Hindi ko alam kung gaano katagal siya magigising. Mahirap man paniwalaan, ngunit kahit walang malay, buhay na buhay ang dugo niya kasama ang aming anak na nasa sinapupunan niya.
Maraming hindi makapaniwala sa katotohanang isang katulad niyang demonyo ay isa palang makapangyarihang nilalang sa impiyerno. Ako mismo ay isa sa mga hindi makapaniwala. Gayunpaman, sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako sa biyayang ipinagkaloob ni Qavis kay Eisheth.
Nakatingin ngayon sa akin ang hindi maipaliwanag na tingin ni Dad matapos malaman nito sa kataastaasang batas na demonyo ang tungkol kay Eisheth. Hindi ko alam ngayon kung ano ang kanyang iniisip sa mga sandaling ito. Sinubukan kong pasukin ang kanyang isipan ngunit nanatiling sarado pa rin ito. Matagal niya akong tinitigan habang nakaupo ako sa ibabaw ng kama, at pakiramdam ko tuloy na tumatagos ang kanyang tingin sa aking looban.
Naramdaman ko ang bigat ng katahimikan at ang tensyon sa pagitan namin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ang kanyang mga mata ay nagsasalita ng mga salitang hindi masabi ng kanyang bibig.
"Will the highest honor-"
"I, the King of Hell, have already dismissed the case, Son."
Nagulat ako sa kanyang sinabi ngunit hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.
"Why-"
"Because I have to... I didn't know she's a powerful one-"
"It doesn't mean that she has risen in rank, doesn't mean that you will be based on the rank she has!"
"You love her, El Diego... I can see it in your eyes, how deeply you love her. How you sacrifice anything for her..."
Nanahimik ako sa kanyang sinabi, ang bawat salita nito ay tila napakabigat na tanggapin. Nararamdaman ko ang bigat ng kanyang mga salita, tila't may pinagdadaanan siya na hindi ko matukoy. Ang paglamlam ng kanyang mga mata ay hindi nakaligtas sa akin habang bigla siyang naglakad palapit sa terrace, pinagmasdan ang tanawin roon ng impierno.
Nagsalita siya, "You love her unconditionally, El Diego. Qavis gave you something—a blessing, a power for her. Is that truly what love does to a demon? Willing to do anything for your beloved?"
"Yes. Because that's the real love. You'll do anything to be with someone you care."
"That's why I failed to make your mother mine. I did nothing to make her fall in love with me. All I did was selfishly bear a child with her, solely for the power that I would soon pass on."
"But did you really love my mother?"
"I do love her." Mahinang sagot niya. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hanging dumampi sa akin, bahagya pang nilipad ang kasuotan ni Dad. "But I couldn't show her how much I loved her, so she chose to find someone else because she couldn't bear loving me due to my coldness and selfishness. And there...she found Gregory, a slave demon, father of your friend Justine. Hindi ko akalain na sa mababang uri ang bagsak ng ina mo, that she bear a child with him before marrying me and having a child with. And do you know how I felt after that? Furious. And that's when I realized that love isn't worth it, especially if you're going to fall for a lowly demon. Toxicity began to consume me, realizing that you too were suffocated by my cruelty towards your love for Eisheth. I couldn't bear it, so the only thing I could do was to try to destroy your decisions and manipulate your choices because I couldn't control your Mother. I failed as a husband to your mother, and I've failed as your father too. I am deeply sorry, my son, for I am a ruthless selfish demon ruling over Hell."
Nanahimik ako habang pinapakinggan ang sinabi ni Dad. Ang kanyang mga salita ay puno ng panghihinayang at pag-amin ng mga pagkukulang niya. Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ang ganitong pagpapahayag mula sa kanya.
Nararamdaman ko ang bigat ng kanyang mga sinabi at ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi ito madaling tanggapin para sa kanya, lalo na siya ay isang makapangyarihang demonyo sa kanyang posisyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, naramdaman ko rin ang pagmamahal niya, kahit pa sa kanyang sariling paraan.
Hindi ako agad sumagot. Sa halip, pinagmasdan ko lang siya ng mahabang sandali, nag-iisip kung paano ako magre-respond sa kanyang nararamdaman.
