Chapter 3

454 44 2
                                    

"Welcome home, Fish."

Biglang bumangon ako sa kama at mabilis na hinanap ang switch ng ilaw sa pader. Halos mapunit ang aking dibdib sa takot at kaba nang makita ko ang babae na nakahiga sa kama, nakatingin sa akin ng may matalim na mga mata.

"B-bakit ka nandito? D-diba umalis ka na kanina?" Nanginginig kong sabi, hirap na hirap huminga sa sobrang gulat. Bakit ba siya nandito? Akala ko ba hindi na babalik ang babaeng ito? At saka bakit ba siya bumalik? May nakalimutan ba siya?

"You need to drink water. Fish needs water you know," bigla niyang sabi sa akin, halatang nagbibiro pero seryoso ang tono ng boses.

Napansin niya ang pagkunot ng aking noo kaya't nagbago ang kanyang ekspresyon. "Fine, Snap. Go get water and drink," utos niya sa akin, na agad kong sinunod. Parang natutulala, naglakad ako patungo sa kusina, kumuha ng baso na halos mawala sa akin dahil sa kaba, kumuha ako ng tubig, at ininom ito ng diretso.

Nang mahimasmasan ako, nilapitan ko siya at hinarap. "B-bakit ka nandito? May nakalimutan ka ba?" Hindi ko maiwasang itanong sa kanya, habang tinitingnan ang kanyang mga mata na parang naghahanap ng kasagutan.

Wala akong nakitang anumang bagay na maiiwan niya dito, kaya't labis akong naguguluhan sa kanyang presensya.

"None," mariin niyang sagot na lalong nagpapakunot sa aking noo at kilay.

"K-kung gano'n, ano?" patuloy kong tanong, nag-aalala na naguguluhan sa kanyang pag-iral.

Nakita ko siyang bumangon mula sa kama, at doon ko lang napansin na nakasuot siya ng double-breasted pantsuit na may peak lapel, V-neckline, mahabang manggas, at button cuffs, kulay navy blue. Tinanggal niya ang itim na sandal na nasa gilid ng kama bago sumampa sa kama, kaya't wala siyang suot nang lumapit sa akin.

"You," bulong niya, na nagpangilabot sa akin at nagpataas ng balahibo sa aking katawan.

"A-ano?" Hindi ko maiwasang mapapalunok sa kanyang mga salita. Tiningnan ko siya, nakasandal ang kanyang palad sa aking braso, pataas sa aking balikat, hanggang sa aking leeg. Nagbigay ito ng kakaibang sensasyon na ngayon ko lang naramdaman.

Inalis niya ang kamay nito sa aking leeg at nagsalita. "I just came back here because I left my hair pin," sabi niya habang itinaas ang hawak niyang hairpin na may tatak ng Louis Vuitton. Maliit ito at hindi madaling makita.

"I apologize for entering your apartment without permission. You see, my things are like treasures to me, and I simply couldn't bear the thought of losing them." Parang may ibig sabihin ang bawat salitang binibitiwan niya na hindi ko maintindihan.

"Ah, ganun ba. Dapat mas maaga kang pumunta, lalo na't gabi na ngayon at baka mapahamak ka lang sa labas..." Napahinto ako nang makita ko ang ngiti niya. Ngiti na tila hindi normal, isang ngisi na nakakapanindig-balahibo.

Napalunok ako.

Ano yun?

"I have to go," sabi niya, ngumiti ng malapad, na lalo pang nagpalito sa akin.

Lumakad siya patungo sa kama at kinuha mula sa gilid nito ang kanyang itim na sandal, maingat na isinuot sa kanyang mga paa. Bawat kilos niya ay aking binantayan hanggang sa lumakad siya patungo sa pintuan at lumabas. Ngunit bago pa man ito tuluyang magsara, nakita ko ang kakaibang tingin ng babae.

Sinapo ko ang ulo.

"Hindi ko na naman tinanong ang kanyang pangalan!" Mahinang sabi ko sa sarili.

Sino nga ba siya? Ang alam ko lang ay ang kanyang magandang mukha.

Bawat pag-iisip ko sa kanya ay para akong nababaliw, lalo na't naaamoy ko pa ang amoy niya dito sa loob ng apartment ko. Parang ang bawat sulok ay may alaala ng kanyang pagbisita—ang mga hakbang na tumatawid sa kisame, ang kanyang tinig na umiiwan ng bakas sa akin.

Sinister Facades (Complete)Where stories live. Discover now