Pakiramdam ko para akong nakawala sa makapal na babasaging selda, na ngayon ay unti-unti nang nabibitak dahil sa mga ala-alang nagbabalik sa akin. Maging ang dating pakiramdam na kasama ko si Eisheth ay bumabalik rin. Mahigit ilang taon na ang nakalipas, pero bakit ngayon lang nagbalik ang mga ala-alang ito?
Dahil ba sa kahinaan na ang nakabalot sa akin na kapangyarihan ni Dad? Hindi ko alam. Malakas si Dad at walang sinuman ang makakapagsira ng kanyang kapangyarihang ibinalot sa akin. Ngunit bakit ganito na ngayon? Tila nawawalan ng saysay ang binigay niyang kapangyarihan, kaya't bumabalik sa akin ang mga ala-alang nabura.
Nakatitig ako sa aking mga kamay, ang mga alaala at damdamin ay bumabalot sa akin nang parang apoy. Ang pakiramdam ng pagiging kasama si Eisheth, ang init ng kanyang pagmamahal, lahat ng iyon ay tila muling sumisibol sa aking kamalayan. Ang lahat ng mga sandaling iyon na parang kahapon lamang nangyari, ngayon ay nagiging malinaw na muli sa aking isipan.
Ito ba ang dahilan ng pagbabalik sa tunay na ako? Ang pagmamahal ko kay Eisheth at ang aking determinasyon na makasama siya muli, ito ba ang nagbibigay sa akin ng lakas upang labanan ang kapangyarihan ni Dad?
Sa bawat sandali, ang mga bitak sa selda ng aking isipan ay tila lumalawak, at ang tunay na ako ay muling bumabalik. Sa pagkakataong ito, wala nang makakapigil sa akin na mahanap si Eisheth at ipaglaban ulit ang aming pagmamahalan.
"K-Kyle, Eisheth manipulates everything, yet here you are, cl-claiming her as if she hasn't cast a s-s-spell on you."
"Kyle, this isn't you. You need to change your mind!"
"Enough!"
Sumiklab ang galit ko sa kanilang mga sinabi. Mas lalong naninikip ang dibdib ko sa bawat hadlang na ibinibigay nila sa akin. Bakit ba hindi ako maintindihan ng mga demonyong nasa paligid ko? Hindi ko gustong maging anak ng isang hari ng demonyo sa kailaliman dahil ayoko ang batas na binubuo o ginagawa nila pagdating sa paghahanap ng mate o kung sino ang karapat-dapat.
"You don't understand," sabi ko, ang boses ko ay umaalingawngaw sa silid na tila may halong apoy at bagyo. "I love Eisheth with all my darkest soul."
Ang kanilang mga mukha ay nakaramdam ng takot at kaba, ngunit hindi ko pinansin. Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay ang pag-ibig ko kay Eisheth at ang katotohanang siya ang aking mate. Hindi ito gawa ng anuman, kundi ang matinding koneksyon at pagmamahal na nararamdaman ko sa bawat sandali na kasama ko siya.
"Hindi niyo ba naiintindihan?" patuloy ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ko gustong maging anak ng isang hari ng demonyo. Hindi ko nais ang mga batas na humahadlang sa tunay na pag-ibig. All I want is the freedom to choose who'll be my mate, my lover, my life. And that was Eisheth."
Sa bawat salita, nararamdaman ko ang aking lakas na lumalakas, ang apoy sa aking loob na lumalalim. Ang mga mata ko ay nagliliyab, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, naroon ang hindi matitinag na pag-ibig ko kay Eisheth.
"Hindi niyo ako mapipigilan," dagdag ko, ang boses ko ay puno ng resolusyon. "I will fight for our love, no matter what. You can't change the fact that we are meant for each other. And you can't stop my heart."
"Kyle..."
Unti-unting sinasakop ng paligid ang kadiliman, na para bang napupunta na kami sa ibang dimensyon. Sa bawat sandali, unti-unting lumalabas ang mga apoy sa paligid, at ang mainit na pakiramdam ay kay sarap langhapin, nagbibigay ng kakaibang lakas sa akin.
Nananatiling nakaluhod si Qavis at Noel sa aking harapan, habang ako naman ay nagsimulang tumayo. Dinamdam ko ang kakaibang lakas na nananalatay sa aking mga ugat. Unti-unti nang nagbabago ang aking wangis, at sa mga sandaling ito, nararamdaman ko ang kapangyarihan na kayang durugin ang kahit sinong humadlang sa aking kagustuhang makamit.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...