Chapter 14

69 11 0
                                    

DESPERADO.

"I'm not sure, Kyle Snapper... when that freak hasn't shown you yet," sabi ni Officer Brixton, ang boses niya ay mabigat at puno ng pag-aalinlangan.

Gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang nangyayari sa akin, pero bakit tila labis na kahirapan ang aking pinagdaraanan para makuha ang sagot na hinahanap ko.

Napabuntung-hininga ako at saka inayos ang buhok ko, marahang sinuklay gamit ang mga daliri. Natawa ako ng bahagya, sapagkat alam kong sa puntong ito, nag-aalinlangan si Officer Brixton sa akin.

Tahimik siya, alam kong may tinatago siyang ayaw niyang aminin, alam kong may mga bagay na hindi pa niya dapat ibunyag, at alam kong lahat ng ito. Ayaw niyang ibunyag, para bang kinakatakutan niyang mahulog ako sa katotohanang matagal na nating gustong malaman, kahit na desperado na ako nang sobra-sobra.

"That's all for now, I have to go, Kyle." Tumayo siya at inayos ang kanyang uniporme na bahagyang nagusot mula sa pagkakaupo. Humakbang siya palapit sa pintuan, hindi na niya inabala pang sumulyap sa akin para samahan siya sa paglabas. Nanatili akong nakaupo, ang ulo ay nakayuko.

"Rest yourself, Kyle, you need energy." At pagkatapos, ang huling bagay na narinig ko ay ang tunog ng pintuan na nag-sara bago ako lamunin ng katahimikan sa silid ng aking apartment.

Inayos ko ang sarili at huminga ng malalim. Bago pa ako tumayo,  nahagilap ko mula sa gilid ng aking mata ang litrato ni Justine, at nang makita ko ito, para akong nanigas sa kinauupuan mula sa gilid ng kama.

Ang mga nakaukit na letra sa likuran ni Justine... Hindi naman siguro ako nagkakamali sa pagbasa.

I'M COMING.

Putangina. Bakit ganon? Hindi maayos ang kalmot ni Justine kanina pero bakit ngayon nababasa ko na ito ng maayos at malinaw?

Naramdaman ko ang kaba at takot na sumabay sa aking pagbasa ng mga salitang iyon. Hindi ko maisip kung paano at bakit nandoon ang mensahe na iyon. Ang kalmot na dating hindi malinaw, ngayon ay may malinaw na pagpapahayag. Pero sa pagkurap ng aking mata, nawala iyon.

Umiling ako.

"Baliw ka na Kyle Snapper." Bulong ko sa sarili.

HAPON NA NANG mapagpasyahan kong magtapon ng basura sa garbage bin ko. Ilan araw na pala akong hindi nagtatapon ng basura kaya nangangamoy na sa loob ng silid ko. Habang tinatali ko ang supot mula sa labas ng apartment ko, may kung anong dumaan na kulay puti malapit sa apartment ng matandang babae na si Lola Myrna. Hindi ko alam kung ano ito ngunit sa mga sandaling ito ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa paligid.

"Lola?" Tawag ko sa matandang babae ngunit wala akong sagot na nakuha mula sa kanya. Guni-guni ko lamang siguro ito sa sobrang pagod at stress.

Itinuloy ko ang pagtali ng supot ng basura at nang matapos, lumabas ako at nilapitan ang garbage bin ko, maayos na inilagay ang supot sa loob. Pinagpag ko ang magkabilang palad dahil may dumikit na dumi roon, pagkatapos pumasok na ako sa loob ng apartment.

Pagtapak ko sa tapat ng apartment ko, napansin ko sa harapan ng apartment ni Lola Myrna na may mga basurahang tila hindi pa naitatapon sa basurahan, at may mga nilalangaw pa ito. Nagtataka ako ngunit nilapitan ko ang mga basura at kinatok ang pintuan. Bahagya ko pang naamoy ang masangsang na amoy na hindi ko mahanap kung saan nanggagaling.

"Lola Myrna?" Tawag ko, ngunit wala akong narinig na hakbang patungo sa pintuan upang ipagbukas ako. Dati-rati, agad niyang binubuksan ang pintuan para sa akin, pero bakit ngayon biglang tumagal? Hindi ganoon si Lola Myrna pagdating sa akin, kaya naguguluhan ako kung bakit ganoon ang nangyayari.

Nag-aalala ako para kay Lola Myrna. Baka may nangyari sa kanya o baka may dahilan kung bakit hindi siya agad sumasagot.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko upang abutin ang seradura ng pintuan at pinihit ito upang buksan. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng mapansing hindi ito nakalock. Maingat kong binuksan ang pintuan, bahagyang naramdaman ko ang malamig na simoy mula sa loob nito at mas lalong lumala ang naamoy kong masangsang. Mukhang alam ko na kung saan nanggagaling ang amoy na iyon.

"Lola Myrna?" Tawag ko sa kanya habang hinahanap ang switch ng ilaw. Napakadilim sa loob at hindi ko makita kung ano ang nasa loob.

"Mukhang nakalimutan mo pong itapon ang basurahan, kung gusto mo po ako na lamang ang magtapon?" Suggest ko ngunit wala pa rin akong nakukuhang sagot.

Tahimik pa rin, walang anumang sagot mula kay Lola Myrna. Nag-aalala ako sa kanya, at hindi ko alam kung bakit ganoon ang kanyang pag-uugali ngayon. Sa pagkakaalam ko, hindi siya ganito kahirap lapitan.

Bakit ba ang dilim? Hindi ganito ang apartment ni Lola Myrna, hindi madilim, hindi maamoy, at hindi malagkit.

Malagkit?

Napaatras ako.

Bakit may malagkit sa paanan ko?

Nang makalapit ako sa ilaw at mabuksan ito, agad kong natantiya ang isang bangkay sa sahig.

Wala nang laman ang loob nito, tila nagkalat sa sulok, ang mukha ng babae ay tila wasak at halos hindi na makilala. Pero ang suot nitong damit ang pumukaw sa akin, hindi ako pwedeng magkamali dahil ang suot nitong babae ay ang suot pa lamang ni Lola Myrna noong nagkasakit ako!

Nagulantang ako sa nakita. Hindi ko maunawaan kung paano at bakit nangyari ito kay Lola Myrna. Ang sakit at lungkot ang pumuno sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang karumal-dumal na eksena sa harap ko.

Putangina.

Sinister Facades (Complete)Where stories live. Discover now