Chapter 11

84 11 0
                                    

"You shouldn't be here."

Tulala akong naghihintay ng tricycle sa waiting shed. Hindi mawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina-ang sobre, ang ekspresyon ni Officer Brixton, at ang mga salitang binitiwan niya na nagdulot ng kilabot sa aking laman. Desperado kong malaman ang katotohanan, dahil sa bawat minutong lumilipas, pakiramdam ko'y unti-unti akong nababaliw. Ang mga kakaibang sobre na natatanggap ko, puno ng mga salitang malalalim ang kahulugan, ay lalong nagpapalubha ng aking takot. Ngayon, sa dilim, ramdam ko ang titig ng mga pulang mata na nakatuon sa akin, nagmamasid, nagbabantay-animo'y multong nag-aabang ng aking pagkakamali.

Huh?

Ngayon? Tama ba ang nakikita ko?

May babaeng nakatingin sa akin.

Katamtaman ang katawan.

Hindi.

Mahaba.

Mahaba at malapad ito.

Wala siyang suot.

Ang parte nito ay tila nabend sa sobrang haba niya.

Nakatayo sa mismong poste, halos kapantay na nito.

Para akong naparalisado sa kinatatayuan, diretso ang tingin ko sa babaeng nasa di kalayuan. Nakatingin siya sa akin, ang mga mata niya... nagaalab na tila apoy, nagliliyab sa dilim. Ang kaba sa dibdib ko, tila sasabog, bawat pintig ay parang palakol na tumatama sa pader ng aking pag-iisip. Ang katahimikan ng gabi ay biglang napuno ng hindi maipaliwanag na takot, habang unti-unting lumalapit ang anino ng babae, ang mga matang nagbabaga ay tumatagos sa aking buto.

Putangina!

Gumalaw ka, Kyle Snapper! Galaw!

Kahit anong gawin ko, hindi ko maramdaman ang katawan ko na rumeresponde. Para itong katawan ng ibang tao dahil hindi ko ito mapilit na igalaw. Ang bawat hibla ng aking laman ay tila kinadena ng takot, unti-unting nilalamon ng hindi maipaliwanag na pwersa. Ang babaeng nakatayo sa di kalayuan ay nagpatuloy sa kanyang paglapit, sa sobrang haba ng kanyang katawan, pakiramdam ko hihimatayin ako sa kinatatayuan. Sa bawat hakbang niya, ramdam ko ang pagbigat ng aking katawan, ang kawalan ng kontrol-para akong nakabilanggo sa sariling laman at hindi ko ito mabuksan.

Walang katao-tao, pakiramdam ko ang tahimik ng paligid. Ang maingay na usapan sa tabi ng store ay tila naglaho dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang mga ilaw, unti-unting kumukurap, na mas lalong nagpapataas ng balahibo ko. Halos lumamig na ang sarili kong katawan.

Sa hindi kalayuan, may sasakyang paparating. Kulay itim ito at tila mamahaling kotse na mukhang galing pa sa ibang bansa. Sa bawat paglapit nito, nagiging maayos ang pagkurap ng ilaw, tila nabuhayan muli ang streetlights. Ngunit ang babaeng nakatingin sa akin-wala na siya.

Wala na? Nasaan na yon?

Putangina Kyle Snapper, bakit mo pa hinahanap iyon?

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan. Sa isang iglap, naglaho siya na parang bula. Ang kalsada ay muling bumalik sa dati, pero ang takot ay nananatili, tila anino sa aking isipan.

Nakakagalaw na rin ako, na ikinapagtaka ko. Mula sa sasakyan, bumaba ang isang babae na may makatarungang kutis, makinis at walang kamali-mali na balat. Kahit na nasa di kalayuan siya, malinaw kong nakita ang kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay malaki, hugis almendras, may itim na eyeliner at mahabang pilikmata. Makapal ang kanyang kilay, maganda ang hubog, na nagdaragdag sa ekspresyon ng kanyang mukha. Ang kanyang mga labi ay buong-buo, pininturahan ng malalim, mayamang pulang kulay, na nagdaragdag sa kanyang sopistikadong hitsura. Ang kanyang buhok ay mahaba, makapal, at maitim na kayumanggi, naka-istilo sa maluwag na alon na maganda ang frame sa kanyang mukha.

