Chapter 28

31 2 0
                                    

"I'm sorry, Kyle..."

Tulala ako habang iniisip ang buong nangyari. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan ang bagsak ko.

"We want to help you earlier, but we can't. He's the king of all, we can't underestimate the king of hell."

Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Qavis, habang pinipilit nitong makipag-ugnayan sa isip ko na kausapin siya. Hindi ko ito pinapasok sa isip ko, bagkus sinaraduhan ko ito nang mariin.

"I know it's too late to reveal our true intentions, that we cunningly disguised ourselves to approach you, but rest assured, we harbor no ill will towards you. It is your Infernal Majesty; your father alone who harbors nefarious intentions—to dismantle your relationship."

Bumilog ang kamao ko sa galit na nararamdamang nananalatay sa dugo ko. Ang bawat salita niya ay nagpapalalim sa sakit ng ulo ko.

"If only you had told me your purpose for confronting me in my human form, none of this would have happened, you know."

"Kyle-"

"You know, I hope this isn't true, because I don't want to live as a demon of the abyss. Do you understand what preventing the love I want to achieve has done to me? You have no idea!"

"I understand, Kyle. I know the feeling. Because once I also fell in love."

Natahimik ako sa kanyang sinabi, napagtanto ko na hindi ako nag-iisa sa aking nararamdaman. Habang pinakikinggan ko siya, bumabalik ang mga alaala ng pag-ibig na minsang bumalot sa aking puso.

"You probably understand the feeling of falling in love and then suddenly losing it due to separation, right?" Hindi ako kumibo, nanatili akong nakatingin sa kawalan habang siya ay nakatayo sa labas ng selda na kinaroroonan ko. "The pain of losing a boyfriend, Kyle, is like an incessant weight pressing down on you, every breath a reminder of what's been lost."

Bigla ko tuloy naalala si Chantriel, ang pagmamahalan naming dalawa sa loob ng ilang taon. Naalala ko ang mga masasayang sandali na magkasama kami, ang mga tamis at pait ng aming pinagdaanan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko ang kanyang mga ngiti, ang kanyang mga yakap na nagbigay sa akin ng lakas at ligaya.

"Remember the night I got drunk? That was the night I couldn't hold back my emotions anymore."

"But we're different. While you have the freedom to love, I am bound by constraints I cannot escape."

"You make your own destiny, Kyle," singit ni Qavis. "Your Dad is only guiding you on the right path to marry an equal—"

"He's the one who wants me to marry an equal, Qavis, not me!"

"Kyle..."

Nagpatuloy ako, tumataas ang boses ko sa frustration. "He's the one behind all of this. Where is my freedom, Qavis? Nowhere! He left me with none! Since I was young, he taught me to kill demon animals in this abyss, he also taught me to kill souls!"

Natigilan ako, naramdaman ko ang bigat ng mga sinabi ko.

"Your father has a reason for everything he does, Kyle."

"There is a reason, and it is to correct my path. I forge my own destiny, Qavis; I won't allow him to dictate it. Don't compare my love to yours, Qavis, for our paths are different."

Natahimik na siya sa sinabi ko, walang maisagot. Napansin ko na lamang sa gilid ng aking mata ang pagpunas niya sa kanyang pisngi, marahil upang punasan ang luha na nagpapahiwatig ng kanyang nararamdaman.

"Please leave," ang utos ko, sa ngayong sandaling ito ay gusto kong mapag-isa, at hanapin ang aking sarili sa kabila ng mga alalahanin na bumabalot sa akin.

"Kyle..."

"Leave," mariin kong sinabi, at doon nagkasalubong ang aming mga mata, nakita kong namumula ang gilid ng kanyang mata.

Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya habang tinitigan ko siya, kaya't sinubukan kong ilabas ang aking kapangyarihan, ngunit bigo ako nang pigilan ako ng selda na ilabas ang aking anyo at kapangyarihan. Napaluhod ako habang nararamdaman ang kakaibang init na kumakalat sa buong katawan, parang kuryente na dumadaloy sa akin.

"Please, Kyle... I have a feeling that something will happen... But for now, you have to lay low and follow your Infernal Majesty, your father."

