Chapter 8

93 18 2
                                    

BIYERNES. Araw ng kasal nina Chantriel at Gioden. Gusto ko mang pumunta, nagtatalo ang isip at puso ko sa desisyon ko. Hindi ito ang ikinababahala ko ngayon, kundi ang sitwasyon ng kasintahan ni Justine. Nandito kami ngayon ni Justine sa loob ng bar na aming pinagtatrabahuhan. Nakaupo siya sa counter, mukhang malalim ang iniisip, habang ako naman ay nag-aalala sa mga maaaring mangyari.

Alam kong masakit para kay Justine ang mawalan ng kasintahan, pero hindi ko inasahang ganito kabilis ang mga pangyayari. Ilang araw nang nawawala ang kanyang kasintahan, at masakit isipin na ganoon na lamang ang sinapit niya. Hindi ko inaasahan ang matutuklasan ni Justine tungkol sa kasintahan—na ito’y wala na pala.

Pinipilit kong intindihin ang nararamdaman niya habang iniisip ang sariling kalungkutan. Gusto kong bumawi, ngunit mas lalong tumitindi ang bigat ng sitwasyon.

"Pare," tawag ko sa kanya, pero hindi siya umimik.

Alam kong sa sandaling ito, nalaman na ng mga magulang ni Ruth ang nangyari sa kanya.

"Condole-"

"Kyle," Umayos sa pagkakaupo si Justine at saka pinunasan ang kanyang mukha gamit ang palad nito. "Kailangan kong malaman kung sino ang pumatay kay Ruth." Bagaman seryoso, nakita ko ang pagkislap ng galit sa kanyang mga mata na puno ng hinanakit.

"Pero paano? Kung maging pulis ay wala man lang pumunta dit-"

"Ayun na nga ang isa pang problema!" Mahina siyang natawa na tila nababaliw. "Ilang beses akong pabalik-balik sa presinto, pero wala akong nakukuhang lead sa mga nangyayari! Alam kong hindi lang si Ruth ang namatay, marami din-" tumigil siya sandali at umiling. "W-wala na akong pag-asa..." Mahinang bulong nito sa sarili. Ang kaninang galit niya ay napalitan ng halo-halong emosyon.

"Mahahanap mo din ang pumatay sa kanya," sabi ko, pilit pinapakalma ang kanyang damdamin. "Hindi ka dapat sumuko. Maraming paraan para malaman natin ang katotohanan."

Tumingin siya sa akin, puno ng pag-asa at pagdududa. "Sana nga, Kyle. Sana nga."

"Ilabas mo ang anak ko, hayop ka!" Nakarinig kami ng sigaw mula sa labas ng bar na ikinagulat ko. Napatingin ako kay Justine, na nakayuko at tila wala sa sarili.

Binuksan ko ang pintuan ng bar at nakita ko sa labas ang isang lalaking may edad na, pilit siyang inilalayo ng dalawang babae na pumipigil sa kanya. Galit na galit ang lalaki, habang ang dalawang babae naman ay namumula ang mga mata at tila kagagaling lamang sa pag-iyak.

"Hayop ka! Lumabas ka dyan!" Sigaw ng lalaki. Nilapitan ko ito agad at sinubukang patahanin sa kanyang nagbubugsong galit.

"Nasaan siya?!" tanong niya sa akin habang hinawakan ako sa kuwelyo. Naamoy ko pa ang nakakahilong alak sa kanyang hininga. "Nasaan ang demonyong nagtago sa anak ko?" Nagulat ako sa kanyang sinabi. Nagtataka man, pinilit kong patahanin ang lalaki.

"Sir, kalma lang po. Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo," sabi ko, pilit na pinapakalma ang kanyang damdamin. "Baka po may pagkakamali."

"Pagkakamali? Wala akong pagkakamali!" sagot niya, nanginginig sa galit. "Alam kong nandito siya! Ilabas niyo ang anak ko!"

Naisip ko ang kasalukuyang sitwasyon ni Justine at naisip kong baka may kinalaman ito sa pagkawala ni Ruth. "Sir, pumasok po muna tayo sa loob ng bar. Pag-usapan natin ito nang maayos," alok ko sa kanya, umaasang maayos namin ang gusot.

Pero ganoon na lamang ang panlalaki ng aking bilugang mga mata nang may nagsalita sa likuran ko.

"Wala siya rito..." Mahina man, sapat na iyon para marinig ng galit na galit na lalaki. Kumawala ito sa akin at pabagsak akong binitawan sa lupa. Halos maputulan ako ng hininga sa lakas ng kanyang puwersa.

Sinister Facades (Complete)Where stories live. Discover now