Kung hindi ako nagkakamali, ito ang babaeng inuwi ko noong gabing nalasing siya. Nakasuot siya ngayon ng itim na formal dress, at diretso siyang naglalakad patungo sa istasyon ng mga pulis. Pero teka, ano naman ang gagawin niya doon? Sinundan ko siya ng tingin, hindi man lang niya ako napansin dito sa waiting shed, marahil sa sobrang focus niya sa paglalakad at tila malalalim ang iniisip.

Habang minamasdan ko siya, napapaisip ako kung ano ang koneksyon niya sa mga nangyayari. Ang misteryo ng mga kakaibang sobre at ang hindi maipaliwanag na presensya kanina ay tila nagdudugtong-dugtong sa isang kwento na hindi ko pa lubos na maunawaan. Ang kaba sa dibdib ko ay muling bumabalik, ngunit sa pagkakataong ito, may halong pag-usisa at pangamba.

Pero tama bang pag-isipan ko siya ng ganoon kahit na hindi ko pa siya lubos na kilala? Ang mga mata ko ay nakatuon sa kanyang bawat galaw, ngunit alam kong hindi sapat ang aking kaalaman tungkol sa kanya. Ang gabing iyon, kung saan siya ay nalasing at inuwi ko sa apartment, ay tila isang piraso lamang.

Hindi ko alam, pero napansin ko ang babaeng sumulyap sa akin. Galit na galit ang mga mata niya, hindi ko alam kung sa akin ba, pero parang may tinitingnan pa itong iba mula sa kinaroroonan ko. Pero sino naman? Bukod sa aming dalawa, wala nang iba rito na nakatayo.

Dalawa?

Nakatayo?

Mag-isa ko lamang... paano naging dalawa?

Putangina!

Mabuti na lang at may tricycle na huminto sa harapan. Dali-dali akong pumasok at agad na nag-utos na dumiretso sa ospital kung nasaan si Justine. Gusto ko siyang makita ngayon dahil may pakiramdam akong hindi maganda ang mangyayari. Habang umaandar ang tricycle, hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari kanina.

Mula sa salamin ng tricycle, may nakita ko sa gilid ng waiting shed, nakita ko ang babaeng may pulang mga mata na nakatingin sa akin kanina. Ang malamlam na ilaw ay nagbigay ng mas nakakatakot na anino sa kanyang kinaroroonan. Ang mahaba at malapad niyang katawan ay pilit na pinagkasya sa loob ng kinaroroonan ko kanina.

Para siyang isang bangungot na nagkatawang tao, ang kanyang mga nagliliyab na mata ay tila sumisilip sa aking kaluluwa, naghahanap ng kahinaan. Ang bawat kurap ng ilaw ay tila may kasama pang hindi maipaliwanag na presensya, malamig at mapanganib. Ang kanyang katawan ay nagbabaluktot sa kakaibang paraan, parang isang bagay na hindi dapat umiral sa mundong ito.

Naramdaman ko ang malamig na pawis na dumaloy sa aking noo habang nagpapanic na sabihan ang tricycle driver na bilisan pa nito sa pagmamaneho.

Habang palayo kami ng tricycle, ang imahe niya sa salamin ay patuloy na naglalaro sa isip ko, nag-iiwan ng matinding takot na hindi ko matanggal. Ang kanyang mga mata, ang kanyang anyo-lahat ng iyon ay nagdagdag sa bigat ng aking kaba.

Kailangan ko nang makita si Justine, dahil may kutob akong hindi maganda ang nangyayari sa kanya.

Sinister Facades (Complete)Where stories live. Discover now