Nang mawala sa paningin ko si Qavis, napahiga na ako sa sahig habang binabalot ng sakit ang buong katawan. Hindi ko maiwasang labanan ang nararamdaman, ngunit tila lumalalim pa ang sakit sa aking loob. Sa bawat sigaw at galaw, nadarama ko ang paghihina ng aking katawan. Ang tanging kalma na makakapagdulot sa akin ng kapanatagan ay si Eisheth, ngunit sa kasalukuyan, tila pinaghiwalay kami ni Dad. Ang pag-asang makasama siya ay tila malabo ngayon, at ito ang isang katotohanang mahirap tanggapin.

Nang sumubok akong tumayo, bigo ako at agad na nahiga sa sahig, mariin na iniinda ang sakit. Nang maubos ang enerhiya, unti-unti ring tumigil ang pananakit sa aking katawan, at napalitan ito ng matinding pagkapagod.

Naramdaman kong bumibigat ang talukap ng mata ko, na anumang oras ay mawawalan ako ng malay. Ngunit bago ako mahulog sa kadiliman, sinambit ko ang pangalan ni Eisheth, inaasahang darating siya upang yakapin ako at ilayo sa kailaliman na ito.

"Eisheth..."

Nagising na lamang ako sa gitna ng kadiliman na puno ng maiitim na rosas, ramdam ang presensya ng isang demonyo sa paligid na tila pilit nakikipag-ugnayan sa akin habang wala akong malay sa aking sarili. Sa gitna ng dilim, naririnig ko ang mumunting tawag sa aking pangalan, hanggang sa lumalakas ito at nagiging malinaw sa aking pandinig.

"El Diego!"

Nang mabosesan ko kung sino ito, agad akong naglakad upang hanapin ang boses na iyon kung saan ito nanggagaling. Hindi ako pwedeng magkamali, si Eisheth ito.

"Eisheth!"

"El Diego!"

Nang biglang tawagin ako ni Eisheth sa aking pangalan, parang umigting ang lahat sa paligid ko. Ramdam ko ang kanyang boses na tumagos sa kadiliman, nagdala ng init at liwanag sa aking puso at isipan. Hindi ko napansin ang sakit o pagod bago ako mawalan ng malay sa loob ng selda, dahil ang kanyang boses ay parang ilaw na nagbigay sa akin ng lakas.

"Eisheth!" sagot ko, puno ng galak at pag-asa, habang pilit na hinahanap ang presensya nito sa gitna ng kadiliman na puno ng itim na rosas.

Nasaan ba siya?

Sinubukan ko pang maglakad, halos tumakbo na ako dahil kung saan saan na sumusulpot ang boses nito na halos malito na ako kung saan ako pupunta.

"El Diego..."

Napahinto ako sa paglalakad, nakaramdam ako ng kakaibang damdamin ng pagmamahal at kaligayahan nang makita at maramdaman ang presensya ni Eisheth sa aking likuran. Hindi ko inaasahan na nandito siya kasama ako, kaya't agad ko siyang niyakap. Ramdam ko ang pagmamahal at pangungulila na matagal ko nang nararamdaman para sa kanya, at sa kanyang yakap, tila nawala ang lahat ng sakit at pagod na aking nararanasan.

"Eisheth..." bulong ko sa kanyang tainga, puno ng pag-asa at pagmamahal.

Nararamdaman ko rin ang kanyang mga luha, patunay ng kanyang pag-asa at kasiyahan na kami ay magkasama muli.

"P-paanong nandito ka-"

"H-hindi ko alam, n-nasa loob ako ng selda El Diego, nawalan ako ng malay at napunta dito-"

"Hindi na mahalaga, ang mahalaga ay nandito ka."

Hinalikan ko ang noo niya bilang pagbati sa kanya at iparamdam ang dating ginagawa ko sa tuwing nagkikita kami. Dahil sa aking ginawa, naramdaman ko itong ngumiti sa gitna ng aming pagsasama.

"Kailangan nating umalis sa mundong ito." Determinado kong sinabi kay Eisheth, subalit napansin kong nagkaroon ng lungkot sa kanyang mga mata habang tinitingnan niya ako.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko, at naramdaman ko ang bigat ng kanyang damdamin.

Umiling siya, at nadama ko ang bigat ng kanyang nararamdaman. "El Diego... May kailangan kang malaman..."

Biglang sumama ang pakiramdam ko sa kanyang sinabi, ngunit pinilit kong maging matatag sa harap niya at inihanda ang sarili sa mga sasabihin niya.

Sinister Facades (Complete)Where stories live. Discover now