I NEED ANSWERS.
Paggising ko sa umaga, ramdam ko agad ang kakaibang hapdi sa aking likuran. Kahit paika-ika akong naglalakad palabas ng kwarto, pinilit kong hanapin si Qavis sa loob ng unit ni Noel. Halos matumba na ako sa sobrang panghihina. Ano bang nangyayari sa akin?
"Kyle, ayos ka lang?" Biglang sumulpot si Noel mula sa likod ko, at halos hindi ko siya napansin. Tila may kung anong misteryo sa paligid. Pero hindi siya ang dapat kong atupagin ngayon, kundi si Qavis.
Bakit ba ako naghahanap ng tao sa kalagitnaan ng hapdi at panghihina?
Pero kailangan ko ng sagot.
Ilang araw na akong nawawalan ng katinuan. Pakiramdam ko mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa paligid.
"Qavis!" sigaw ko, halos magasgas ang boses ko sa sobrang lakas. Hindi nagtagal, lumabas si Qavis. Nagulat ako nang bigla siyang magpakita sa aking harapan.
Wala siyang reaksyon na ipinakita, nakatingin lamang ito sa akin habang taas-noo. Parang may pinaplano siya, isang bagay na hindi ko pa lubos na maintindihan.
"P-paano..."
"You're desperate, aren't you?" Ang boses niya, tila nanguuyam, ngunit may kakaibang timbre na nagdudulot ng kilabot. May mga misteryong nakatago sa kanyang mga salita, at iyon ang gusto kong malaman mula sa kanya.
"You should never question what you witness, Kyle. Some truths are better left undisturbed."
"Q-Qavis," narinig kong kinakabahang sambit ni Noel sa aking tabi. Nilingon ko siya kahit na may masakit akong iniinda. Bakit ba ang hapdi ng likuran ko?
"What?" Nakataas ang kilay ni Qavis habang tinititigan si Noel sa aking tabi.
"K-Kyle... is forming," utal-utal na sabi ni Noel, ang mga mata niya'y puno ng takot at kaba.
Naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking likuran, halos hindi ko na matiis ang hapdi. Ano itong "forming" na sinasabi ni Noel? Anong nangyayari sa akin?
"What? This can't be happening!" Narinig kong sigaw ni Qavis. Halos mandilim ang paningin nito sa akin. Hindi ko namalayan nakahawak na ito sa aking kuwelyuhang damit.
"What have you done?!" Sigaw niyang tanong sa akin, ang mga mata'y puno ng galit at takot.
Naguguluhan man, nagsalita ako, "H-hindi ko alam... H-hindi ko na alam... Ano ba talaga ang nangyayari? Desperado na akong malaman ang katotohanan." Halos mapaluhod na ako sa sobrang panghihina at kaba.
"You shouldn't dare cross words with her, or you might find yourself on the receiving end of something you never imagined!" patuloy ni Qavis, ang boses niya'y puno ng babala at kababalaghan.
"H-her? A-ang babaeng iyon ba?" Tukoy ko sa mga ala-ala na kung saan nasa Villa Romanillos pa lamang ako.
"You talked to her, right?" Mahina ngunit may diin ang bawat salita ni Qavis. Hindi ko alam, pero para itong natatakot sa kung anong darating na panganib, ngunit mas nanaig pa rin ang katapangan nitong aura.
Nanatili akong nakatingin kay Qavis, nag-iisip kung sino ang tinutukoy niya.
"Ang babae kagabi!" Sigaw niya, dahilan upang mapabalik ako sa realidad. Doon lamang rumehistro sa aking isip ang babaeng nakita ko kagabi. Siya ba ang tinutukoy niya?
"Nakita ko siya. P-pero hindi ko nakita ang mukha niya. W-wala na akong matandaan sa mga sumunod-"
"This can't be. Hindi na dapat ito mangyari." Napailing siya, binitawan na niya ang paghawak sa aking kuwelyuhan.
"A-ano."
"Kyle, it's better for you to stay in the woods-" nagsalita si Noel.
"No, Noel, that won't do any good either. Once we release him into the woods and lock him there, it's game over. The full moon is fucking creeping closer, so we need to protect Kyle now, not stash him away while he's transforming." Sagot ni Qavis.
Bago umalis sa aking paningin si Qavis, pinigilan ko siya, "Qavis, I need answers. I hope you can answer them all."
Unti unti itong lumingon sa akin at hinarap.
