LAMPAS HATINGGABI na.
Hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa pag-eenjoy sa loob ng unit ni Noel.
"Kyle! Hey, Let's have a drink!" sabi ni Elena habang maupo ako sa gilid, dala ang dalawang baso na may matapang na alak. Kinuha ko ang isa at hinawakan lang ito, wala akong balak inumin dahil hindi ako sanay uminom at madali akong tamaan ng hilo.
Napansin ni Elena na hindi ko iniinom ang alak. "You don't drink?" tanong niya, tumango ako bilang sagot.
"Uminom ka kahit kaunti," sabi niya, kumbinsing sa akin. Napailing ako pero biglang nagpapansin si Elena sa mga tao sa paligid.
"Attention guys! Can we help Kyle Snapper drink his wine?" sigaw ni Elena, inaakit ang atensyon ng mga tao. Sa kabila ng pilit kong pagtanggi, sa ingay at sigaw nila, walang pagpipilian kundi inumin ang alak nang diretsahan.
Napapikit ako sa pait nito.
"Nice Kyle!" sigaw ng mga tao habang nagtatagayan. Hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng aking paningin matapos inumin ang alak. Tila ba sumayaw ang buong paligid.
"Good job, Kyle!" sabi ni Elena, palakpak habang nagbubunyi.
"Okay na," sagot ko, pilit na ngumingiti kahit na medyo nahihilo na.
Nagdesisyon akong umupo sandali upang pakalmahin ang sarili, bago pumasok sa kwarto. Habang nakaupo, narinig ko ang mga kwentuhan at tawanan sa paligid.
"You need to rest, Kyle. The alcohol might be getting to you," sabi ni Noel nang makalapit ito sa akin, hawak ang aking braso upang gabayan ako patungo sa loob ng kwarto. "I just can't handle that woman." Dagdag pa nito, tukoy kay Elena.
Pagpasok namin, pinipilit kong kalmahin ang sarili. Sa ilalim ng liwanag ng kwarto, naririnig ko ang mga tao na nag-eenjoy sa labas, ngunit ang aking isipan ay puno ng mga alaala ng nakaraan. Si Justine, si Lola Myrna, ang mga bangungot... biglang bumalik ang lahat sa aking isipan.
"Rest now, Kyle. Sorry for dragging you into this and getting you to drink," sabi ni Noel, may lungkot sa boses.
"Nah, it's fine," sabi ko, pinipilit na kontrolin ang sarili, dahil alam kong anumang oras ay mahihiga na ako sa kama.
Nang maramdaman kong unti-unti nang tumatama ang alak, hindi ko na napigilan ang paghiga dahil parang umiikot na ang mundo ko sa sobrang lasing. Bakit ganun ang epekto ng alak? Parang may nilagay na gamot na pampatulog.
Umiling ako, sabay sabi sa sarili na, ano ba Kyle Snapper, hindi ka lang sanay sa alak.
Mga nabasag na bote ang nakaagaw ng pansin kay Noel. Narinig ko iyon kahit na nanlalabo na ang pandinig ko dahil sa tama ng alak. "I'll leave you here for a while, may kailangan lang akong ayusin sa labas," sabi niya, tinutukoy ang mga nabasag na bote sa labas.
Kahit na lasing na ako, nagawa ko pang magsalita, "Sure. I'll just take a nap."
Tumango si Noel at mabilis na lumabas ng kwarto. Naiwan akong nakahiga sa kama, pakiramdam ko ay unti-unting lumulubog sa kamalayan ang tama ng alak. Pero sa kabila ng hilo, tila hindi ako mapakali. Naririnig ko pa rin ang mga tawanan at sigawan sa labas, pero may isa pang tunog na parang humihina at lumalakas, parang nagmumula sa kung saan.
Dahan-dahan akong tumayo, kahit na umiikot pa rin ang paningin ko. Lumapit ako sa bintana at sumilip sa labas. Sa kadiliman, may nakita akong anino na naglalakad papalayo. Nahagilap ko ang mahabang buhok nito, babae. Hindi ko alam kung sino iyon, pero may kakaiba sa kanya, para bang nagmamadali ito.
Bumalik ako sa kama, pero hindi maalis sa isip ko ang babae na iyon. Pakiramdam ko may mali, pero hindi ko matukoy kung ano. Nagpatuloy ang mga tunog sa labas, ngunit para sa akin, tila lumalayo ang ingay at lumalapit ang katahimikan. Sa loob ng kwarto, tila unti-unting sumisiksik ang malamig na simoy ng hangin.
"Mio re, aspetta che inizi la luna piena. Ti reclamerò."
Narinig kong bulong ng kung sino, sa bawat salita nito ay para akong nahihipnotismo. Hindi ko alam, pero kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang hindi ko maintindihan.
"Fammi tuo, mia regina."
Para akong nawala sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang iyon, pero ramdam ko ang bigat at kapangyarihan sa likod ng bawat salita. Tumindig ang mga balahibo ko, at parang may malamig na hangin na dumampi sa akin, dumadaan sa balat ko hanggang sa buto. Napalunok ako, at pilit na binalik ang sarili sa realidad.
Napatingin ako kay Noel na kakapasok lang. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha habang lumalapit siya sa akin.
"Kyle, are you okay?" tanong niya, halata ang pagkabahala sa boses niya.
Tumango ako, "A-ahh, oo."
"Kamusta na ang pakiramdam?" Tanong niya pagkatapos umupo sa tabi ko. Bahagyang lumubog ang kama sa bigat niya.
"Maayos naman," ang sabi ko, pero ang totoo niyan ay mas lalong hindi nagiging maayos ang pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin. Pakiramdam ko, unti-unti na akong nawawalan ng katinuan.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...