Ang buong akala ko ay hindi na niya ako bibisitahin matapos ang gabing magpaalam siya, ngunit ilang araw pa lang ang lumipas nang biglang bumisita siya ulit. Sa tuwing dumadalaw siya, naglalagay na ako ng kakaibang mahika sa buong silid upang tiyakin na walang makahalata na may kasama ang anak ng Hari sa loob ng kanyang kwarto.
"Alam mo, nahulog siya sa apoy! Pero kahit ganoon, buhay pa rin siya!" Masayang masayang sabi niya, at ang bawat halakhak niya ay tila musika sa aking pandinig, nakakapanlambot ng puso.
"Syempre, demonyo siya. Hindi basta-basta mamamatay ng ganun-ganun lang." Sagot ko, sabay tawa. Parang sasabog ang puso ko sa saya na nadarama.
"Tapos alam mo, may mga halimaw na demonyo pala ang nakatago dito sa underworld. Ang galing hindi ba?" kwento niya sa akin, na nag-iwan sa akin ng pagtataka.
Hindi ko maiwasang mapansin ang kababaeng ito. Sa bawat salaysay niya, tila ba't may matagal nang nakatago sa isang selda, malayo sa reyalidad ng mundong ito. Ang bawat kuwento niya ay tila may mabigat na damdamin na hindi ko maipaliwanag.
"That's why I told you there are underground dogs here that might smell you," sabi ko.
Mahina siyang natawa, at pagkatapos ay kinuha ang rosas mula sa lagayan na malapit sa terrace. Pinagmasdan niya ito nang mabuti, at makaraan ang ilang sandali, lumabas ang kakaibang mahika mula sa rosas na iyon, unti-unti itong nagiging puti.
Hindi ko maiwasang mamangha sa kanyang ginawa. Ibinalik niya ang rosas sa pinagmulan at pagkatapos ay hinayaan ang puting rosas na mapalibutan ng mga pulang rosas.
Naramdaman ko ang mabigat na yabag mula sa labas ng aking kwarto, pareho naming nararamdaman ang malapit na presensya. Agad kong nilagyan ng mahika ang babae upang hindi siya makita, maamoy, o maramdaman ng kahit sinong nilalang.
"Your Infernal Majesty wants to see you, Your Infernal prince," sabi niya, nang hindi na kailangang katukin ang pintuan dahil kusa na itong nakikipag-ugnayan sa loob ng aking isip.
"I will just prepare," tugon ko sa kanya.
Nang maramdaman kong ang kanyang presensya ay unti-unti nang lumalayo, napansin kong unti-unti ring kumalas ang mahika na bumabalot sa babae. Hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang mga maamo at mapagmatyag na mga mata.
"Father wants to see me. I'll come back after, okay?"
Tumango siya ng maingat at pagkatapos ay ngumiti ako.
Bago ako lumabas sa kwarto, naglagay ako ng barrier sa paligid upang walang makapasok na ibang demonyo o makaramdam ng presensya ng babae mula sa loob. Sa isang iglap, wala na ako sa malawak na hallway ng mansion; bigla na lang akong napunta sa loob ng dining area. Sa gitna ay naroon ang mahabang lamesa, pinalilibutan ng maraming upuan para sa mga may matataas na rangko. Sa pinaka-dulo ng lamesa ay nakaupo ang pinakataas-taasang rangko sa lahat, ang Hari ng underground world.
"Have a seat," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad at malamig na kalmado.
Umupo ako malapit sa kanya, pinapanood siyang naghihiwa ng kayang kinakain na meat.
"Why did you summon me here?" tanong ko agad, hindi maitago ang kaba sa boses ko.
"Because I have something to discuss with you," sagot ni Dad, diretso at walang paliguy-ligoy.
"What is that?"
"The other clan wants to meet you—"
"Don't tell me it's about marriage?" putol ko, agad na nag-init ang aking pakiramdam.
"Yes," tugon niya, walang pag-aalinlangan.
Napalunok ako nang mariin sa narinig ko. "I refuse," sagot ko agad, hindi inaalis ang matalim kong tingin sa kanya.
"This instant?" tanong niya, tila nagtataka.
"Yes," ulit ko, matatag sa aking desisyon.
Habang sinusubo niya ang pagkain, sumilay ang kakaibang ngisi sa kanyang labi, tila may alam siyang hindi ko pa nahuhulaan. Sinubukan kong pasukin ang kanyang isip pero tila sarado ito sa sobrang lakas ng kanyang kapangyarihan na pumapalibot sa kanya.
"Why is my son refusing such an important proposal from the royals?" tanong ni Dad, may halong pagtataka sa boses.
"Because I simply don't want to," matipid kong tugon.
Napansin ko ang pagkabahala sa kanyang mukha, ngunit hindi siya nagpahalata ng anumang reaksiyon.
Hindi naubos ni Dad ang kanyang kinakain, nang bigla na lamang lumitaw ang dalawang katulong na demonyo sa kanyang magkabilang gilid at maingat na niligpit ang pinagkainan. Nang maglaho sila sa dilim, tumikhim si Dad, kaya't bumalik ako sa aming usapan.
"You're still a kid, yet you're already acting like a stubborn young man," sabi niya, may halong pag-aalala sa tono ng kanyang boses.
"I can make my own decisions, Dad. You can't decide for me," mariing sagot ko, hindi ko pinapayagan ang sarili kong pumayag sa kanyang desisyon.
"Soon enough, Son, you will marry into one of the royal families," dagundong ng malalim niyang boses, na tila naglalaman ng kapangyarihan mula sa kailaliman ng lupa. Halos yumanig ang mahabang lamesa sa sobrang lakas nito.
Bumalik ako sa kwarto na wala na ang babae, ngunit ang matamis na amoy niya ay nanatili sa paligid, kahit na ang mahika ay nakapalibot ay narito parin upang hindi ito maamoy ng sinuman. Tinanggal ko ang aking mga damit na pang-prinsipe at nagbihis ng damit na pang-tulog. Pagkatapos, nahiga sa aking kama at pinabayaan ang bigat ng aking sarili na pumaibabaw sa kama.
Ang katahimikan ay bumalot sa kwarto habang ang mga alaala ng aming usapan kasama ni Dad ay umiikot pa rin sa aking isipan. Unti-unti, ang pagod sa akin ay nagsimula nang umabot, at ang aking mga mata ay nagpapasan ng bigat.
Nagising ako sa mahinhing haplos ng mainit na palad na dumadaloy sa aking pisngi. Paunti-unti, binuksan ko ang mga mata at natagpuan ang kanyang mga matang kulay pula na nakatingin sa akin.
"Good morning, your Infernal prince. How's your sleep?" bati niya ng may kagalakan.
Hindi ko napansin na gumapang ang aking kamay sa kanyang baywang, na maingat na niyakap at idinikit sa akin. Naramdaman ko ang kakaibang init ng kanyang pagkakayakap.
"Better. Now that you are here," tugon ko, habang napapansin ko ang pagpula ng kanyang pisngi.
Sa sandaling iyon, ang amoy ng babae na matamis at ang mainit na kiliti ng kanyang init ay bumabalot sa akin, na nagdudulot ng isang bagong damdamin na tila hindi ko inaasahan sa buhay ko.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romantizm"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...