NAKALIPAS ang isang linggo, pinadalhan ako ni Chantriel ng wedding invitation para sa nalalapit na kasal nila sa Biyernes. Laking gulat ko nang puntahan niya ako dito sa apartment kung saan ako nakatira. Pilit na nakangiti siya habang nakatingin sa hawak niyang invitation.
"Kyle..." bumuka ang bibig niya, pilit hinahanap ang tamang salita pero agad ding itinikom nang walang masabi. Iniabot niya lamang sa akin ang invitation, na sinundan ko ng tingin.
"Chantriel," tawag ko sa kanya, dahilan upang mapatingin siya sa aking mga mata. Namumula ang kanyang mga mata, waring kagagaling lamang sa pag-iyak. Gusto ko siyang hawakan, yakapin kahit sandali, pero sinasabi ng isip ko na pabayaan ko na siya.
"Para sa akin?" tanong ko habang kinukuha ang hawak niya. Bahagyang naramdaman ko ang init ng kanyang balat, ngunit hindi na ito nagbigay ng buhay na pakiramdam, kundi ng matinding kalungkutan.
"Kyle," hindi na napigilan ni Chantriel ang kanyang damdamin at mahigpit niya akong niyakap, mahinang napahikbi sa aking dibdib. Hindi ko siya niyakap pabalik; alam kong kung ginawa ko iyon, para ko nang pinagtaksilan ang aking isip.
"H-hindi ko kaya... Ayokong ikasal sa ibang tao na hindi ko naman nakasama sa pangarap na bumuo," bawat salita niya ay parang punyal na bumabaon sa akin.
"Wala tayong magagawa, Chantriel. Kailangan mong tanggapin ito para sa pamilya mo..." Mahina, halos bulong na lamang ang aking sagot.
"H-hindi ko kaya," umiiling siya, mas lalo pang humihigpit ang kanyang yakap sa akin.
"You can..." sabi ko, "Makakabuo rin kayo ng mga pangarap niyo, kagaya ng pamilya... You'll finally achieve our dreams, having a family, but with someone who's not me..." dagdag ko pa.
Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa labas, at sa tingin ko iyon ang sasakyan ni Chantriel. Unti-unti kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang mga luhang kanyang inilabas. Hindi ko alam pero kusa kong dinampi ang palad ko sa kanyang pisngi upang pawiin ang mga luha at inayos ang kanyang buhok, ipinipin sa likod ng kanyang tainga.
"You need to go," mahina kong sabi.
Nakita ko ang pag-ayos niya ng sarili at saka nagsalita. Ngumiti siya, ang ngiting matagal ko nang nasisilayan, at halos tumibok ng mabilis ang puso ko sa mga sandaling iyon.
"Though our time together was brief, it left a lasting mark on my heart. Each moment with you is now a cherished memory, filled with both love and sadness. Thank you for those fleeting but unforgettable moments we shared. I love you, Kyle..." Bahagya siyang natawa, pilit itinatago ang sakit sa kanyang mga mata.
"Wishing you a lifetime of love and happiness," huling sambit ko bago siya tuluyang maglaho sa aking paningin.
A man doesn't cry, pero heto ako at naiiyak na. Ang mga alaala ng aming pinagsamahan ay parang mga damdaming hindi ko kayang ilibing. Ang bawat ngiti, yakap, at halakhak ay naging bahagi ng isang kwentong natapos.
Habang lumalayo siya, ramdam ko ang bigat sa aking puso. Hindi ko na napigilan ang mga luha. Sa bawat patak nito, para bang nililinis ang sugat ng pag-ibig. Ang bawat hikbi ay nagsasalaysay ng isang kasaysayan ng pag-ibig na nagwakas.
Sa sandaling iyon, alam kong kailangang magpatuloy, ngunit ang sakit ng pagkawala ay nananatili. At kahit alam kong hindi na kami magkasama, ang pag-ibig na iniwan niya ay patuloy na mananatili sa aking puso, isang pag-ibig na hinding-hindi ko malilimutan.
Inayos ko ang sarili, sinara ang pintuan. Napatingin ako sa hawak na wedding invitation. Nakasulat roon ang pangalan nilang dalawa.
CHANTRIEL & GIODEN
Habang tinititigan ko ang mga pangalang iyon, ramdam ko ang pagbigat ng aking dibdib. Parang hinuhugot ang lahat ng natitira kong lakas.
Nang mga sandaling iyon, naisip ko ang lahat ng pangarap na binuo namin ni Chantriel, ang mga pangarap na hindi na matutupad.
Babagsak na kasi ang negosyo nila Chantriel, at ang kaibigan ng kanyang ama lamang ang makakapagligtas sa kanila. Subalit, nagkaroon ng kondisyon kaya ganoon na lamang nang sabihin sakin ni Chantriel na makikipaghiwalay na siya dahil sa kasunduang ginawa. Wala naman akong magagawa. Gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang ipaglaban sa harap ng kanyang magulang, na hindi pwedeng ikasal si Chantriel sa iba dahil may mahal na ito.
Pero hindi ko nagawa. Nagpakaduwag ako.
Pilit kong itinatatak sa isip na wala na akong magagawa para baguhin ang sitwasyon.
Sa mga sandaling iyon, habang tinititigan ang wedding invitation, naramdaman ko ang sakit ng pagkawala at ang pagdurusa ng isang pag-ibig na isinakripisyo para sa kapakanan ng iba.
Pinili kong ikasal siya sa iba dahil iyon ang mas makakabuti para sa kanya at sa kanyang pamilya. Kung wala silang pagkakakitaan, malulugi sila at walang mapagkukunan ng pera si Chantriel para sa pangarap niyang makapagtapos. Wala akong nagawa dahil isa lamang akong lalaki na wala pang nararating at wala pang kakayahang bumuhay ng kasintahan. Sana masaya siya kahit wala na ako sa kanyang piling.
Habang pinipilit kong tanggapin ang realidad na ito, alam kong ang desisyon ko ay para sa kanyang kapakanan. Masakit man sa akin, ito ang tamang gawin. Ang pag-ibig ko kay Chantriel ay nag-udyok sa akin na magsakripisyo, kahit pa nangangahulugang mawawala siya sa buhay ko.
At kahit wala na ako sa kanyang tabi, mananatili siyang mahalaga sa aking puso.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...