"I loved your mother... Despite my selfishness, I learned something about love, you know... That If you truly love someone, you have to let them go. That's what love is—letting the person you love go for someone who deserves them more than I do... But I can't let her leave us...I can't imagine ruling Hell as king without a Queen by my side, and as the mother of my son. I'm selfish, I admit it... But when your mother chose to leave us, I let her go."
Ramdam ko ang pagpigil nito ng kanyang luha, pero nanatili itong kalmado sa gitna ng kanyang umaalon na pakiramdam. Alam kong ayaw niyang ipakita sa akin ang kahinaan niya, at nanatili paring kinompose ang sarili bilang kung sino siya sa impierno.
Ako naman ay nanatiling tahimik, na konti na lamang ay maiiyak na sa sakit na nararamdaman para sa kanya. Hindi ko inaasahan ang ganitong pag-amin mula sa kanya, isang demonyong mahigpit at matapang. Ngunit ang kanyang mga salita ay nagdulot ng malalim na pagmumuni-muni sa aking puso.
Hinahayaan ko ang katahimikan na nagtagal sa pagitan namin. Maraming bagay ang umiikot sa aking isipan habang nakatingin ako kay Dad, na tila nabibigatan sa kanyang mga sinabi. Ramdam ko ang pagkaantala at pag-aalinlangan sa bawat hakbang ng kanyang mga emosyon.
"Dad..."
"I'm... I'm sorry son, for not letting you decide what's best for you, for always controlling you endlessly."
Napayuko ako, unti-unti pumatak ang mga luha na kanina pa pilit kong pinipigilan. Hindi ko maiwasang madama ang bigat ng kanyang paghingi ng tawad, ngunit sa kabila ng lahat ng sakit at galit sa mga nagdaang pangyayari, nararamdaman ko rin ang pagnanais niyang magbagong-buhay.
"I'm sorry for all those horrible things I did, my son... I hope you can forgive me for everything, but... It's okay if you don't forgive me-"
"Dad... W-what if Mom comes back?"
Biglang putol ko sa kanya, naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan, hindi inaasahan ang aking tanong. Ang pagtatanong ko ay hindi lamang para sa akin kundi para rin sa kanya, sa pag-asa ng isang bagong pagkakataon na muling maging buo ang aming pamilya.
"She'll never come back to us-"
"Then why did she visit me while I was drunk in Noel's unit before Eisheth talked to me?"
"What..."
"She visit me... Dad. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita, I saw her, but not her face, but I can feel it, that's her."
"It can't be..." Mahina siyang natawa, pero ramdam ko ang pait roon. "Perhaps she wanted to see her son after all. But that doesn't mean she'll come back after choosing that demon."
"I don't know." Tanging sabi ko pagkatapos pinunasan ang luhang dumaloy sa aking pisngi.
Nanatiling tahimik ang aming pag-uusap, habang naiintindihan namin ang bigat ng bawat salita na aming pinagsasabi.
Tumikhim ako at nagsalita, "When will Eisheth wake up?"
"I don't know, it could take days, or maybe even years, Son." Mahinang sagot nito, at ramdam ko ang bigat ng bawat salita na binitiwan niya. Sa bawat saglit na lumipas, parang may dagok ng pag-aalinlangan at pangungulila na humahapdi sa aking puso.
"It takes long for her to transform," sabi niya. "She's powerful, and the one wrapped around her is formidable. It will take more time for her body to gain the power she deserves."
Naiintindihan ko ang bigat ng kanyang sinabi, na nagpapahiwatig ng pag-asa pero kasabay nito ay ang matinding pagtitiis.
"But once she wakes up... she may not recognize you. I hope you are prepared for that, Son," sabay sa kanyang pagsabi. Dumaloy sa aking loob ang isang malalim na damdamin na hindi ko maipaliwanag. Ang ideya na baka hindi niya ako makilala kapag siya ay magising ay tila nagdudulot ng matinding kirot sa aking puso. Ngunit sa kabila ng lahat, ipinangako ko sa kanya na hindi ko siya iiwan at magiging kasama siya sa paghahari ko sa impiyerno.
Pakiramdam ko, ngayon ako naman ang magtitiis na wala siyang maalala, tulad ng naranasan ko noong nawala ang aking alaala sa mundo ng mga tao. Sa bawat saglit ng pagtitiis na ito, pilit kong pinapalakas ang loob ko, handa na harapin ang anumang hamon na magdadala sa amin.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...