Chapter 17

75 9 0
                                    

"Happy birthday, Noel!" bati ng lahat sa kanya sabay bukas ng malakas na musika.

Nakalimutan ko nga pala na ngayon ang kaarawan ni Noel. Hindi ko man lang namalayan ang araw ng kanyang birthday.

Ngumiti si Noel at humalakhak. "Thank you, guys! Let's make this night unforgettable!"

Bumalik ako sa mga alaala namin ni Noel noong kolehiyo, ang mga tawanan, asaran, at mga kalokohan. Hindi ko na rin namalayan ang mga taong lumipas, at ngayon heto kami, nagkakasama-sama muli. Nagsimula ang kasiyahan, may mga inuman, sayawan, at masasarap na pagkain.

Habang nag-eenjoy ang lahat, lumapit sa akin si Qavis. "Kyle, you seem lost in thought. Enjoy the night. It’s not every day we get to celebrate like this."

Ngumiti ako sa kanya. "Yeah, just reminiscing the good old days."

Bago ito umalis, sinundan ko siya ng tingin, naglalaho sa gitna ng mga taong nagsasaya habang malakas ang musika mula sa speaker. Pero dahil kulay pula ang suot ni Qavis, madali ko siyang nasundan. Hindi ko alam kung bakit kusang naglakad ang mga paa ko upang lapitan siya. May gusto akong tanungin sa kanya, katanungan na gusto kong malaman.

Nakita ko siya sa isang sulok, nakatingin sa labas ng bintana habang hawak ang isang wine glass na may laman na kulay pulang wine. Huminga ako ng malalim bago siya tinawag, "Qavis."

Lumingon siya sa akin, bahagyang nagulat ngunit agad rin itong ngumiti. "What?"

"May gusto sana akong itanong sa'yo."

Nagmumuni-muni siya sandali bago sumagot. "Sure, what is it?"

"Ikaw ba ang nagpadala ng mga sob—" natigil ako sa pagsasalita nang may biglang lumapit na babae sa kinaroroonan namin ni Qavis. Bahagya akong nagulat nang biglang humawak ang babae sa kanang braso ko.

"Oh my gosh! It's really you, Kyle!"

Sinusubukan kong alalahanin kung sino ang babaeng ito, pero nang sabihin niya ang kanyang pangalan, doon rumehistro sa isip ko kung sino siya.

"Elena?"

"Ouch, you already forgot who's your seatmate? It's making me sad, Kyle," bahagya nitong ginalaw ang braso ko, para itong naiiyak habang nagsasalita na nakatingin sa akin.

Habang nakatingin ako kay Elena, hindi ko napigilang mapansin ang kakaibang titig ni Qavis sa kanya. May halong pag-aalinlangan at tila may itinatagong damdamin sa mga mata ni Qavis. Ang titig na iyon ay parang kakaiba.

"Elena, it's been so long," sabi ko, pilit na ngumiti kahit na may halong kaba ang nararamdaman. "Kamusta ka na?"

"Oh, you know, the usual," sagot niya, ngumiti ng matamis ngunit may halong lungkot sa mga mata. "Pero hindi ko in-expect na makikita kita dito. Noel didn't mention you were coming."

"Yeah, it's a bit of a surprise," sagot ko, pilit na tinatago ang pag-aalala ko. "I'm just trying to catch up."

Tahimik na nagmamasid si Qavis, halatang naiirita ito sa presensya ng babae.

"Bakit hindi tayo umupo at magkwentuhan?" pag-anyaya ni Elena. "Madami tayong dapat pag-usapan."

Tumango ako, pero bago pa man kami makalayo ni Elena, hinawakan ako ni Qavis sa braso. "Let's talk, after your conversation with her," paalala niya, mabigat ang boses at puno ng seryosong damdamin.

Tumango ako sa kanya.

Nang makaupo kami ni Elena sa living room, nakakapit parin ito sa aking braso at parang wala itong balak na alisin.

Si Elena, katabi ko noong nag-aaral pa lamang ako sa kolehiyo. Hindi siya tahimik kumpara sa ibang babae, dahil maingay siya at madikit sa mga lalaki. Kaya hindi na nakakapagtaka pa kung sino-sino ang nakakasama niyang lalaki kahit saan. Nag-confess siya sa akin noon, ngunit tinanggihan ko dahil kasalukuyan akong may karelasyon, at iyon si Chantriel. Hindi ko siya tinanggihan dahil may kasintahan ako, kundi ayoko sa babaeng ito na nilalaro lamang ang relasyon at mabilis mawalan ng feelings sa partner.

"Kamusta naman kayo ni Chantriel?" Biglaang tanong niya habang nakatingin sa akin ang masiglang mata niya.

Hindi ko alam pero sa oras na ito, may nakatingin sa akin. Tingin na mabigat na animo'y pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

"We broke up," sagot ko, pilit na tinatago ang sakit sa aking boses.

"Why?" Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mata, tila nabuhayan ito sa nalaman.

Nasa punto na ako ng pagsagot nang maramdaman ko ang presensya sa likod ko. Alam kong si Qavis ito, tahimik pero nararamdaman ko ang kanyang matalim na pagtingin. Parang sinisiyasat ang bawat salita ko, bawat galaw ko.

"It just didn't work out," sagot ko kay Elena, pilit na nginitian ito. "May mga bagay na hindi na namin kayang ayusin."

"Sayang naman," sagot niya, pero halata sa mukha niya ang kawalan ng tunay na simpatiya. "So, you're single now?"

Tumango ako, hindi alam kung paano ilalagay ang sarili sa sitwasyon na ito. Sa gilid ng aking mata, nakita ko si Qavis na patuloy pa rin sa pagtingin sa akin, parang may nais siyang sabihin o gawin. Ngunit nanatili siyang tahimik, pero narinig ko kanina na nagsalita siya.

"Kyle, halika na, may gusto akong ipakita sa'yo," biglang sambit ni Noel, lumapit ito mula sa likod ni Qavis. "Elena, pwede bang hiramin ko muna si Kyle sandali?"

"Of course," sagot ni Elena, ngumiti nang matamis kay Noel. "I'll catch up with you later, Kyle."

Nang makalayo kami ni Noel, bumuntong-hininga siya. "Sorry about that, I know Elena can be... overwhelming."

"Yeah, she is, thank you" sagot ko, pilit na ngumingiti. "Pero may iba pa akong iniisip, Noel."

"What is it?"

"Si Qavis, ang babae" sagot ko, tinitingnan ang direksyon kung saan naiwan si Qavis. "Parang may gusto siyang sabihin sa akin. May mga bagay siyang hindi ko pa nalalaman."

Napatingin si Noel kay Qavis, parang may alam siyang hindi pa niya nais ikwento. "Kyle, there's a lot you need to know. But for now, just enjoy the party, okay?"

Tumango ako, pero alam kong hindi pa dito nagtatapos ang mga tanong at misteryo. Sa bawat hakbang ko, sa bawat salita at galaw, nararamdaman kong may mata na nakamasid sa akin, naghihintay ng tamang panahon upang ihayag ang katotohanan nito.

Sino ka nga ba talaga Qavis Liera?

Bakit iba ang pakiramdam ko sa'yo?

Sinister Facades (Complete)Where stories live. Discover now