Nagising ako na mabilis ang pagtibok ng dibdib, sapo ang aking puso na tila gusto nang kumawala. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid at napagtanto kong nasa loob pa rin ako ng selda. Bahagya kong napansin ang nagkalat na mga talulot ng pulang rosas sa sahig. Pinulot ko ang isa, at sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng matinding pangamba. Parang may darating na hindi ko alam kung magkakatotoo ba ito o hindi.
Sinubukan kong ilabas ang kapangyarihan, ngunit sa tuwing tinatahak ko ang landas na iyon, bigo ako. Ang kapangyarihan at ang aking anyo ay patuloy na pinipigilan ng mga pader ng seldang ito. Ang bawat pagsubok ay nauuwi sa pagkadismaya, ang bawat galaw ay walang silbi laban sa mga limitasyong ipinataw sa akin.
Pilit kong inalala ang mga pangyayari bago ako dinala sa selda. Ang alaala ng halik kay Eisheth, ang mga talulot ng rosas, ang kanyang mga mata na puno ng pag-ibig at pagsisisi—lahat ng iyon ay naghalo-halo sa aking isipan. Bakit may mga talulot dito? Anong ibig sabihin nito?
Habang pilit kong sinasagot ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan, naramdaman ko ang bigat ng takot at pangamba. Parang may banta na paparating, ngunit hindi ko alam kung ano iyon o paano ko ito haharapin. Ang aking mga kamay ay nanginginig, at ang puso ko'y lalo pang bumilis ang pagtibok.
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Kailangan kong mag-isip ng paraan upang makawala rito. Hindi ko maaaring hayaang ang takot at pangamba ang maghari sa akin.
Habang nasa gitna ng aking pag-iisip, narinig ko ang mga yabag sa labas ng selda. Ang tunog ng mga hakbang ay nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa at takot.
"I'm glad you've come back to your senses, El Diego."
Sa isang iglap, nasa harapan ko na si Dad, nakatitig sa akin ng may mga mata na kulay-pula.
"How were your moments with her? Did she bring you the solace you sought?"
Mabilis akong tumayo at kinalampag ang selda habang mariin kong tinatanong, "Where is she? Where's Eisheth?!"
Nanginginig ang mga kamay ko sa galit at pangamba. Ang pagsulpot ni Dad sa harap ko ay nagdulot ng kakaibang pagkabahala. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang aking mga sandali kasama si Eisheth, at ang kanyang mga tanong ay nagpapalakas lamang ng aking pangangamba para sa kanya.
Nakatitig si Dad sa akin, hindi nagbibigay ng malinaw na sagot. Ang kanyang katahimikan ay nagpapalala sa aking pagkabalisa. Bawat sandali na lumilipas ay parang oras na nag-iiwan sa amin ng malalim na pagtataka at takot.
"El Diego," sabi ni Dad sa mahinahon, ngunit mariing tinig, "Eisheth is no longer here. She's been taken away."
Ang balita ay parang saksak sa puso ko. Ang pagkawala ni Eisheth ay tila nagdulot ng napakalaking kawalan sa aking buhay.
"Taken away? By whom? Why?" ang mga tanong ay sumulpot sa aking bibig, ngunit sa kabila ng lahat, alam ko na ang mga sagot ay maaaring hindi ko kayang tanggapin.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang pagkawala ni Eisheth. Ang pagsasama namin ay puno ng sakripisyo at pag-ibig, at ngayon ay bigla na lamang siyang nawala. Ang kanyang mga halik, ang kanyang mga ngiti, ang kanyang mga pangako—lahat ng iyon ay biglang nawala sa akin.
Nanatili akong nakatayo sa harap ni Dad, puno ng pagnanasa na malaman ang katotohanan ngunit puno rin ng pangamba sa kung ano ang maaaring maging kasunod.
"Speak to your father with respect. Show proper regard for who you are addressing,"
Ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatingin sa akin.
"Respect? You didn't even respect my decision!" mariing kong sabi, puno ng galit at sakit sa boses ko.
"Enough, El Diego."
Hindi ko napigilan ang aking galit. "You kept her away from me! She's the one who understands me, who loves me despite everything!"
Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay, tila ba sinusubukan akong patahanin. "Son, Eisheth's presence poses a danger. I had to protect you."
"Protect me from what? Low-class demon?" sigaw ko, ang aking mga kamay ay nananatiling nasa selda sa harap niya, walang balak bumitaw. "I want to see her. Now!"
