Ang alaala na kasama ko pa ang mahal kong babae na si Chantriel, tila pinipiga nito ang puso ko sa bawat gunita ng aming pagsasama. Ang bawat alaalang kasama ko siya ay parang multong humahanting sa nananahimik kong isip, walang tigil na bumabalik-balik.
Kinakalimutan ko ang kanyang presensya, sinusubukan kong itaboy ang mga alaalang nagpapaalala sa kanya. Ngunit sa tuwing ginagawa ko ito, para bang may nagkakabit ng mabibigat na kadena sa loob-looban ko. Nasasaktan ako, parang may pira-pirasong nasisira sa puso ko, dahil hindi ko kayang mag-move on sa taong lubos kong minahal kahit saglit lang kaming nagkasama.
Ang mga alaala niya ay parang mga hibla ng isang manipis na tela, na kahit gaano ko man subukang sirain, ay nananatiling buo at malakas. Ang bawat ngiti, ang bawat halakhak, at ang bawat sandaling magkasama kami ay parang mga patak ng ulan na hindi maaring kalimutan. Ang sakit at lungkot ay nagiging bahagi na ng aking araw-araw na buhay, na parang isang sugat na hindi maghilom-hilom.
Ganoon na lamang ang panlalamig ko nang mapagtanto ang lahat ng ito.
"El Diego, I was the one who—"
"Who separated the relationship I had with Chantriel?" dugtong ko sa kanya, na sana ay siya ang magsasabi niyon.
Ngumiti ako ng bahagya, kahit pilit na hindi ipinapakita sa kanya na apektado ako. "I understand why you did it on purpose, Eisheth. You couldn't bear to see me with someone in love with a human. I know love can drive us to do anything to be with someone, and you acted out of love for me."
Alam kong may rason ang lahat ng ito, at pinilit kong tanggapin ang katotohanan. Ang mga mata ni Eisheth ay puno ng kalungkutan at pagsisisi, ngunit naroon din ang pag-asa na sana'y maintindihan ko siya.
"El Diego, I didn't mean to cause you pain," sabi niya, halos pabulong.
Hinawakan ko ang kanyang kamay, pinaparamdam na naiintindihan ko siya kahit masakit. "Eisheth, alam kong hindi madali ang ginawa mo. At kahit na nahirapan ako, alam ko rin na ang pagmamahal mo sa akin ang nagtulak sa'yo para gawin iyon."
Ang bigat ng mga alaala kay Chantriel ay nagpatuloy na sumiksik sa aking isipan, ngunit kasabay nito ay ang pag-unawa kay Eisheth at ang kanyang mga dahilan. Alam kong mahal niya ako, at kahit na ang kanyang mga kilos ay nagdulot ng sakit, nakita ko ang katotohanan sa likod nito—isang pagmamahal na handang magsakripisyo para sa akin.
Pinilit kong palambutin ang aking puso, upang mas maintindihan siya. "Eisheth, hindi ko man mabura ang nakaraan, pero pipilitin kong magpatuloy. Kasama ka."
Natulala siya sa aking sinabi, namuo ang butil ng luha nito sa gilid ng kanyang mata, pero bago iyon pumatak sa kanyang pisngi, agad ko na itong pinahid.
"Perhaps it's fate, Eisheth. Maybe it's Chantriel's destiny to fall in love with someone else, because deep down, I feel that Chantriel's father needs someone to save their company. I understand that you orchestrated this to pair her with someone else and separate us, and now all I feel is emptiness. I can't blame fate, even if you're behind of that, Eisheth."
"El Diego,"
Tuluyan nang pumatak ang luha nito sa kanyang pisngi, halos sakupin na ng luha ang mata nito sa matinding pakiramdam na kanyang matagal nang gustong ilabas.
"I... I'm sorry..."
"Hush, my love. Chantriel deserves someone else, a human to be her mate... Not a demon like me."
Niyakap ko siya nang mahigpit habang umiiyak pa rin siya, pumapatak ang kanyang mainit na luha sa aking bisig. Ramdam ko ang bigat ng kanyang damdamin, ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Remember the day we talked about you becoming hideous someday, and it actually did?" tanong ko sa kanya habang siya ay tahimik na umiiyak.
