil nasukaan niya ako habang pauwi. Pagkatapos, lumabas ako ng banyo at tiningnan siya nang maigi. Ngayon ko lang klaro nakita ang kanyang mukha at kabuuan ng katawan. Napakaseksi niya, at hindi maipagkakaila na galing siya sa mayamang pamilya. Pang-modelo ang features niya at halatang may lahi.
"B-Brix... Please... Stay," muli niyang sinabi, at nakita kong tumulo ang kanyang luha. Naaawa ako sa kanya dahil puno ng pagmamahal at sakit ang pagbigkas niya sa pangalang iyon.
Pinahid ko ang kanyang luha. "Kung sino man si Brix, sana di ka na lang niya iniwan para hindi ka nagkakaganito."
Inalis ko ang kanyang takong. Nag-aalangan ako kung huhubarin ko ba ang kanyang dress dahil may suka iyon, pero kailangan ko talagang alisin. Patawarin sana ako ng babaeng ito sa aking gagawin.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...