"I can't allow that right now, son. But trust me, I am doing this to protect you."
"You're not protecting me. You're keeping me away from the woman who truly loves me!"
Sa isang iglap, sumabog ang mainit na pakiramdam sa loob ko na halos hindi ko na ito makontrol. Nasira ang seldang kinaroroonan ko at napalibutan ako ng matinding madilim na aura na ngayon ko lamang naramdaman sa buong buhay ko. Ang galit at sakit sa loob ko ay parang naglalagablab na apoy na handang lumikha ng anumang pinsala.
Nakita ko ang pagatras ni Dad sa akin, ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Agad ko siyang sinugod, lumapit ako sa kanya ng mabilis at walang takot. Subalit sa isang kisapmata, biglang naglaho si Dad sa harapan ko at agad na lumitaw sa likuran ko.
Tumangkang sakupin ni Dad ako ng kanyang kapangyarihan upang pigilin ako sa aking balak, ngunit hindi siya nagtagumpay. Sa halip, agad kong inulanan siya ng apoy mula sa aking mga kamay. Ang apoy ay sumiklab nang malakas, sumasalamin sa galit at pagnanasa kong magkaroon ng kalayaan at pagkakataon na makasama si Eisheth.
Nakita ko ang pagkabahala sa mga mata ni Dad habang lumilipad siya pabalik sa akin, ang kanyang mga hakbang ay tila may dalang pag-aalala at pangamba. Ngunit hindi ako nagpadaig, ang aking determinasyon at pagnanasa ay lalong tumindi.
Habang sumasabay ang aming mga kapangyarihan, naramdaman ko ang labanan sa pagitan ng aming mga puwersa. Ang aking galit ay naglalagablab, at ang kanyang pag-aalala ay bumabalot sa amin ng tensyon. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko magawang bitawan ang aking hangarin na makita si Eisheth at ang makapiling ito habang buhay.
"Stop, El Diego!" Mariing banta sa akin ni Dad, ngunit hindi ako nagpatinag.
Naramdaman ko ang biglaang paglabas ng malaking sungay sa aking ulo, at halos mapasigaw ako sa sakit na sobrang naramdaman. Pakiramdam ko parang mapupunit ang aking ulo sa nagiging anyo ko ngayon.
Sa kabila ng sakit, napansin ko na nasa labas na kami ng selda. Doon ko napagtanto ang paglabas ng kulay-pulang bilog na buwan sa gitna ng madilim na kalangitan. Pakiramdam ko ito ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
Ang paglabas ng sungay at ang pagpapakita ng bilog na buwan ay malamang na may kaugnayan sa kapangyarihan o pagkakakilanlan ko bilang isang nilalang. Maaaring ito ang simbolo ng paglalabas ng aking tunay na anyo o kapangyarihan na nagiging aktibo sa oras na ito ng labanan.
Unti-unti nang nawawalan ako ng kontrol sa sarili. Pakiramdam ko ay may mabigat na puwersa na pilit na kumokontrol sa akin, ang aking paningin ay unti-unti nang nanlalabo, para bang kinakain na ako ng sarili kong katinuan. Ang huling bagay na aking nakita ay ang wangis ni Dad, na nag-iba upang mapantayan ako, ngunit hindi ako pwedeng magkamali. Nakita kong kumislap ang takot na mukha niya sa ilalim ng pulang buwan.
Sa kabila ng aking pagkalito at pagkawala ng kontrol, nahuli ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Kahit sa gitna ng aming labanan, naroon pa rin ang pagmamahal at pangangalaga niya sa akin.
Gusto kong pigilan ang sarili mula sa paglubog sa kadiliman. Hindi ko hahayaang mapasama sa mga puwersang hindi ko kayang kontrolin. Subalit sa bawat sandali, lumalakas ang puwersa na bumabalot sa akin, ang aking katawan at isipan ay labis na naghihirap.
Ang pulang buwan na kumikislap sa langit ay tila nagsisilbing paalala ng aking tunay na pagkakakilanlan at kapangyarihan. Hindi ko pa ganap na nauunawaan kung ano ang kahulugan nito, ngunit tila ba ito ang nagbigay sa akin ng lakas at puwersa na hindi ko akalaing makukuha ko.
Alam kong higit pa sa kapangyarihan ni Dad ang nararamdaman ko ngayon, pero bakit ganoon ang takot ni Dad sa akin?
![](https://img.wattpad.com/cover/269808336-288-k266571.jpg)
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...