Naramdaman ko ang pagtango niya sa gitna ng kanyang mga luha.
"It actually happened, you know. I got scared, like... a lot."
Mahina siyang natawa sa sinabi ko.
"I may not have fulfilled my promise for my heart to recognize and find you, but I cherish your love for me even if I lost my memories that eventually came back when you were near."
"El Diego..."
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Mahal kita, Eisheth. I don't care what you are. For me, you are the most important woman in the world."
Napangiti siya ng bahagya kahit na puno ng lungkot ang kanyang mga mata. "Pero... Pero paano kung hindi ako sapat para sa'yo?"
"Hindi mo kailangang mag-isip ng ganun," sabi ko habang pinapanatag ang kanyang kalooban. "You are important to me. And that... will never change."
Hinigpitan niya ang kanyang yakap sa akin, tila ba sinusubukan niyang itago ang sakit na nararamdaman. "Thank you," bulong niya, ang boses ay puspos ng pasasalamat.
Hinawakan ko ang kanyang mukha nang mahinahon na may pag-iingat, tinatangi ang bawat sandali. Nagtama ang aming mga mata, at sa kabila ng kanyang lungkot, nakita ko ang walang hanggang pagmamahal na nasa kanyang mga mata. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, pinapakalma ang kanyang magulong damdamin.
Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya, ang bawat pulgada ay puno ng pangako at pag-asa. Nang magtama ang aming mga labi, ramdam ko ang init ng kanyang hininga, at tila huminto ang oras sa sandaling iyon. Ang kanyang malambot na labi ay parang musika na nagbigay ng kapayapaan sa puso ko.
Habang patuloy ang aming halik, naramdaman ko ang kanyang pag-ayon, ang kanyang pagkahulog sa damdamin. Ang bawat segundo ay puno ng emosyon—pagmamahal, pang-unawa, at pag-asa. Sa bawat paghaplos ng aming mga labi, unti-unting naglaho ang kanyang mga luha, napalitan ng tamis ng sandali.
Sa gitna ng aming halik, parang nagkaroon ng kakaibang makulay na kapaligiran sa paligid namin. Ang puno ng kadilimang may mga maiitim na rosas ay biglang napuno ng liwanag at makulay na rosas na kulay pula, parang ipinapakita ng kapaligiran ang tunay na damdamin ng aming mga puso.
Unti-unti naming hiniwalay ang aming mga labi sa isa’t isa, at sa kabila ng lungkot at sakit na naramdaman namin, gumuhit ang matamis na ngiti sa aming mga mukha.
"You are the eternity in my heart, Eisheth," sambit ko, puno ng katotohanan at pagmamahal ang bawat salita.
"Even if it's already hard for us to cope?" tanong ni Eisheth, ang kanyang boses ay nanginginig ngunit puno ng pag-asa.
Matagal ko siyang tinitigan, ang kanyang mga mata ay tila sumasalamin sa kagandahan ng mga pulang rosas na nakapaligid sa amin. Sa gitna ng kagandahan ng kapaligiran, nakita ko ang kanyang walang hanggang pagmamahal.
"Yes, I promise," tugon ko, bawat salitang binitiwan ko ay puno ng pangako.
Muli kong inilapit ang aking mukha sa kanya, this time mas mabilis at mas puno ng pagkasabik. Nagtama muli ang aming mga labi, at sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang mas malalim na koneksyon sa pagitan namin. Ang aming halik ay mas mabilis ngunit puno ng init at pagnanasa, parang nagpapatibay sa aming pangako sa isa’t isa.
Ang paligid ay muling nagliwanag, at ang mga rosas ay tila sumasayaw sa hangin, nagdiriwang sa aming pagmamahalan. Ang bawat sandali ng aming halik ay tila nagiging walang hanggan, pinapawi ang lahat ng aming takot at pangamba.
Sa sandaling iyon, alam naming kahit ano pa ang mangyari, ang aming pagmamahalan ay mananatiling matibay at walang hanggan.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...