"You really don't remember?" Tanong niya na ikinapagtaka ko ng husto.
"A-ang alin?"
"Oh come on, Kyle. Who do you think killed the old lady next door?"
Nanlamig ako sa kanyang sinabi, ang babaeng matanda na kanyang tinutukoy, si Lola Myrna. Bakit napunta ang usapan sa taong yumao na?
"Q-qavis-"
Bago pa ako makapagsalita, bigla nitong idinikit ang hintuturo nito sa aking noo. May kung anong ginawa ito sa akin dahilan upang mapunta ako sa nakaraan, sa panahon kung saan nasa Villa Romanillos pa lang ako.
Hindi ko alam kung paano, ngunit ang pakiramdam na narito ako sa Villa Romanillos ay biglang gumapang ang kakaibang takot sa aking katawan. Naramdaman ko ang malamig na hangin na tila bumabalot sa paligid, ang mga anino ng mga puno na nagtatago ng mga lihim, at ang kakaibang katahimikan na tila nagbabadya ng panganib. Ang bawat hakbang ko sa loob ng villa ay parang pumapasok ako sa isang malalim na bangungot, puno ng mga alaala at pangyayaring hindi ko pa maipaliwanag.
Sa gitna ng aking pagkalito, narinig ko ang mga boses mula sa nakaraan, mga bulong na nagpapaalala ng mga hindi na ikuwento. Ang lahat ng ito ay nagdala ng matinding kaba sa aking puso.
"Mabuti at nandito ka, H-hijo? A-anong nangyayari sa'yo, Anak?"
"Diyos ko po, Panginoon!"
"L-lumayo ka sa akin, H-hijo!"
Napaluhod ako sa sobrang sakit ng alaala, ang sigaw ng matandang babae na si Lola Myrna. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Open your eyes, Kyle."
Sa isang iglap, nasa loob na ako ng apartment ni Lola Myrna. Nakatayo ako habang walang awang pinaslang ang matanda. Gusto ko mang sumigaw ngunit hindi ko mabuka ang mismong bibig dahil para itong kontrolado ng ibang tao—hindi, isang demonyo na nagkatawang-tao at ginamit ang sarili kong katawan.
Ang mga kamay ko, na tila wala sa aking kontrol, ay pumipiga sa loob ni Lola Myrna. Nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata, mga matang pilit na humihingi ng awa. Ang kanyang mga luha ay dumadaloy, ngunit walang anuman ang magpapahinto sa aking mga galaw. Pakiramdam ko ay para akong isang manonood sa sarili kong bangungot, hindi makakilos, hindi makapanlaban sa sariling katawan.
Ngunit sa bawat pagtatangka kong magising mula sa bangungot, parang mas lalong lumalalim ang aking pagkakalugmok sa dilim. Ang huling alaala ko bago ako bumalik sa kasalukuyan ay ang malagim na sigaw ni Lola Myrna—isang sigaw na humihiyaw ng pagdurusa at kawalang pag-asa.
Hinihingal na napasandal ako sa sofa, habol ang hininga na para bang hindi ako huminga ng ilang minuto. Tagaktak ang pawis at nanlalamig ang palad at paa.
"Q-Qavis... anong ibig s-sabihin-"
"You really don't get it, do you? You killed her, Kyle," seryoso niyang sabi sa akin, tila ba alam niya ang lahat ng nangyari.
Nanlamig ang buong katawan ko sa kanyang mga sinabi. Hindi ako makapaniwala.
"Hindi... hindi..." bulong ko, ngunit alam kong may katotohanan sa mga salita niya.
"Your demonic nature explains why you're clueless, Kyle." seryosong sabi ni Qavis, ang kanyang mga salita ay mabigat at nagdudulot ng malalim na pag-iisip.
"A-ano?" Sabi ko at halos pabulong na ito, nahihirapang unawain ang kanyang ibig sabihin.
"You're a demon, Kyle."
Ang mga salitang iyon ay bumagsak sa akin na parang mabigat na bato. Isang agos ng mga alaala at hindi maipaliwanag na damdamin ang biglang nagkaroon ng kahulugan. Ang di-maiwasang makakita ng kakaiba, at ang kakaibang koneksyon sa madilim na pangyayari—lahat ay tumuturo sa isang bagay na ayaw kong aminin.
"Hindi... hindi pwede," bulong ko, na hindi alam kung paano tatanggapin ang mga sinabi niya.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...